Mau's POV
"Isa pang pose yung nakatingin ka sa hawak mo" turo saakin ni Yumi.
"Teka lang yung buhok ko" wika ko rito at inayos ang buhok ko.
Nandito ako ngayon sa apartment niya dahil parehas naming day-off ngayon at nagpa-tulong ako sakanya na i-shoot ang mga scheduled postings ko para sa mga product na ine-endorse ko.
Ang naka-schedule kong i-post ngayong araw ay ang cosmetics product na nakatakdang mag-launch ngayon.
"Okay na ba ito?" tanong nito at ipinakita saakin ang mga litrato.
"Ay bet! Okay na 'yan. Ang ganda ko d'yan"
"Syempre magaling ako kumuha ng litrato" pag-puri naman nito sa sarili niya na ikinatawa naming dalawa. Pero tama naman siya dahil mayroong talento itong si Yumi sa pagkuha mg litrato.
Sa katunayan niyan ay na-diskubre siya sa isang photoshoot na siya ang photographer. At simula noon ay winorkshop na siya at kalaunan ay naging artista. Nagkakilala kaming dalawa dahil nagkasama kami sa isang project na teleserye kung saan kinuha kaming extra. At simula noon ay naging magkaibigan na kami at siya ang tinuturing kong best friend sa industriya at pati nadin sa off-cam.
"Mare, nagugutom ako. Parang gusto ko ng seafood" wika nito habang nililipat ang mga litrato ko sa laptop.
"Saan mo ba gusto? Libre ko" tanong ko sakanya.
Napaka-lapad ng ngiti nitong tumingin saakin. "Aba! Mayaman si Mama" sagot nito na ikinatawa namin. "Doon nalang sa pinagkainan natin noong isang beses"
Nang matapos na niya ang page-edit sa aking mga litrato at nai-post ko na ito sa aking social media ay lumabas na kami at pumunta sa isang seafood restaurant.
Pagdating namin doon ay nakilala kami kaagad ng mga staff dahil minsan nading pinromote ni Yumi ang lugar. May mga costumer din na nginitian kami dahil siguro namumukhaan kaming dalawa.
Habang hinihintay namin ang aming mga order ay nagdaldalan muna kami ni Yumi.
"Malapit naba matapos ang taping mo?" tanong nito saakin.
"Yep. Siguro 3 weeks nalang. Dalawa nalang ang eksena ko tapos the rest sakanila na" sagot ko naman.
Lumapit ito saakin. "Eto na nga. Itatanong ko na sayo yung nakalimutan kong itanong last time.." bulong nito. "Nililigawan ka ni Boss T?"
"Chismosa ka talaga" panga-asar ko rito. "Well, sabi niya she likes me. Admire me sabi pa niya. Pero hindi niya ako nililigawan"
"Parang may narinig akong panghihinayang doon ah?" at natawa ito.
"Huy wala ah! Issue ka mare. Pero ang ganda niya kahit na nasa 30s na. Tapos sobrang gentlewoman. As in"
"So she's gay. Medyo hindi ako nagulat kasi may mga haka-haka naman na akong naririnig tungkol sakanya dati. May nabalitaan pa nga ako noon na may ex siyang artista din pero nakalimutan ko kung sino. Matagal na 'yon, mga siguro nasa highschool pa tayo noon"
"Alam mo, dapat next project mo ay talk show. Alam mo lahat ang chika" tukso ko pa rito.
Saaming dalawa ni Yumi, siya ang masasabi kong chismosa ng bayan. Madalas ko siyang asarin dahil sakanya ko lahat galing ang mga kwento kwento lalo na kung tungkol sa mga kasamahan naming artista. Ang nakakatawa pa ay ang pangalan ng Mama niya ay Marites.

BINABASA MO ANG
Silver Screen (GxG) [On-hold]
RomanceMau Benedicto is an amateur actress and is picked to play a major role in a Filipino film. And on the said project, she was casted with the veteran star of the country, Victoria Lu. From strangers to colleagues, and later on flourished into secret...