Nov. 30, 2020

1 0 0
                                    

Ikaw lang ang nais ko makasama
Wala ng akong gusto pang balikan
Kahit ako'y papiliin ikaw ay umasang
Gusto kong makapiling.

Mahal, kung papiliin man ako ng tala kung araw ba o buwan, pipiliin ko ang buwan. Hindi dahil hindi ko ibig ang araw kundi dahil minahal kita kahit hindi ka buo, kahit ang layo mo, at kahit minsan hindi na kita mamabot at makita. Kahit ang gulo't hindi ko na maintindihan, pipiliin pa din kita. Kung itatanong mo ko ibig ko bang bumalik sa nakaraan o manatili sa kasalukuyan. Pipiliin ko ang kasalukuyan, hindi dahil hindi ko ibig ang nakaraan. Kundi wala ng mas gaganda pa noong nakasama't nakapiling kita, sinta. Hindi ko na ibig balikan ang nakaraan kung hindi rin naman pala kita makakasama't makikila. Kung iwan man ako ng lahat ng tao, ayos lang, ang ibig ko ang ay ang makasama ka. Ninanis at minimithi sa bawat araw na nawa'y hindi na matapos ang araw na kasama kita.

Mahal, ibig ko lang mabatid mo na noong araw na nakilala kita, wala na akong inibig pang iba kundi ikaw lang. Wala ng akong hiniling pa kundi ang makapiling ka. Wala na akong pinangarap pa kundi ang makasama ka sa altar at isumpa na habang buhay kang mamahalin sa hirap at ginhawa.

Ibibigay ko ang lahat
Pati na rin ang iyong pangarap
Sasamahan kita kahit saan
Kahit saan

Sasamahan kita sa tawanan, sa kalungkutan, sa kapighatian, kahit saan pa iyan basta ikaw ang aking kasama.

Maghihintay ako, maghihintay ako katulad ng paghihintay ko na dumating ang dapit hapon at masaksihan ang paglubog ng araw, maghihintay ako hanggang sa lumitaw sa gitna ng mga ulap ang buwan na dati nating magkasamang pinagmamasdan, maghihintay ako katulad ng paghihintay ko sa bus na dati'y ating tagpuan. Maghihintay ako kahit abutin man ito ng ilang buwan o taon, basta ikaw ang aking hihintayin.

Masiguro ko lang na sa aking paghihintay ay may darating. Hindi ka sana maghanap ng iba habang ako'y naghihintay sa iyong pagbabalik. Hindi ka sana mahulog sa patibong ng iba at sa akin lang nawa. Nawa'y sa paglalakbay mo pabalik sa bisig ko mahal, hindi ka sana maligaw, sana'y mahanap mo ang amoy ng pag iibigan ng ating dalawa na hanggang ngayon ay naririto pa rin at nakamarka sa aking damit.

Balik ka na.

Summer Has FallenWhere stories live. Discover now