III.Nothing to do

165 8 4
                                    

3rd Person's POV


"Ajfjthdkthdjhjd hyung anong ginawa mo thakanya?!?!" sabi ni Sehun sa kanyang Kris hyung at may kasama pang-uga.



"Ano tinusok mo nanaman sya ano?! Alis nga dyan!! Puro tusok alam mo eh." sabi ni Suho kay Kris at inusog 'to sa tabi.



Nang makaharap na si Suho sa babae ay agad itong natigilan dahil ... kamukha nya ito. Hindi nya aakalain na may kamukha pala sya at talagang maganda ito, kasing puti rin ng kutis nya ang kutis ni Suho.



"Hoy! Wag ka munang mag-senti dyan. Anong gagawin natin sa magandang ito?" sabi ng mukhang babae na lalaki na usa na kinabog ang kagandahan ng ibang babae kapag katabi sya. Ito si Luhan, Visual ito sa grupo nila, kagandang lalaki ba naman pero may abs din 'to. Yummy diba? Pero huwag hayaang tumabi dito dahil magmumukha kang gusgusin at mapagkakamalan ka pang yaya.



Napatingin silang lahat dahil sa pagbukas ng pinto. Lagot! Dumating na yung Manager hyung nila.



"Oh anong ginagawa nyo dyan? Ba't di pa kayo nagpapractice?! Hala! Sige magpractice na kayo!!" sabi sakanila ng manager nila na papunta sa pwesto nila ngayon.



"Ah eh manager hyung may nangyare kasi eh. Si Kris hyung kasi eh." sabi ng matangkad na may malaking tenga. Ito naman si Chanyeol, multi-talented ito, gwapo, malalim ang boses, at kinikilala syang happy virus ng lahat dahil sa masiyahin sya.



"Oy anong ako? Kinuha ko lang naman yung cellphone nya eh tapos biglang nahimatay na sya." defensive na sabi ni baba este ni Kris.



Nang makalapit na ang manager nila ay tinignan nya ang babae na hawak ni Suho kanina pa. Magsasalita pa sana sya nang makilala ang mukha ng babae. Nagulat ito dahil totoo ngang dumating na ito sa kumpanya.



"Ah manager hyung okay ka lang?" kinalabit sya ni Lay at tinanong.



Napalingon sya dito at tumango lang. Totoo ngang sya na ang bagong choreographer ng EXO.



"Xiumin, Tao at Lay kumuha kayo ng comforter at unan." utos ng Manager hyung nila.



"Bakit hyung? Tsaka bakit may babae dito? Anong nangyare sakanya?" sunod-sunod na tanong ni Lay sakanyang hyung at mababakas mo na may pag-alala sa boses nya.



"Basta ipapaliwanag ko sainyo mamaya, kumuha na muna kayo ng comforter at unan." sabi ng Manager hyung nila at tinapik lang ang braso ni Lay.



Umalis na ang tatlo para kumuha ng comforter at unan. Maya-maya'y ay dumating na sila, nilatag nila ito ng maayos at inihiga na ang babae.



"Ang sosyal naman nitong babaeng 'to kailangan iganyan pa hyung." sabi ng baklang may magandang kamay. Siya naman si Baekhyun, madaldal ito at mahilig mang-bara, masiyahin din sya at meron daw kuno syang nutella abs.



"Alam mo baek, hindi lang sya basta-bastang babae na magiging choreographer nyo lang. Ano kasi, isa siya sa mga sikat na DJ, sya pa ang pinakabatang successful music artist at isa din sa sikat na model. Nakakasama niya minsan yung paborito mong model Sehun, si Miranda Kerr ba 'yon?" Kwento ng Manager hyung nila. Magsasalita pa sana sya pero inunahan na kaagad sya ni Sehun, bastos na bata.



"Talaga hyung?!!" Tuwang-tuwa na tanong ni Sehun.



Pero agad iyon napawi dahil binatukan sya ni Luhan, MAJAROT KASI!!



"Magsitigil nga kayo. Eto pa, Apo din sya ng pinakasuccessful na business tycoon at ka-business partner ng kumpanyang ito." dagdag pa ng Manager hyung nila.



Hindi makapag-salita ang isa sakanila, hindi na nga makapag-react dahil kamukha ito ni Suho, yun pa kayang mga sinabi ng Manager nila.



Magsasalita sana si Suho nang biglang bumukas ang pinto, nakita nilang may kambal na blonde parehas ang buhok na pumasok.


"WHERE'S MY BABY BEATRIX?"

He's Rich. She's Richer.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon