He loves me
He loves me not
He loves me
He loves me not
He loves me
He loves me no-
"What are you doing?" Elise's voice brought me back to reality. Ano nga ba ang ginagawa ko. Bakit ko ba to ginagawa? Am I still hoping na babalik siya? Na sasabihin niya sakin na mali ang naging desisyon ko.
Napailing nalang ako sa iniisip ko. Ilang taon na ang lumipas. Malinaw na dapat sakin ang lahat. Hindi na dapat ako naghahanap ng mga kasagutan. Hindi na dapat hanapin ang taong umalis ng walang paalam.
"Hinahanap ka na ng photographer, kailangan na daw picturean ang bride" Tumango lang ako sa sinabi ni Elise at tinignan ang mga petals ng tulips na nagkalat sa sahig.
"May time ka pa para umurong dito, sabihin mo lang at tutulungan kita" Natawa nalang ako sa sinabi ni Elise. Pero masaya ako kasi kahit sobrang dami ng taong umalis, nag-stay pa rin siya.
"Baliw, buntis ka na't lahat hindi ka parin nagbabago. Sige ka baka mahawa sayo ang baby mo" Malaki na ang tiyan na. Siguro ilang buwan nalang at malapit na siyang manganak.
"Dapat lang no. Ako ang naghihirap dito tapos dun to sa tatay niya magmamana?" Hindi ko alam kung tama bang sa kanya magmana ang batang dinadala niya o sa asawa niya. Parehas lang naman kasi ang ugali nila.
Masaya ang mga tao sa paligid ko kaya tama lang na maging masaya din ako. I keep on convincing myself that I did the right choice pero kahit ilang beses kong gawin iyon hindi magawa ng puso kong sumang-ayon.
"I'm so proud of you" my mom is crying while fixing the strand of my hair. Hearing those words from my mom made me think that I should stop thinking about backing out.
Matagal bago ko narinig ang mga salitang iyon sa kaniya. Hindi ko alam na pagpapakasal lang pala ang tanging solusyon.
"I told you, he is the perfect match for you" ginawaran ko nalang siya ng konting ngiti at bumaling kay kuya na kadarating lang. He look so fine sa suot niya, habang tumatagal ata ay mas lalo siyang tumatangkad.
"Kailangan ko pala munang maikasal bago kita makita" kuya is now a doctor in Canada kaya sobrang tagal na din nung huling uwi niya dito sa Pilipinas.
"Are you happy?" Hindi ko inaasahan ang tanong na iyon. Sa lahat ng tao ngayon dito ni isa ay walang nagtanong kung masaya ba ako.
Tumango ako para sabihing oo "then why are you crying?" Bakit nga ba ako umiiyak. Siguro ito yung tears of joy na sinasabi nila.
"Sobrang saya ko kasi" who am I kidding? Alam ko na sa mga tingin pa lang na iyon ni kuya ay alam niya na agad ang dahilan ng mga luha ko. Mas lalo lang akong naiyak when he offered me his arms, para akong bata na nagsusumbong.
Ever since, kuya would always made me feel na nandiyan siya. Na kahit wala siyang sabihin ay pinaparamdam niya na he is willing to listen and comfort me. But I know wala na akong magagawa kailangan ko nalang panindigan ang desisyon kong ito.
They said the phrase people speak on picking off the last petal supposedly represents the truth between the object of their affection loving them or not.
While walking down the aisle, I can't help but to cry. I know I should be happy 'cause finally I can be with someone who truly loves me.
I should stop thinking about the person that made me feel worthless...
I should believe on the last phrase I uttered when I was picking the last petal...
He loves me not.
After finishing those words in my mind, I saw a man standing in the corner holding a flower with one petal on it.
He loves me....

BINABASA MO ANG
EVERY YES IN PETALS
RomanceWOUNDED HEART SERIES #1 She let the petals decide which path to take.