CHAPTER 38 Tarintas

15 6 8
                                    

"Niregaluhan kani Vhor ng halik?!" Tinakpan ko agad ang bibig ni jen at hinila siya papunta sa walang tao.

"Shh!" Suway ko.

"Pero seryoso, ayon 'yung regalo niya sayo? Hoy malanding babae, pang ilang beses na 'yan ah!?"

"Uhm, dalawa?" Hinampas niya ang balikat ko.

"Bad Liar! Tsk, pero hihi.. Nakakakilig 'yon chu!" Sa sobrang kilig niya ay pinaghahampas niya ang braso ko.

"Tss, kaya ayaw kong sabihin sayo e."

"Hoy hinalikan ni Vhor, magsinungaling kana sa iba pero wag lang sakin! Illegal satin ang sikreto." Tumango ako at ngumiti.

"Okay so, anong meron sainyo ni kuya finn ah? Biglang close kayo ah,"
Napangiti siya.

"Wala ah, friends. Matagal noh pero ngayun lang kami nag-uusap dahil busy siya noon."

"Yun lang?" Tumango siya.

"Oo kaya tara na, gumala tayo."

Pumunta kami ni jen sa mall at namili siya ng mga bagong damit dahil sabi niya madali naraw mabulok ang mga damit niya, kaya iyung iba puro ngatngat ng daga. Naghiwalay kami ng landas ni jen, pumunta siya sa bilihan ng pabango at ako naman sa bilihan ng pagkain dahil gusto ko maging gastadora ngayun pagdating sa pagkain.

Ano kayang masarap na chocolate? Kitkat, Toblerone, Cudbury, Snickers, Mars, Twix, Milky Way--

"Cudbury Dairy Milk," Napatalon ako sa gulat ng may magsalita sa harapan ko, naka face mask siya kaya hindi ko siya makilala.

"Hi Amaris! Ate ni Vhor," Tinanggal niya ang face mask niya tska bumeso sakin.

"Ay hello po, hindi ko po kayo nakilala e."

"I understand, nandito karin pala, anong gusto mo? CDM gusto ko, ibibili kita." Umiling ako.

"N-nakakahiya po, wag na.. Ako nalang po ang bibili," Ngumiti siya.

"Hindi ah, don't be shy. Gusto kani Vhor kaya gusto rin kita, ok?" Nanlaki ng konti ang mata ko sa sinabi niya "Problem?" Umiling ako.

Gusto ako ni Vhor? Anong sinasabi ng ate niya...

Kumuha lang ako ng isang pirasong Toblerone, isang pirasong CDM at isang pirasong Twix. Natawa si ate Vhora ng makita kung ilan ang kinuha ko.

"Chu! Amoyin--" Napahinto si Jen ng makita niya si ate Vhora "--Mo nga kung mabango ito... Ahh, hello po." Bati niya.

"Hi! Haviaree right? Sakto! Sumama kayo sakin sa bahay, ipagluluto ko kayo!" Nagkatinginan kami ni jen at tumango.

--

Amoy palang RAPSA na! Kanina patuloy kami naglalaway ni jen dito.

"Here," Nilapag ni ate Vhora ang sobrang daming pagkain sa lamesa at umupo narin siya.

"Ate Vhora? Ang dami naman po ata nito.." Hinawakan niya ang kamay ko.

"No, kain na." Pasimple kong binulong si jen.

"Pwude tayong mag take-out," Bulong ko, natawa siya.

Kumuha na ako ng pagkain, syempre chicken ang kinuha ko, hindi fried chicken ah pero sabi ni ate Vhora Spicy Chicken curry daw ito. Agad nagliwanag ang mata ko ng matikman ito, ubod ng sarap!

"How was it?"

"Ang sarap po! Grabe po!" Ngumuya ulit ako ng ngumuya, nag thumbs up ako kay jen na busy kumain.

Kinuha ko ang chicken soup at hindi ako nag-atubiling higupin iyon, pero agad koring naibuga ang ininom kong soup dahil sa sobrang init ay napaso ang dila ko.

Love me until the moonlight comes [VSOO] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon