Chapter 16

93 21 2
                                    

Nakatulala ako sa kwarto ko, hawak ko ang kutsilyo habang patuloy na tumutulo ang luha ko. I've been fooled. Niloko ako ng lalaking mahal ko. I felt numb... yet it hurts.

Hinayaan kong umagos ang dugo mula sa pulso ko. Hawak ko ang tiyan habang patuloy na umiiyak. I'm sorry baby, I'm so sorry that you'll die with mommy...

Hindi dapat, pero gagawin ko. I can't afford to live again... Unti-unti nang nanghihina ang katawan ko, nagsisimula nading lumabo ang paningin ko. I'm so sorry love...

Bago tuluyang mawalan ng ulirat ay narinig ko pa ang malakas na kalabog kasabay ng ilang sandali ay ang pagdalo saakin ng kung sino man.

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko. Iminulat ko ang mata at si Thyn at Shan ang bumungad saakin.

"How are you feeling?" kaagad na lumapit si Thyn saakin. Hindi ako umimik, ibinaba ko ang tingin at pinaglaruan ang mga daliri.

"Gid, what happened? W-why did you do that?" ramdam ko ang sakit sa tanong na iyon ni Thyn.

"Bakit nga ba?" inangat ko ang tingin saka ngumisi. "Why do you think I did that?"

"G-gid-" pinutol ko ang sasabihin ni Shan.

"What? God! Please stop acting like you care, galit ka nga saakin diba?" tumawa ko.

Magsasalita palang si Thyn ay pinutol ko na ito. Tinignan ko sila pareho.

"He broke up with me, he was just into revenge kaya pinakisamahan niya ako. He used to be my sister's boyfriend, he never wanted me and his child so why not die?" humalakhak ako, kasabay ng pagtulo ng luha ko ay ang paninikip ng dibdib ko.

"N-nasaktan din naman ako sa nangyari d-dati pero di ko naisipang maghiganti. I lost my boyfriend and child! I fuckin' lost them both because of my sister-"

"And now you are going to lost yourself and child because of your sisters boyfriend." Napatitig ako Kay Thyn.

"I had no one, nag-iisa nalang ako. I don't want to live in pain and so much hatred. Nabasag nako noon, ayokong mabuhay kami ng anak ko ng durog na durog ako ngayon."

"You're not alone Gid, you have us-"

"No Thyn, you only have each other hindi ako kasama. Nasaan nga ba kayo nung kailangan ko ng karamay? I always cry myself out every night! Alam mo ba kung gaano kasakit ang magpanggap na okay lang, kahit hindi. Ang ngumiti sa gitna ng pait at pighati?" nanahimik silang dalawa.

"Mabuti ka pa nga eh, you still have Shan." Pinahid ko ang luhang lumandas sa pisngi ko. "Ako wala"

Umiiyak na niyakap ako ni Thyn. "I-I'm sorry Gid, I'm so sorry"

"No need to say sorry, It wasn't your fault. Kasalanan ko, hindi ko kasi sinanay ang sarili ko ng wala kayo."

Lumapit saakin si Shan at saka ako niyakap. "It was my fault, I'm sorry"

Umiling ako pero hindi na nagsalita. I felt a little bit better now. For a minute I realized there's no one to blame except myself. I was the one who put myself into this kind of situation, wala silang kasalanan. Hinayaan kong kainin ako ng emosyon ko kaya nagawa ko ang makasalanang bagay sa munod. The moment I tried to take my own life...

"How's my baby?" tanong ko ng pareho silang kumalas saakin.

"It's okay, no need to worry. Mabuti at nadala ka kaagad ni Shan dito," hinawakan nito ang kamay ko.

Bumaling ako kay Shan. "H-how did-"

"Hindi ako nawala Gid, palagi akong naka-alalay sayo. You never noticed, but I'm always with you... Kailan man hindi ako nawala sayo Gid" napapikit ako ng halikan nito ang noo ko.

Inaamin kong nasaktan ako nung mga panahong wala silang dalawa saakin. Paki-ramdam ko, mag-isa nalang ako. Paki-ramdam ko, pinagkakaisahan ako ng mundo. Paki-ramdam ko, wala akong karapatang maging masaya.

Nung namatay ang mga magulang ko, ako ang nag-alaga sa kapatid ko. Ako ang sumalo ng responsibilidad para sa kapatid ko. K-kahit hindi ko siya totoong kapatid, ipanaramdam kong mahal ko siya at mahalaga siya sa'kin.

Tumigil ako ng isang taon sa pag-aaral para makapag-ipon ng pang aral para sa kapatid ko. Kaya masyado akong nasaktan ng malaman kong nagawa niyang patayin ang taong mahal ko at naging dahilan ng pagkamatay ng anak ko.

H-hindi naman naging madali saakin ang lahat. Oo galit ako sa kapatid ko pero ni minsan, hindi ko hiniling na mamatay siya...

K-kung alam mo lang siguro Syn lahat ng pinagdaanan ko...

"Gid, kumain kana," nilingon ko si Thyn, iniabot niya saakin ang bowl ng soup.

Dalawang araw na din ang lumipas at nakauwi na'ko sa condo.  Simula ng mga nangyaring iyon ay hindi na kailan man umuwi pa si Thyn at Shan.
Silang dalawa ang nag-alaga saakin. They also take a leave for months para mabantayan ako, I tried to convince them na ayos lang kung iwan na nila ako. Ayokong maging abala pa sa kani-kanilang trabaho but no listens to me. Both of them insisted to stay...

"Umiiyak ka nanaman,"

Pinahid ko ang luhang tumulo sa pisngi ko. "I'm just happy and thankful because I have both of you..."

Niyakap ako ni Thyn saka hinawi ang buhok na humaharang sa pisngi ko. "You always have us Gid, simula ngayon palagi na kaming nasa tabi mo."

Mas lalo akong napaiyak. God! What would I do without them? Baka tuluyan na'kong nawala sa mundo. They didn't only save me, they saved my child!

"Wag ka na ngang umiyak! Alam mo namang bawal umiyak pag buntis! Papangit yang anak mo sige ka!" napatawa ako sa sinabi nito.

"Ayos lang, ikaw naman pinaglilihian ko," pagsakay ko na nagpalukot ng mukha nito.

"Kung ako paglilihian, sigurado nang gaganda lahi niyang anak mo! Pero pag si Shan, nakuuu! Kawawa naman yang baby mo," tumatawang saad nito na nagpatawa saakin.

"Pag yan narinig ni Shan," umiling ako at sumubo na lamang ng pagkain.

Ilang minuto lang ay bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Shan na magulo ang buhok.

"I heard my name, do you need anything?"

Nagkatinginan kami ni Thyn, saka sabay na humagalpak ng tawa.

"What?" naguguluhang tanong nito saamin na mas lalong ikinatawa namin pareho.

"W-wala naman.," kinagat ko ang pang ibabang labi para magpigil ng tawa. Naguguluhang tumango ito saka bumulong. "I'm glad you're okay now."

"Ha?" Ako naman ngayon ang naguguluhang nagtanong sakanya. Bubulong-bulong pa kasi.

"Nothing I'll just cook," lumabas ito ng pinto.

"HAHAHA, kala mo din masarap magluto eh."

Kaagad kong hinampas si Thyn ng unan. "Huy Thyn! Kanina mo pa inaaway si Shan."

Kaagad naman itong gumanti saakin. Isang mahinang hampas mula sakanya bago ito muling nagsalita na ikina ngiti ko.

"Gaga ka! Pinapatawa lang kita."

Alam ko Thyn, alam ko...

My Sister's BoyfriendWhere stories live. Discover now