CHAPTER 1

5 0 0
                                    

CHAPTER 1

Hindi mo man makuha lahat ng gusto mo, wag kang magalala nandito na naman ang lahat ng kaylangan mo. Kung hindi mo na kaya ang dinadala mo……………….

IPABITBIT MO NALANG SA BESTFRIEND MO. Hahahahaha !

Huwag mong seryosohin ang buhay , wag mo nalang rin paglaruan, hindi naman kasi yan manika, hindi rin ikaw ang magdidikta sa tadhana, diktahan mo man hindi karin papakinggan, wala naman kasing tenga yan. Ang mundo ay isang malaking laro, game over ka kung  agad kang susuko at magpapaapekto sa masalimuot na kahulugan ng mundo, next level ka naman kung meron ka nang nasasakripisyo AT NALULUSUTANG DELUBYO.

Ako ? simple lang ako, pero alam kong malaki ang kasalanan ko,  Isang araw, gusto ko nalang biglang suotin ang bra at panty ni nanay. Wala naman kasi akong magagawa kung bakit ako ganito ? wala naman sa batas nagsasabing bawal magpakatotoo.. aba, kasalanan ko bang pagkagising ko manika na ang hanap ko ? kasalanan ko bang gumising ako na mapilantik na ang kamay ko?

Pareparehas lang ang sinasabi nila. KASALANAN ANG PAGIGING BAKLA, ang mga tulad ko daw ang SAKIT SA LIPUNAN.  Hindi ko nalang sila pinapakinggan, Pader lang ang kaya nilang maging sandigan , ako KAIBIGAN ang kasama ko sa kahit anong digmaan. Ano papalag ka ? magbasa ka nalang HAHAHAHAHA !

Ang puno may ugat, ang mga isda makikita sa dagat, ang mukha ni aleng bebang tadtad ng tigyawat, ako, nagmula sa isang alamat, alamat ng sirenang maaalat.

Nagsisimula ang istorya sa simula, Ako sisimulan ko sa nakaraan.

It Will BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon