Ikaw pa rin sa tuwing titingin ako sa mga bituin sa kalangitan, tanging ang iyong ningning ang aking nakikita. Tila isang buwan na hindi nakakasawa. Liriko'y sa iyo pa rin inaalay, mga tono'y tulad ng iyong mga halakhak. Nakakahumaling pakinggan. Tula'y ikaw pa rin ang paksa, mga salita'y ikaw ay inilalarawan. Mga metaphora sa iyo'y inihahambing. Ikaw pa rin ang iginuguhit, bawat pagdiin at pagguhit ikaw ang naalala. Isang obra maestra kung tawagin sa gandang taglay mo- o ng piyesa. Isa kang libro na hindi nakakasawang basahin, unawain, at mahalin. Abutin man ako ng ilang oras kababasa nito, hindi kailan man mapapagod sa iyo. Taglay mo ang iba't ibang kategorya. Isang kang kape na pampagising sa akin sa umaga't gabi. Nakakaganang bumangon at simulan ang araw kung ikaw lang din naman ang masisilayan, at sa pagtulog siyang paalam mo ang papanaginipan. Kasing ganda mo ang tanawin sa kaumagahan. Ang mga mata mo'y parang dagat, na nakalulunod kung sisisirin. Mga ngiti mo'y parang bahaghari pagkatapos ng maghapon na pag ulan. Ikaw pa rin. Ikaw pa rin kung tatanongin nila ako, ikaw pa rin ang sagot sa mga walang katapusan na tanong. Ikaw ang pormula na nagbubuo sa akin, pormula na kay tagal kong hinintay at hinanap.
YOU ARE READING
Summer Has Fallen
PoetryI was once captivated by the beauty of summer. Never thought that one day I'd fall into it.