THIRD PETAL

5 0 0
                                    

"So, you did not tell your mom that you are going with us?" nasa biyahe kami ngayon papuntang Baguio. Kanina pa paulit-ulit na nagtatanong si Lily kung nagpaalam ba ako.

"No, why would I?"

"Whoahhh! Bago yan ha. Nagrerebelde ka ba?" Mapang-asar akong tiningnan ng boyfriend ni Lily na si Elias. Binatukan naman siya ni Lily para manahimik.

Hindi ako grounded dahil nalaman ni mom ang nangyari saaming tatlo nila Lily last week, kundi na-grounded ako dahil nalaman niya ang tungkol samin ni Gavin. Ngayon na napagisip-isip ko, hindi masama itong gagawin ko. Nasa tamang edad na ako at kailangan ko nang matutong gumawa ng sariling desisyon. Hindi habang buhay ay hawak ako ni mama sa leeg.

"How dare you disobey me!" Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Hindi ko alam kung bakit parang iba sa iniisip ko ang dahilan ng galit niya.

"Ang aga-aga mong lumalandi. Kung hindi pa saakin nagsabi ang tita mo ay hindi ko pa malalaman!" Unti-unti na akong nagkakaroon ng ideya kung anong tinutukoy niya. Nanginginig ang mga kamay ko, tila hindi ko alam kung anong salita ang magpapakalma sa kaniya at kukumbinsi na wala akong masamang ginagawa.

"What's wrong with that? 18 na ako at wala naman akong ginagawang masama!" Alam kong darating ang panahon na to. Matagal ko na tong pinaghahandaan pero parang biglang nawala ang lahat ng iyon.

I know where she's coming from. Naiintindihan ko siya at pilit kong iniintindi ang lahat kahit na ang kapalit non ay iwan at balewalain ang mga desisyon ko para sa sarili ko.

"Ang kapal ng mukha mong sumagot. Yan ba ang natututunan mo sa mga kaibigan mo!?" She's always like this. Lagi niyang dinadamay ang mga kaibigan ko, ang mga taong nakakaintindi sakin.

"Wala silang alam dito" Alam kong wala akong karapatan mag reklamo. Kung tutuusin ay ang swerte ko dahil kahit papaano ay nakukuha ko ang mga gusto ko. Nakakapag-aral at kumakain pero kapalit ng lahat ng iyon ay ang kawalan ng kalayaan. Ang hirap maging anak when there is too much pressure behind you.

"Wala ka nang ibang binigay kundi kahihiyan" Those words hit me so hard. It's like a knife meant to stab my heart.

"Tandaan mo anak lang kita at habang dito ka nakatira sa pamamahay ko wala kang karapatang suwayin ako." Ilang beses ko na ba tong narinig? Walang karapatan at ano pa walang napapatunayan. Wala na bang bago.

"Look at yourself, tingin mo ba nandiyan ka ngayon sa kinatatayuan mo kung hindi dahil sakin. You owe me your life. Kung gusto mo lang din pa lang mag-boyfriend oh bakit di ka pa sumama sa lalaking yun"

I'm tired...

"Hindi ka mabubuhay because all your decisions in life are just like you...useless" and there it is... Tears are starting to fall down on my cheeks. I thought I'm already used to it pero hindi pa pala.

"Hoy teh, nandito na tayo" minulat ko ang mga mata ko at tumambad sa harap ko ang magandang bahay na halatang matagal nang nakatayo rito.

Huminga ako ng malalim at hinayaang maramdaman ang malamig na ihip ng hangin. Kahit papaano ay nakakatulong ito sa sitwasyon ko ngayon. I should enjoy this moment and consider this as a reward for myself for being so strong.

"Do you know the owner of this place?" I asked Lily.

"Yes, family friend" Binalik ko ang atensyon sa loob ng bahay. Simple lang ang disenyo nito pero mahahalata mo na pinag-isipang mabuti ang bawat furnitures at details nito. 

A portrait of a young man holding a paper flower caught my eyes. He is wearing a gentle smile on his face. Seeing his smile gives me comfort. He looks so kind and tender. Mahahalata mong hindi bago sa kanya ang humarap sa camera at ngumiti.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 25, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EVERY YES IN PETALSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon