Third Person POV:
"Unti unti ng umaayon ang lahat sa plano ko.kaunting panahon nalang magkakasama na tayo Alex."
Pangako!
at ngumiti ako ng puno ng kahulugan.Cheska's POV:
Now,WE'RE TRUCE!
What the hell was that?!
At bakit ko hinayaang halikan niya ako?
Utang na loob!
Ang lakas ng loob ko makipag halikan sa iba,samantalang yung boyfriend ko nasa restaurant din na to.sermon ko sa sarili ko.
Aaaaarrghh..
Im so confused!
Does it mean I'm gay now?
Erase,erase,erase!Ofcourse,
I'm not gay nagulat lang ako.
Ah nagulat,kaya pala tinugon mo na din yung mga halik niya.kwento mo nalang sa pagong Cheska.
Pang aasar pa ng isip ko.Nitong nakalipas na mga araw,ilang beses akong nagpabalik balik sa DRUNKAGE.Sa pagbabaka sakali na magkita ulit kami ng babaeng nakabunggo ko.
Hindi kasi ako matahimik na hindi makahingi ng sorry sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit naging ganito yung epekto niya sakin.Simula ng gabing yun hindi na mawala sa isip ko yung yamot at galit niyang mukha.Yung itsura niyang mukhang gusto akong sakalin.
Pala-isipan na sakin kung bakit ganito nalang ako ka-affected sa kanya.Samantalang hindi naman ako ganito.Normal lang sakin noon ang makasakit ng damdamin ng ibang tao.
Dahil nga sa lumaki akong may gintong kutsara sa bibig,tumatak na sa isip ko na lahat ng naisin ko abot kamay kong nakukuha.By hook or By crook.Brat ako admitted ako,
bitch pa nga minsan.
Pero I see to it na na nasa lugar ako.
At sa tingin ko,never na umabot na sobrang may nagalit sakin dahil sa kamalditahan ko.
Kaya naman ganun nalang ako
ka-guilty,pati sa opisina pilit na sumusingit pa rin sa isip ko yung mukha niya.
Ang weird lang!Alam kong nagtataka din si Andrew kung bakit ang aloof aloof ko nitong nakaraang araw.
Pinag iisipan ko na din kasing makipaghiwalay sa kanya.Humahanap lang ako ng tyempo,at hindi din nakakatulong na botong boto sa kanya si Papa.Laging kapag nagkikita kaming mag ama bukam-bibig niya si Andrew.
Bilib na bilib siya sa nobyo dahil sa edad daw na 25years old nakuha na nitong mas paluguin lalo ang negosyo ng pamilya ng mga ito.Malapit sa Papa ko si Andrew dahil siguro pareho lang kami na kabilang sa
alta sosyedad.Kaya kahit hindi niya sabihin alam ko at ramdam ko
gusto ni Papa na si Andrew na ang makatuluyan ko.Asa naman to si Papa pag ganun!
Alam ko darating ang time na masasabi ko na kay Andrew ang balak ko.
Wala na akong balak pang patagalin ang relasyon namin magalit na sakin kung magagalit si papa.
Wala akong pakialam!"Andrew deserved so much better,at alam kong hindi ako yun."
"Hindi enough yung nauupos ko ng atraksyon para i-trap kaming dalawa sa relasyon hindi kami masaya."
I feel like I'm not being fair to him.
Sobrang bait niya,maasikaso,gwapo,mayaman.
Alam ko may mas deserve sa pagmamahal niya.Ngayong araw napili ni Andrew na makipagkita ulit kami sa bestfriend niya.Bakit kaya parang napaka-importante sa kanya na ma meet ko yun?Puzzled na tanong ko sa isip ko.
Nakikita ko yung saya at enthusiasm ni Andrew kapag nababanggit niya sakin yung taong yun.Kaya naman nung makiusap ulit siya hindi ko na magawang tanggihan pa.Kahapon nga pala nagpunta ako ng salon napag desisyunan kong putulin ang mahaba kong buhok.Kung bakit ko naisip yun hindi ko pa din sigurado.
Bukod sa pagiging brat,may
pagka-fickle minded din ako.
Kung anong maisipan ko gagawin ko.
Lahat ng naiisip ko gusto ko may bunga agad kaya eto na yung bunga nun.Bobcut hairstyle taray diba?
Naalala ko pa yung conversation namin ng hair stylist ko sa paborito kong salon.Mam cheska,sure ka ba sa desisyon mo?Sobra kasing nakakahinayang yung buhok mo.wika ni claire.
Ang hair stylist ko dito sa salon na regular kong pinupuntahan.
Pwede ba claire gupitin muna nga kasi,gawin mo nalang yung trabaho mo.
Pero kasi mam cheska.Sayang tlaga ok na sana yung gugupitan.pero pati kulay?ipapa dye mo din?parang bigat na bigat ang loob niyang reklamo.
Ang ganda ganda kasi mam ng buhok niyo.Bihira sa ating mga babae ang healthy at black na black na hair.Tapos ikaw hindi lang gupit gusto mo pa ipa dye.
Ah letse claire!kung ayaw mo gawin yung trabaho mo ihanap moko ng ibang stylist.Ang dami mo pang satsat jan.Hindi ka nalang sumunod eh.
Pagtataray ko pa sa kawawang stylist.Okay mam.sige walang sisihan ha!
"Ah claire iniinis mo talaga ko.
dalian mo na.
Nagpapadyak nako habang nakaupo."Pagkatapos ng 2hours,nagupit na niya at nai dye yung buhok ko.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.Hinayaan ko lang si claire na pumili ng hair style at color ng dye na gagamitin niya.
At much to my surprise.
It fits me!
Bongga!
Sobrang bagay pala sakin ang short hair at ash blonde na kulay ng buhok.
Anong panama ni kim kardashian.
I looked more beautiful.
(Yabang ko pero totoo)
Si claire nga na kaninang hindi maipinta ang mukha dahil sa panghihinayang daw,eto ngayon at abot tenga ang ngiti.Proud na proud sa master piece niya.Sa restaurant na kami ni Andrew nagkita.May malapit kasi siyang meeting dito kaya hindi nako nagpasundo.
Pagkakita sakin ni Andrew,puring puri niya yung bagong hair style ko.
Dati kapag pinupuri ako ni Andrew nakukuha ko pang mag blush pero ngayon?
Lintek!
Kahit yata kaunting kilig wala na akong maramdaman."Masaya lang ako kapag kasama ko siya,komportable ako sa kanya.
Yung tipong parang may kasama kong malapit na kaibigan o kapatid na kalaro.Ayun nalang yung nararamdaman ko kapag magkasama kami ni Andrew.
Gusto ko munang i-enjoy ang sarili ko ngayon.Ayokong sirain yung mood ni Andrew.Halatang naghanda siya sa pagkikita naming ito.tama na muna yung sobra sobra kong pagiisip.Wala pang 10mins yata kaming nakakaupo ng tumayo si Andrew at nagpaalam na sasalubungin yung bestfriend niya.
Hinayaan ko nalang siya.Dahil busy ako sa kakatingin sa menu.
Lumapit na si Andrew kasama ang bestfriend niya.
Kim daw!
Dahan dahan akong nagtaas ng mukha mula sa pagkakatungo at laking gulat ko ng tumambad sa akin ang mukha ng babaeng ilang beses kong binalikan sa DRUNKAGE.Ang lakas ng tibok ng puso ko,abnormal na yata.
Pero mas lumakas pa lalo ng mapagmasdan ko siya ng malapitan,ng maliwanag.Ng walang sagabal!Nakamata ako sa maliit na mukha niyang walang bahid ng kahit na anong make up.Yung buhok niyang mahaba pero curly sa ibaba,yung matangos niyang ilong,yung labi niyang mapupula,yung mata niyang parang antok.ano nga bang tawag dun?
Binaba ko pa ang tingin ko sa puti niyang halter na sando at kulay itim na skinny jeans,pinartneran niya pa ito ng puti ding converse.
Sa kabuuan!
nagsusumigaw ang umaapaw niyang sex appeal..Bravo cheska!
Congratulations!
You actually checked out a girl!
Gusto kong pagalitan ang sarili ko.
Bakit masama ba?
I'm just curious.yun lang yun.
Pagtatanggol ko pa sa sarili ko.Hoy!cheska may kasabihan nga
"Curiosity kills the cat"
Entra pa ulit ng mahadera kong mind.
Ahh letse!At ikinagulat ko pa ulit nung mag-pretend siya na parang first time namin tong pagkikita.Sabagay
I dont actually
know her name o baka nga nakalimutan na nya yung pangyayaring yun.Bwisseet!
Naman isang buwan akong hindi mapakali,kakaisip dun tapos dededmahin niya lang pala ko kapag nagkita kami.Oh baka naman may plinaplano siya?
Kung ano man yun,bahala na!
Basta maghihingi ako ng sorry sa kanya.tanggapin man niya o hindi nasa kanya nayun.Now,WE'RE TRUCE!
Pagkatapos kong mag-stammer at pagmukhaing tanga yung sarili ko hinalikan niya ako.Yes!she f*cking kiss me!
Para ano?ganti niya yun sakin?
Tabla na daw kami!?
WE'RE TRUCE!
Paulit ulit kana cheska!
Umayos ka nga diyan!
Ang sarap namang ganti nun.
Hindi ko mapigilang bigkasin.
Habang hawak ang labi kong mukhang namaga dahil sa intense naming
make out'
Pero aaahhhrggh...
Si Andrew!
I have a boyfriend!
F*ck!
Ngayon lang nag register sakin ang lahat.May boyfriend akong tao and yet,I enjoy kissing another person and you know what's even worst?
She's a girl and she's my boyfriend,bestfriend!
Aaarrghh..
I really need to make up my mind!******si badgirl at ang brat*****
thank you guys for those who voted.appreciated it:)
Pls feel free to comment
And votes.xoxo
BINABASA MO ANG
Si Badgirl at ang Brat(girlxgirl)
RomanceWhen badgirl meets bratty girl. makaya kaya ng mga powers nila ang isat-isa? Girlxgirl story.SPG.May have scenes and languages not suitable for very young readers.contains lesbian kissing and sex. READ AT YOUR OWN RISK!