Chapter 1

39 1 0
                                    

"Oh? sinisimangot mo dyan doc? dami ng pasyente naghihintay sayo sa OPD. " bati sa akin ng clinic secretary ko.

"I'm really not in the mood today Maria. Ewan ko ba, there's this feeling na may mangyayari yata ngayon. Ewan di ako mapakali, and besides pagod na akong magsuot ng PPE tumutubo na mga pimples ko. Stress na ako." sabi ko habang binabasa ang kanina pang mga charts na binigay sa akin ng secretary ko.

"Naku, may something ba dokie? baka naman kulang ka lang sa lambing?" biro pa ni Maria.

"tatanda yata akong dalaga, porket kakagaling mo
lang sa honeymoon inaasar mo na ako ha." singhal ko. pero ewan ko ba, baka siguro kasi di ako nakapagbreakfast.

Lord naman, bakit naman ganito? baka naman pwedeng pagpahingain niyo rin kaming frontliners, labas kayo ng labas pag nagkakasakit sasabihin kaagad samin na gawa gawa lang namin ang Covid. Pagpapaluin ko kayo sa mukha dyan eh.

Anyways, enough na sa stress na yan.

"Mars, baka naman pwedeng 15 patients lang ang i cater natin today? Half day lang siguro muna tayo ngayon. di talaga maganda pakiramdam ko."

"Sige doc, pero baka naman ano na yan doc ha."

"Covid yata to." biro ko kay Maria.

"uy wag naman. " takot lang ni Maria. Napangisi
nalang tuloy ako. Chineck ko ang phone ko para tignan ang oras. 9 am na pala.Minasahe ko muna ang aking noo bago magpapasok ng pasyente sa clinic. Okay lang yan She. 15 patients lang and you're done.

Inikot ko ang aking swivel chair para humarap sa papasok na pasyenteng magpapacheck up sana and to my surprise pumasok ang loka loka kong
bestfriend.

"Bes." bungad niya sakin.

"Oh, bakit andito ka? walang clinic girl?"

"Ano ba, wala pa akong tulog. Straight 48hours duty ako. Di ko na kayang magclinic!Non stop ang vehicular accident, may ex lap pa ako mamaya. Pagpahingain naman sana nila ako, pakiramdam ba nila ako lang surgeon dito?" reklamo niya sakin.

"Hoy, Ayla Bermudez kung magrereklamo ka, wag sakin kasi pareho tayong pagod. Non stop din pinaanak ko kagabi,magbibilangan ba tayo ng trabaho dito? haha."

"bruha to. Pero di nga, actually may pakay ako sayo bes."

"siguraduhin mong maganda yang pakay mo sakin bes."

"Well, ano kasi birthday ni Doc Jb today and nagyaya sila. Baka naman gusto mong sumama?"

"pass." diretso kong sabi. Busy ako
Ayla. pagpahingain mo ang katawang lupa ko.

"Hoy ang kill joy naman nito. hambalusin kitang stethoscope niyan!" seryosong sabi niya sakin.

"Ayla naman eh, konti na nga lang
nicater kong patients para naman makapagpahinga ako tapos gusto mo pa magparty mamayang gabi?"

"Wow ha. Hoy, almost 4 years ka nang di nakakapunta sa bar, puro ka nalang bahay, trabaho. Paano ka magkakaboyfriend niyan?" bulyaw ni Ayla. Umupo siya sa harapan ko at kinuha ang mga charts ko. " Mars, 5 patients lang cater nitong si Sheryl ngayon."

"Hoy, gaga to!" reklamo ko. " kita mo na birthday pupuntahan natin pero boyfriend hanap mo sakin. I'm taken you know. Alis na, magstart nako check up."

"Taken taken, taken for granted ng bakla." bulong niya. pero girl, rinig ko parin parang nananadya pa yata. " baka naman gusto mo ng mag move on ano? nasa Europe na yung tao, maraming kanong pogi doon. Hotdog gusto nun girl, hindi monay. Ano ka? deboto ng bakla?"

"Hoy Ayla ha!" napipikon na ako sayo. "Oh sige na, pupunta na. Wag mo na akong pangaralan. " ayoko ng magreklamo pa kasi hahaba lang ang usapan namin baka umabot pa sa Jupiter ang sumbat sakin nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 16, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Still you, Fredericko.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon