Chapter 2
Hinanap ko kung asan si Lyka at nakita ko siyang nakaupo sa isang malaking bato. Hindi nga ako nag kamali. Siya nga yung umiiyak.
Kapag nakikita kong umiyak ang babaeng mahal ko. Kapalit ng pag tulo ng luho niya ang pag durog ng puso ko. Hindi ko kayang nakikita siyang umiiyak dahil alam kong matapang siyang tao.
Nilapitan ko siya. Tinapik ko yung balikat niya at dahil dun napatingin siya sakin, "Lyka, ang pangit mo talaga pag umiiyak." pag bibiro ko.
"n-nagawa mo *sob* pang m-mag biro *sob* a-anong g-gawa mo *sob* dito?" halos hindi na niya masabi yan ng maayos dahil sa pag iyak niya.
Tinabihan ko siya. "narinig ko kasi yung pag-tulo ng luha mo sa lupa kaya hinanap kita agad."
Ngumiti siya sakin. Pinunasan na niya yung luha niya. "we? Haha. *sob* lokohin m-mo m-mukha *sob* mo.."
Natawa nalang ako. Umiiyak na nga siya nagagawa niya pang tumawa... ng peke.
"Bakit ka ba kasi umiiyak?" pinunasan niya yung luha niya gamit yung likod ng kamay niya. Nag iba yung mukha niya, mas lalong naging malungkot. Huminga ako ng malalim, ayokong nakikita siyang ganito.
"Ranz pangit ba a-ako?" tanong niya. Napakunot ako ng noo.
"Pangit ikaw? Sinong nag sabi niyan sayo? Hindi ka pangit Lyka. Para nga sakin ikaw ang pinakamagandang babae dito sa school eh. Pangalawa ka kaya sa Mama ko." napangiti siya sa sinabi ko. Pero alam ko sa ngiti na yun may lungkot na nakatago. Pinunasan niya ulit yung luha niya. Binigay ko naman yung panyo ko at yun ang ginamit niya.
"Alam mo Ranz... sana.. sana g-ganun din yung t-tingin niya sakin.." nag iba yung mukha ko. So siya nanaman? Siya nanaman ang may dahilan kung bakit umiiyak si Lyka?
Hindi ko alam pero naiyukom ko yung kamao ko sa inis ko. "Lyka." hinawakan ko yung dalawa niyang balikat at hinarap sakin.
"bakit mo ba siya iniiyakan? Hindi siya karapat dapat para iyakan!" nakita kong nagulat siya sa pag sigaw ko.
"R-ranz mahal ko siya.. M-mahal na *sob* mahal.." nag sisimula nanaman siyang umiyak.
"Lintek na pag mamahal yan! Dahil diyan nag bubulag bulagan ka!" tumayo na ako. Naiinis na talaga ako.
"Lyka pag katapos ka niyang lokohin?! Mahal mo parin-- mahal mo parin yung tarantadong yon?!" napahilamos ko nalang yung kamay ko sa mukha ko sa sobrang inis. Gusto kong manapak ng tao at ang pinsan ko ang una kong nakikita sa isipan ko. Dahil nanaman sakanya umiiyak si Lyka!
"Kyle?" napatingin ako sakanya bakas sa mukha niya na may gusto siyang sabihin sakin pero hindi niya magawa.
"K-kyle may gusto ka ba sakin?" nanlaki yung mata ko sinabi niya. Sh.t Adrian! Hindi pa nga ako nakakabawi sa inis sa pag papaiyak mo kay Lyka dinagdagan mo pa! Sinabi mo pa ang matagal ko ng tinatago kay Lyka!
BINABASA MO ANG
Ranz Kyle Fall
Teen FictionShort story lang ito. Siguro mga 5 chapters lang! Enjoy reading. Comment, vote? Suree! Become a fan na din kapag nagustuhan niyo to! :) xoxo - infinitelsaranghae