January 17, 2022
Sa loob ng dalawang taong 'di tayo nagkita,
Nagkatinginan muli tayo nang mata sa mata.
Tayong dalawa ay walang imikan,
Sampong metro ang layo natin sa isa't isa.Bumaha ang kay daming memorya sa aking isipan,
Sakit ng ulo'y aking naramdaman.
Ngunit aking puso'y patuloy lang ang,
Pagtibok na parang walang ano man.Naaalala ko noong pasko'y aking inasam,
Na makita kita sa ilalim ng mga ilaw sa daan.
Tayo'y magkakatinginan at magngingitian,
Parehas gusto na ang dati'y balikan.Ngunit ngayon ang aking sarili'y walang nararamdaman,
Ni hapdi't kirot nararamdaman ko dati'y wala na.
Diretso na ang aking tingin at naglakad sa daan,
Na alam sa'king sarili na ngayo'y puso ko'y may kapayapaan.
BINABASA MO ANG
T. Anthology
RandomA compilation of Tamina Ignacio's (from A Fragile Promise) works. In a notebook, Tamina kept all her works. Stories, poems, songs, and other stuff. This is where she goes when an idea comes into her mind or when she doesn't have any ideas left. Thi...