Cheska's POV:
Cheska ano to?
Anong meron satin?
Tanong ni Kim.
Kita ko yung worried pero hopeful na mukha niya.Ano nga bang gusto ko?
Bakit nandito ako ngayon?
Ano bang gusto kong patunayan?
Sa lahat ng tanong na yan.Isa lang yung napatunayan ko.Nung makita ko siyang may kasamang ibang babae sa cubicle parang pinag sakluban ako ng langit at lupa.Yung pakiramdam na ang sakit,pero alam mong wala kang karapatan masaktan.
Napaiyak pa nga ako.
Nalilito ako!At ito lang ang sigurado ako.Kelangan ko na talaga makipag-hiwalay kay Andrew.Gusto kong sa lalong madaling panahon,tatapusin ko lang ang birthday ko.
Ayoko lang masayang yung effort niya sa paghahanda.Kahit naman hindi ko na siya mahal,mahalaga pa rin para sakin yung damdamin niya.
I owe him that!
Cheating na nga kung tutuusin itong ginagawa ko.
"I kissed Kim twice!"
Actually 3 beses na nga kasama yung sa restaurant.
"But you know what's strange?
I didn't feel any ounce of guilt."Sobrang sama ko na ba?
Everytime na maglalapat yung mga labi namin nakakalimutan ko kung sino siya,sino ako.At hindi nagma-matter na pareho kaming babae.I feel complete!
Parang yung matagal na blanko sa buhay ko nakumpleto.
Feeling ko siya yung missing piece sa buhay ko.I dont know how it's even possible.
Naalala ko kaya ako nagpunta sa DRUNKAGE dahil gusto ko siyang makausap about sa nangyari sa restaurant kanina.
Kaya naman lakas loob akong nagpunta dito.
Dahil maaaring nandito siya lalo't sinabi kanina ni Andrew na pagma-may ari niya ito.Sa totoo lang bumilib ako sa kanya,puring puri ko pa nga noon ang owner nitong bar.Dahil kahit
hindi malapit sa manila kita kong madami ng parukyanong dumadayo at alam mong hindi pa basta basta.Napaka class naman kasi nitong bar ni Kim.Halatang malaking pera ang in-invest niya para mapatayo itong DRUNKAGE.
Gusto kong ipagtapat sa kanya na ilang beses akong nagpabalik balik dito sa pagbabaka sakaling nandito din siya.Para makahingi ng tawad sa ngyari nung nakaraan.Pero ang hindi ko inaasahan eh yung nakita ko.
Sa naalala ko,biglang dumilim na naman yung mukha ko.Ang lakas ng loob mong magtanong sa akin ng ganyan.Samantalang wala pang isang araw ang nakakalipas nung halikan mo ako,at eto may kahalikan ka ng iba and God knows kung ano pang nangyari sa inyo sa loob ng toilet cubicle na yun.asar na sabi ko sa kanya.
Aaaarrgghh..
Hindi ko mapigilan mainis kapag naaalala ko yun.Halatang nagulat siya sa pagpapalit ko ng mood.Hindi ako magtataka kung iisipin niyang bipolar ako.
Di ba inexplain ko na sayo Ches.
Wala lang yun,ginamit ko lang siya para makalimutan kita.Maniwala ka sana.Desperado nako eh.
paliwanag ni Kim.Kita ko yung paghihirap ng loob niya.
Pero nandun pa din yung kayabangan niya.tsss..Kaya naman pinili ko na ding magtapat.
"Kim hindi ko alam kung ano din tong nararamdaman ko.Basta after you kiss me I realize na yung blanko sa buhay ko naging kumpleto."
I'm not even into girls pero ikaw?
Iba ka!
"You make me feel complete everytime you kiss me."
Hindi ko alam kung anong black magic ang ginamit mo sakin,Dahil simula nung mabunggo kita hindi kana maalis dito sa isip ko.
tuloy tuloy kong confession.Nanatili lang nakamata si Kim.
Parang ina-anticipate lang yung pinagtapat ko.Maya maya nakita ko ang worried expression sa mukha niya.
Paano si Andrew?si Kim.
parang hirap pa siyang banggitin ang pangalan nito.I am planning on breaking up with him.Maniwala ka!
Kahit wala pa yung nangyari sa atin sa restaurant,matagal ko ng plano yun.Kumukuha lang ako ng tyempo."Akala ko matutuwa siya sa sinabi ko pero hindi pa din nagbago ang expression ng mukha niya."
Ano bang gusto niya?
Shocks!
Hirap naman espelengin ng babaeng ito.Pero mahal ka niya Cheska!
parang lugong lugo sabi ni Kim.Eh sa hindi ko na siya mahal!
Ano bang gusto mong gawin ko?naiirita ko ng sagot sa kanya.I thought this would be easy admitted na kami na may feelings kami sa
isat-isa.Bakit gusto niya pang pahirapin yung sitwasyon?I can't do this Cheska!
Hirap na hirap ang loob na tugon ni Kim.The fuck!
Tama ba yung dinig ko?
I can't do this Cheska!repeat pa ng mapang asar kong mind.
Eh di huwag kung ayaw niya!You cant?! Hindi ko alam kung anong laro mo Kim pagkatapos mong
mag-confess ng feelings at hinayaan mo kong magtapat din.
Ayan lang sasabihin mo?
Well fuck you!
Kung ayaw mo eh di huwag mo!
Tumayo na ako at tinabig yung kamay niya sa braso ko.dire-diretso nakong lumabas ng office niya.Lakad takbo na ang ginawa ko makarating lang ng mabilisan sa parking lot.Huwag kang iiyak Cheska!
Maging matapang ka!
Ganun talaga hindi lahat ng gusto mo makukuha mo!
At dahil parang may sariling utak yung mga luha niya kusa na itong tumulo.Nagtaka pa siya ng makarating na siya sa parking lot ng DRUNKAGE ng walang nabubunggo.
"Bubuksan nalang sana niya yung kotse, nang walang anu-ano biglang may humapit sa beywang niya at pilit siyang pinapaharap."
I'm sorry baby.mahinang tugon ni Kim.
At naramdaman niya na naman yung mga labing nakakapagpalimot sa kanya.
She kissed me with so much love and passion.Pareho naming ninanamnam yung tamis ng labi ng isat-isa.Yung feeling na parang kami lang ang tao sa mundo.At wala kaming pakialam kahit nasa parking lot pa kami at maraming tao ang pwedeng makakita.Eto na naman yung abnormal na tibok ng puso ko.Nang maramdaman namin kapwa na kami mauubusan ng hininga napilitan kaming tumigil at pinagmasdan muna ang mukha ng
isat-isa.
God!
This girl is absolutely gorgeous!Im sorry baby.si Kim ulet.
Kinikilig ako akala ko na misheard ko lang kanina nung tinawag niya kong baby.Haaayy..
Pinunasan pa ni Kim sa pamamagitan ng kanyang mga labi yung mga pasaway na luhang kanina pa tumulo.
Sa ginawa niya mas dumoble yata yung tibok ng puso ko.
Ramdam ko pang nag-blush ako.I didn't mean it.
What I said earlier.
Gusto ko lang na ayusin muna natin yung kay Andrew before tayo magsimula.
Andrew is like a brother to me.
Alam kong sobrang masasaktan siya kapag nakipag break ka.
pero Mahal kita Cheska.
Hindi ko kayang makita kang nasasaktan dahil doble doble yung sakit nun sakin.Kaya ako natatakot,pero mas nakakatakot yung thought na mawala ka!We'll figure things out baby.
Just be patient!
sabay halik niya sa forehead ko.*****si badgirl at ang brat*****
BINABASA MO ANG
Si Badgirl at ang Brat(girlxgirl)
Roman d'amourWhen badgirl meets bratty girl. makaya kaya ng mga powers nila ang isat-isa? Girlxgirl story.SPG.May have scenes and languages not suitable for very young readers.contains lesbian kissing and sex. READ AT YOUR OWN RISK!