Chapter 17

88 14 5
                                    

Nakatulala ako sa kwarto habang nakatitig sa tv. Naka broadcast ngayon ang kasal na magaganap sa susunod na buwan nila Syn Lawrence Villanueva at Ariella Ferrer.

Magkasama ang dalawa habang parehong ini interview para sa nalalapit na kasal at ang pag me-merge ng kompanya nito.

"First of all, I want to congratulate the both of you! Your wedding is the most awaited! Dahil bukod sa pareho kayong sikat ay alam naman nating lahat na hindi magpapahuli ang ating primetime bida. An actress and a business man what a great match!" Masiglang panimula ng host na pareho nagpatawa sa kanilang dalawa.

He looks so happy...

"Okay, may I know first how did you two met?" Nakangiting tanong ng host. Na kaagad naman sinagot ng babae, si Ariella.

"Ohh, we're childhood friends."

Umaktong nagulat ang host. "Woah! That's great! Are you two excited and happy for the upcoming wedding?"

"Ofcoures we are! We've been waiting for this moment since we're on college, kaya lang dati hindi pa pwede. But I'm glad, matutupad na ito ngayon," si Ariella ulit ang sumagot. Bakas ang kasiyahan sa bawat kislap ng mga mata nito.

"How about you Mr. Villanueva?"

Umayos ng upo si Syn, bago ipinulupot ang braso nito sa bewang ng babae.

"Ofcoures," ngumiti ito saka humarap kay Ariella. "We've been waiting for the wedding."

Kaagad namang nagtawanan ang host at mga nanonood. Pinahid ko ang luhang tumulo sa pisngi ko. Ang saya nilang tingnan, sa bawat kislap ng mga mata mababakas mo doon ang saya...

"Gid?" kaagad kong pinatay ang tv, pasimple kong pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi ko bago humarap kay Thyn.

"Yes?"

"Naayos na ni Shan ang lahat. Bukas na ang biyahe natin papuntang probinsya niyo."

Tumango ako saka yumuko na lamang sa hiya. Nang dahil saakin, kinailangan nilang mag resign sa trabaho.

"You know Gid, It's not your fault. Huwag mo sanang sisihin ang sarili mo, everything happens for a reason alright? Maybe this isn't just the right time," Kinuha nito ang kamay ko at maramyang hinaplos.

"I know Thyn, nag-aalala lang ako sainyo. Hindi na kayo dapat nadamay pa-"

"Asus! Ayos lang yun ano kaba! May itinayong clinic naman si Ate doon. Kami nalang daw muna ni Shan bahala. Kaya no need to worry okay?"

"Salamat Thyn,"

"Hayyysssttt, wala yun. We're best friends right? Kung nasan ka man dapat nandun kami walang iwanan diba?" aniya na sinundan ng halakhak.

Napangiti ako. Ano nalang ako kung wala ang mga kaibigan ko? I owe them everything...

"Iiwan mo si Anton?"

Napawi ang ngiti nito, umiwas ito ng tingin saka tumayo.

"Masusunog na yung niluluto ko-"

"Thyn."

"He's getting married Gid,"

Napaawang ang labi ko sa sinabi nito. H-how? Nag-angat ako ng tingin kay Thyn. Nakita kong may tumulong luha sa pisngi nito na kaagad din naman niyang pinunasan gamit ang likod ng palad nito.

"I-I'm fine Gid, ayos lang," kinagat nito ang pang ibabang labi saka ako tinalikuran. Kasabay ng pagsara ng pinto ay ang pagbigat ng pakiramdam ko. All this time h-hindi lang pala ako ang na ngangailangan ng comfort. Thyn needs comfort too! Pero b-bakit hindi niya sinabi saakin?

My Sister's BoyfriendWhere stories live. Discover now