Chapter 1
"kamusta?" tanong ko sakanya.
"alam mo na yung isasagot ko diyan!" bumuntong hininga ako. Hayyy hindi niya parin iniintindi yung kinanta ko sakanya. -___________-
"matanong nga Lyka," tumingin sakin si Lyka.
"naintindihan mo NA BA yung kanta?" tinignan ko siya mata sa mata. Nag-iwas naman siya agad ng tingin.
"h-ha? E-eh ano kasi.." napakamot pa siya sa ulo. Napatingin nalang ako sa gilid ko at umling iling.
"s-sa mukha mo lang kasi ako n-nakatingin eh.. Tsaka ang g-ganda kasi ng boses mo. Hindi ko na p-pinansin pa yung l-lyrics ng kanta.." sa mukha ko? Sa boses ko? Gustong kong matuwa. Pero hindi eh.. gusto kong maintindihan niya yung kinakanta ko. Kinanta ko yung para sa kanya lang.
Ngumiti siya sakin, ngiting nag sasabing "sorry". Napahawak nalang ako sa batok ko. Hayy
"may gusto ka bang kainin?" tanong ko sakanya. Tinabi ko na yung gitara ko at tumayo na sa pag kakaupo ko sa kama.
Umiling naman siya, "wala. Ikaw ba? Nagugutom ka na? Gusto mo pag luto kita?" masayang tanong niya sakin. Nag-iba tuloy yung itsura ko. Matitikman ko nanaman yung masarap niyang luto.
"alam mo na yung isasagot ko diyan Lyka. halina sa baba!" pumunta ako sakanya at inakbayan siya.
Tumingin sakin si Lyka nung pagka akbay ko sakanya, "ang gwapo talaga ng bestfriend ko!" sabay kurot sa ilong ko. Tinanggal ko kaagad yung kamay niya sa ilong ko ang sakit nun ah!
"wow! Di ka oily? Nakss!" tinignan niya yung daliri niya na ginamit niya pang kurot sa ilong ko. Pagka tapos pumalakpak siya. Parang timang lang.
"naman." nag lakad na kami palabas ng kwarto. Andito siya ngayong sa bahay, ginising ako ng pagka aga aga. =_=
"Lyka, ba't ka nga pala napunta dito?" tanong ko sakanya. Pababa na kami ngayon sa first floor kung saan nandun yung kusina.
"masama bang pumunta dito? Ayaw mo? Ge, kay lang." nag lakad siya ng mabilis sa hagdan pero naunahan ko kaagad siya. Hinila ko yung kamay niya palapit sakin.
"nag tatanong lang eh. Ang aga mo kasing nambulabog." binatukan niya ako.
"potek! Sakit!" napahawak pa ako sa ulo ko. POTEK TALAGA.
"nambulabog talaga? Oy Kyle 10 am na hindi ka pa gising! Malay ko ba baka binangungot ka na! Edi yun ginising nalang kita!" napatakip ako ng tenga gamit yung dalawang kamay ko. Ang lakas kasi makasigaw kala mo taong bundok. Napanguso naman siya sa inis. Natawa nalang ako.
"Okay po, okay po. Salamat sa pag gising sakin ah?" sarkastikong sabi ko. Akmang babatukan niya ako kaso nahuli ko yung kamay niya at hinila lalo palapit sakin. Nanlaki naman yung mata niya. Ngumisi ako.
"Isang batok pa diyan. Sadista ka talaga." sinabi ko yun sa mukha niyang malapit lang sa mukha ko. Tinakpan niya yung ilong niya.
"ang baho ng hininga mo!" what?! Ako mabaho ang hininga?!
Tumalikod ako sakanya at inamoy yung hininga ko. Hindi naman mabaho eh! Amoy menthol pa nga!
"malapit ang bibig sa ilong Lyka!" pagka lingon ko wala na pala siya sa tabi ko at nandun na sa kusina. Tsk, mabaho daw ang hininga? Palusot niya.
**
"Lyka!!" sigaw ko nung nakita ko siya.
"oh, Kyle ba't pagod na pagod ka?" pagka tigil ko sakanya. Agad akong bumawi ng hininga. Kakapagod talaga tumakbo! Pheww!
