Chapter 1

6 1 9
                                    


CHAPTER 1

Paano mo ba malaman kung ano talaga ang gusto mo? Paano mo ba malalalaman kung ano talaga ang isinisigaw ng puso mo? Kailan mo ba malalamang palagi mo nalang kinokopya ang ginagawa ng iba dahil maraming nagkakagusto sa kanila, tapos sa'yo wala?.

Kung hindi siguro ako nag fourth year hindi ko malalamang hindi ako naging ako. Mayroon akong kaibigan, marami siyang kaibigan kasi ang friendly niya. Kaso ako hindi. Ayokong makipag-tawanan sa iba dahil alam kong hindi naman nila ako gusto. Mararamdaman mo kasi yan.

Noong first year ako wala akong masayadong kaibigan. Nagkaroon nga ako ng kaibigang lalaki pero nawala lang din naman kasi iniba ang sitting arrangement, kaya ayaw na ayaw ko talaga ang sitting arrangement. Pero ang sunod na nakatabi ko ay naging kaibigan ko din na hanggang ngayon kaibigan ko parin.

Siya si Mendy. Maganda. Sakto lang ang kapal ng kilay niya. Makapal naman ang pilik mata. Sakto lang ang tangos ng ilong. Morena din siya. Matalino pa.

Palakaibigan si Mendy, maraming nagkakagusto sa kanya. Marami rin siyang kaibigan. Since first year hanggang ngayong fourth year ay magkaklase kami. Palagi kaming nasa Class A. 

Simula noong magkatabi kami ni Mendy noong first year alam kong na-iingit na ako sa kanya, pero hindi ko tinanggap sa sarili ko na naiingit ako sa kanya. Naiingit ako sa kanya kasi, lahat ng taong gusto kong maging kaibigan ay kaibigan siya. Sinubukan kong maging kaibigan din nila kaso kahit hindi nila sabihin alam kong hindi nila ako gusto.

Kaya para magustuhan lang nila, ginaya ko lahat kung ano ang meron kay Mendy. Ginaya ko kung paano siya makipag-kaibigan, dahil baka sakaling maging kaibigan ko rin sila. Ginaya ko kung paano siya tumawa at ngumiti, dahil baka sakaling magustuhan nila ako. Ginaya ko lahat sa kanya. Naging kaibigan ko din naman ang mga kaibigan niya. May nagkagusto sa'kin pero hindi naman ganun karami.

Pero noong bakasyon, doon ko lang na realize na hindi ako masaya sa ginagawa ko. Naging kaibigan ko nga ang mga kaibigan niya. May nagkagusto sa'kin. Pero hindi ako naging masaya.

Hindi ako nagkaroon ng chance na mapakita ang totoong ako. Ang ako na hindi kopya. Ang totoong ako na kahit hindi man nila magustuhan, basta't masaya ako at napapakita ko sa kanila ang totoong ako.

Mabait na babae si Mendy. Mahinhin siya pero hindi masyado. Yan siguro ang nagugustuhan nila sa kanya. Ako kasi noon parang lalaki kung umasta. Nananamit ako ng parang lalaki. Ayaw ko kasi ng mga damit pangbabae. Nakakasuka. Hindi pa kompartable.

"Good morning everyone!" nagising ang diwa ko nang pumasok ang sunod naming prof. Hindi ko namalayang tapos na pala ang first subject.

"Good morning sir!" bati naming lahat. Ang gwapo ng prof namin. Halatang binata pa. Ang pogi niya. Ang ganda ng kilay. Nakakatunaw ang ngiti niya. Sakto lang ang katawan niya. Halatang walang abs pero okay na yun. Ang pogi din ng boses.

"Okay sit down. Let me introduce myself, i am Kyle S. Castillo. Ako ang inyong magiging guro sa asignaturang kasaysayan." Omy ang pogi talaga ng boses ni sir. Pwede kadin bang magtayo ng castillo sa puso ko sir? chos. Parang hindi na ako makakatulog kapag history na ang subject. Noon kasi palagi akong nakakatulog kapag history kasi parang nag kukuwento ng bedtime stories ang prof namin. Palagi pa akong nahuhuli kaya palaging may minus five sa quizzes. Mabuti nalang sa sumunod na sem nag sitting arrangement at nagkatabi kami ni Mendy kaya palagi niya akong ginigising kapag nakakatulog ako.

"Magpapakilala tayo sa ating sarili dito sa harapan, at gagawin natin yan in alphabetical order. I will only call your surnames so let's strat sa mga boys" sabi ni sir ng nakangiti. Feeling ko para akong natutunaw na yelo. Ang pogi talaga ng ngiti niya.

KailanWhere stories live. Discover now