Chapter 3

18 1 0
                                    

Chapter 3

Isang linggo.. isang linggo ko nang hindi nakikita si Lyka. Hindi ko alam kung tinataguan niya ba ako o ako ang nag tatago? Pagka tapos kasi nung nangyari tinanggi ko na may gusto ako sakanya. Pati yung putepeteng pinsan kong pinsan pinuntahan ko sa bahay nila at sinuntok sa naiinis ako! Bakit niya ako pinangunahan? Pero alam niyo sabi sakin ng hayop na yun?  

"Lagi mo naman 'yang sinasabi insan, ayan na nga eh. Tinulungan na kita. Dapat pasasalamat pa ang makuha ko hindi suntok. Tss"

Fvck. Kung kaya ko lang talaga sabihin, sasabihin ko na! Hindi naman ako ganito katorpe sa babae eh, pag dating sakanya natutupi ako.  

"Ranz.. Anak?"  may kumatok sa pintuan ng kwarto ko at sabay bumukas ito. Si Nanay pala, kasambahay namin. Matagal na namin siyang katulong, napalapit na din ako sakanya. Nanay at anak ang tawagan namin.

"Nay, bakit po?"

"Andiyan si Lyka.."

Automatic na napabangon ako sa kama ko, sh*t. Kanina lang pinag uusapan natin si Lyka tapos ngayon fvck. Andito na siya sa bahay!

"Nay hindi nga?!" napakunot ng noo si Nanay. Aba malay ko ba kung baka hindi si Lyka yung nakita niya. Matanda na si Nanay at panigurado malabo na ang mata niya.

"Anong akala mo sakin anak bulag na? Hindi porkit matanda na ako," sabay lagay ng kamay  sa dibdib niya kung asan yung puso niya, "eh hindi na malinaw ang mata ko." pinandilatan pa ako ng mata. Nangiti nalang ako. 

"Asan ba siya Nay?" tumingin muna ako sa salamin ko at inayos yung buhok.

"Oh anak, pogi ka na." napangiti ako. Si Nanay talaga! "Andun siya sa sala." dugtong niya pa.

Agad akong lumabas sa kwarto pero bago bumaba eh niyakap  ko ng napakahigpit si Nanay. Nagulat pa nga siya eh pero nangiti naman. 

"Mga bata talaga." sabi pa ni Nanay. Nag peace sign nalang ako at bumaba na. Hindi ko talaga alam pero namiss ko talaga ng sobra si Lyka. Nakita ko siyang nakaupo sa sofa sa sala, pumunta ako sa likod niya. 

"Lyka," tawag ko sakanya. Lumingon siya sakin sabay.. 

*paaaaaaaak!*

"ARAY POTEK!! ANG SAKIT! Damn!" hindi ko alam na babatukan niya ako sa ulo. Hinawakan ko pa yung ulo ang sakit talaga!

"Aray naman Lyka oh! Ang tagal na nga nating di nag kita tapos ito pa gagawin mo? Sadista talaga kahit kailan!! Argghh ang sakit talaga!!"

"Yun na nga eh. Tinataguan mo ba ako? Bakit hindi kita makita sa school ha?" tinataguan? Tss. 

"Hindi kita tinataguan. Busy lang talaga." 

"Wow. Busy? Tsk, ewan ko sayo. Asan na ba yung gitara mo?"

"Bakit hihiramin mo?" nag lakad ako papunta sa kwarto kung asan yung gitara ko. 

"Hindi." ang tipig naman ng sagot.

"Anong gagawin mo sa gitara ko?" binuksan ko na yung pinto ng kwarto ko at pumasok, pinapasok ko muna si Lyka bago ko isara yung pinto. 

"Kunin mo na yung giatara mo at umupo ka sa kama." utos niya. 

"Ha?"

"Basta gawin mo." sinunod ko naman yung sinabi niya. 

"Oh tapos?" sabi ko nung naka upo na ako sa kama hawak hawak yung gitara.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 14, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ranz Kyle FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon