CHAPTER 8

6.3K 183 9
                                    

Abala si holy sa mga bagong design na gagawin niya mula kahapon at kagabi ay hindi siya nakapag pahinga ng maayos bukod sa di din siya nakatulog kagabi dahil kay peyton na gumugulo sa kanyang isipan.

Isang buwan na mula ng makauwi siya galing ibang bansa, hindi niya maitatanggi na mas mahirap mag trabaho dito kesa sa ibang bansa bukod sa ginagawa niya na hindi niya matapos tapos ay may gumugulo din sa kanya, hindi niya alam kung dahil ba ito sa binata o sa trabaho na kanyang ginagawa, pati ang mga client niya sa ibang bansa ay sa kanya parin kumukuha ng mga design.

" Miss Holy?.." napabalik siya sa urirat ng tawagin siya ng sekretarya niya. ni hindi man lang niya napansin na nasa harap na niya ito at nakapasok na ng opisina niya.

" Punta na po tayo sa baba kayo na lang po hinihintay para sa photoshoot na gagawin.." panimula ng babae, nakalimutan pala niya na ngayon gaganapin ang photoshoot para sa HOLY BEST SELLER DESIGN.

Agad na tumayo si holy at iniwan ang kanyang ginagawa.

" Nandun na ba ang mga models? completo na ba ang mga sosoutin nila?.." tanong niya habang papasok sa elevator.

" Model, design, photographer, ect nandun na po lahat.." nakangiti siyang tumungo sa sekretarya, aalisin muna niya sa kanyang isian ang mga bagay na walang patutunguhan na isipin dahil gusto niyang mag focus ngayon sa kanyang trabaho.

Pag ka pasok ni holy ay nag uumpisa na ang lahat sa kani kanilang trabaho.

" Ms, Mendoza?.." agad niyang tinawag ang babaeng maputi na isa sa medolo niya ngayong araw, agad na kinuha ni holy ang isang swimsuit na kanyang ginawa gamit lamang kulay silver na dinikit dikit sa panty at bra.

" hindi bat sinabi kong gusto ko kaakit akit kang tignan pag ako ang kumuha sayo, try it.." nakangiti niyang sambit agad niyang binigay sa babae ang sosoutin nito.

Umupo sa isang tabi si holy habang pinag mamasdan ang ginagawa ng iba, mas lalong nakikilala ang kanyang mga ginagawang design ay dahil na rin sa mga model na kinukuha niya.

" I like your body, ngayon tumingin ka ng nakakaakit sa camera.." sigaw niya agad naman sinunod yun ng babae.

Saglit siyang natigilan ng biglang tumunog ang kanyang cellphone agad niyang kinuha ito sa bulsa, pangalan ng kaibigan niyang si pheobe ang kanyang nakita.

" Watsup Sis napatawag ka?.." panimula niyang sambit.

" Gusto ko lang sana sabihin na mag bi birth-day na bukas sila Pearl at Kaizen.." Masiglang sagot ng kaibigan niya.

" oo nga pala bongga ba yan? sige pupunta ako bukas sa bahay niyo.." nakangiti niyang ani,

" Hindi ako mag hahanda.."

" Ha? Tanga bakit naman birth-day yun nila pearl bakit hindi ka mag hahanda?.." ng tataka niyang sambit.

" Ano kasi, teka nasan kaba?.." pag iibang tanong ng kaibigan napatingin siya sa sa secretarya nila na inaasikaso ang modelo nila.

" Nasa photoshoot ako.."

" Ay ganun pumasok ka pala.."

" Hindi ako mag hahanda kasi kinausap namin ni kudos sila kaizen, gusto naman ni kaizen mag handa kaso si pearl gusto pumunta ng star city dun daw niya gusto mag birthday.." ramdam niya ang pag aalala sa boses ng kaibigan.

" So what's the problem? Edi pumunta kayo sa star city igala niyo ni kudos yung anak niyo.."

" Ayun nga plano namin ni kudos ang kaso gusto ni pearl na kasama kayo nila clara.." saglit siyang napangiwi sa sinabi ng kaibigan.

Trying to Escape From My Ex ( ES#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon