-- 29 --

408 20 4
                                    

Lorenz was happy he got the chance to talk to Toni. Never in his entire life did he feel so much kilig. He missed her, really. He missed touching her hair, he missed kissing her, he missed caressing her,he missed her scent, he missed everything about her. 

Kahit noong mga nakaraang buwan na hindi sila nag-uusap, sa tuwing makikita niya ito sa paaralan ay nais na niyang takbuhin ang pagitan nila at yakapin ito. But he was giving her time. 

He never lost contact with her mother. Lagi pa rin niyang kinukumusta ang dalaga sa ina nito. For the past months, nagkasya siyang naririnig lamang ang tawa nito mula sa kanyang likuran kapag sila ay nasa loob ng faculty room. 

He wanted to give her enough time and space to breathe. Pero hindi siya mapakali noong napansin niyang parang nag-iiba ang trato ni Michael kay Toni. Alam niyang malapit ang dalawa, ngunit bilang lalaki, alam niya ang kilos nito. Alam niya ring bago naging matalik na magkaibigan ang dalawa ay binalak nito na ligawan ang dalaga. 

Halos maningkit ang mata niya noong nakita niya si Toni na nakayakap kay Michael habang ito ay nakaupo sa duyan -- sa Subic. He was jealous. 

_____________________________________________

Hindi man ipinahahalata ni Toni ngunit habang siya ay nag-aayos papasok sa paaralan ay hinihintay niya si Lorenz --- this was their last day, may meeting lang sila. Mukhang wala itong balak na isabay siya sa pagpasok. Nagmumukmok na nagpaalam na siya sa kanyang ina.

"Masama ba pakiramdam mo?" Tanong sa kanya ng mama niya.

"Opo." Nakangusong sagot niya. 

"Naku, wag ka na nga munang pumasok."

"Po? Hala, hindi ma. Hindi ko lang naintindihan ang tanong mo. Sige po, papasok na ko." Gusto sana niyang sabihin dito na hindi pakiramdam ang masama sa kanya kundi ang kanyang loob.

Papasok pa lang sa gate ay natanaw niya na ang sasakyan ni Lorenz na nakapark sa loob. Inirapan niya ang walang malay na sasakyan. 

Pagkapasok niya sa faculty ay may mga gamit na sa loob tanda na mayroon ng mga naroon ngunit wala ang mga ito. Batid niyang ang iba ay nasa canteen at ang iba ay sinilip ang mga silid-aralan na ilang buwan ding mababakante.

"Hi, Tonz." Masiglang bati sa kanya ni Lorenz. Kasabay nitong pumasok si Lailanie.

"Good morning." Bati ni Lailanie sa kanya.

Pilit na ngiti ang iginanti niya sa mga ito. "Anong maganda sa umaga?" Nais niya sanang sabihin. Umasa na naman siya na magiging okay sila. "Mag-uusap lang ang sabi, Toni. Hindi magbabalikan." Pagkausap niya sa sarili.

Nagulat siya nang lumapit sa kanya si Lorenz at hinalikan siya sa noo. "Good morning. Akala ko hindi ka papasok, sabi ni tita masama raw pakiramdam mo." 

"H-ha?" Ito talagang mama niya, pagdating kay Lorenz talagang maging ang mga maliit na bagay ay sasabihin pa. Akala yata nito ay okay pa sila. "Sana nga hindi na lang talaga ako pumasok." Bulong niya.

"Why?" May pag-aalala sa tono nito. "Are you okay?" 

"Joke lang. Sige na, mag-aayos na ko." Para niyang pagtataboy rito.

Ngiting-ngiti naman si Lorenz nang bumalik ito sa puwesto niya. Ramdam niya kung bakit tila wala sa mood si Toni. He knew she was jealous. He was confident. 

Ang pagpupulong nila ay tumagal din ng halos dalawang oras. Maliban sa treat sa kanila sa Subic, may free food din na ibinigay sa kanila ngayon. 

Pagkatapos kumain, nagpaalam na ang mga teacher sa isa't isa. Matagal-tagal din silang hindi magkikita-kita. 

Mabigat ang loob ni Toni na humahakbang palabas sa gate ng paaralan. Hindi niya kasabay sina Chinchin at Michael. Wala siya sa mood upang lumabas pero nangako siya sa mga ito na sasama sa galaan sa susunod --- mahaba pa naman ang bakasyon.

Do You Believe in Magic?Where stories live. Discover now