"kanina pa kasi kita hinahanap." sabay punas sa pawis ko gamit yung likod ng kamay ko.
"ito na lang gamiting mo oh. Punasan mo yung pawis mo." inabot niya yung panyo pero hindi ko tinanggap. Winave ko yung kamay ko na "wag-na."
"OMG si Ranz!"
"WAAAAH ang pogi niya talaga!"
"Ang bango pa niya! Naamoy ko siya nung dumaan siya sakin kanina!Kyaaaaaaaa~"
Napailing nalang ako. Pati ba naman amoy ko pinag-uusapan?
"Ang yaman pa! Pogi mo talaga Ranz!"
"KYAAA~ CRUSH KITA!"
"Campus crush nga talaga!!"
Tinignan ko yung mga babaeng kanina pa ako pinag-uusapan. Ngumiti ako ng pilit sakanila. Napatili naman sila. Campus crush? Tinignan ko si Lyka, para bang may hinahanap siya. How I hate na matawag ng ganyan sa school na 'to.
Lahat ng babae dito sa school nagkaka gusto sakin pero yung tanging babae na gusto ko dito sa school wala manlang gusto sakin. AT ang mas masakit BESTFRIEND pa ang turing sakin.
Tinignan ko si Lyka, may hinahanap talaga siya. Minsan tinatanong ko sa sarili ko, "Lyka ba't ka pa nag hahanap? Andito na nga sa harap mo yung para sayo pero pilit ka parin nag papakabulag bulagan." ang corny ko talaga pag dating sa pag-ibig.
**
Bakit ba lagi nalang nawawala yung babaeng yun? Break time ngayon at gusto ko siyang makita. Kapag minamalas ka nga naman hindi ko siya kaklase ngayong year, kaya hindi ko siya madalas makita dito sa school. Bakit kasi section 1 parin ako? Binagsak ko na nga yung Geometry last year para lang bumaba yung section ko pero walang silbi! Mahal ata talaga ako ng mga teacher ko kaya pinasa parin ako. -______-
"asan na ba yun si Lyka?" mahinang tanong ko sa sarili.
Inikot ikot ko lang yung paningin ko ng mahagip ko yung mukha ng pinsan ko. Tss. Naalala ko nanaman si Lyka. Naiinis ako sa pinsan ko, akala ko mahal niya talaga si Lyka kaya nag paraya ako pero walang hiya.
Isang pustahan lang pala ang lahat. Nung nalaman ko yun nasapak ko talaga siya. Walang pinsan pinsan! Mang loloko siya eh. Para san pa yung pag paparaya ko? Ginawa ko yun kasi alam kong gusto ni Lyka itong pinsan ko at alam kong mas sasaya siya kapag kasama niya si Adrian. Pero ang walang hiya sinaktan niya pa.
Tinignan ko lang si Andrew palakad palapit sakin. Nakayuko siya at halatang problemado.
"anong problema mo?" tanong ko sakanya. Halatang malaki yung problema niya dahil nung napadaan na siya sakin hindi manlang ako napansin.
Inangat niya ang ulo niya at tinignan ako. Bakas sa mukha niya ang pag kagulat nung nakita ako, "insan?" insan ang tawagan namin. Pero dati lang yun. Nung okay pa kami. Hindi na ngayon.
"anong problema mo?" tanong ko sakanya.
Umiling siya, "wala. Hinahanap mo ba si Lyka? Andun siya sa garden sa likod ng building. Kailan ka nun ngayon." pagka tapos niyang sabihin yun yumuko ulit siya at nag lakad.
Napakunot lang ang noo ko. Kailangan ako ngayon? Bakit? Anong nangyari? Shinake ko nalang ang ulo ko at tumakbo sa garden ng school kung saan daw nandun si Lyka.
Napatigil ako sa pag takbo nung may narinig akon hikbi ng isang baabe at kilalang kilala ko kung sino yun.
Bakit? Bakit nanaman siya umiiyak?
**
BINABASA MO ANG
Ranz Kyle Fall
Teen FictionShort story lang ito. Siguro mga 5 chapters lang! Enjoy reading. Comment, vote? Suree! Become a fan na din kapag nagustuhan niyo to! :) xoxo - infinitelsaranghae