Chapter 2

2 0 2
                                    

CHAPTER 2

Paano mo ba malalamang nagmamahal kana? Kailan mo ba masasabing mahal mo na siya? Ano ba ang mga palatandaan kung may nagmamahal kana?

Mararamdaman mo lang ba ang pagmamahal kapag nasa tamang edad kana? Kasi nga diba kung teenager kapa tapos nagmamahal kana, sasabihin naman ng iba na puppy love lang ang nararamdamn mo. Na hindi pa yan totoo kasi nga bata kapa.
Dapat ba may itinakdang edad sa pagmamahal? Hibang naba sila?

Ang dami ko nang nagustuhan, pero hindi naman nila ako nagugustuhan. May nagkakagusto nga sakin pero hindi naman sila ang gusto ko. Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam ng pagmamahal, hindi ko pa nasubukan.

Ano ba ang pakiramdam nang sinasabi nilang mga paru-paro sa tiyan? Titigil ba talaga ang mundo kapag nagtagpo ang mga mata? Makakaramdam kaba talaga ng kuryente sa katawan kapag hinawakan ka niya? Magiging panatag ba talaga ang loob mo basta nandiyan siya? Bibilis ba talaga ang tibok ng puso mo kapag palapit na siya?

Gusto kong maramdaman lahat ng yan. Gusto kong maging masaya. Pero alam ko namang hindi lang puro saya ang mararamdaman mo kapag nagmahal ka. Makakaramdam ka din ng sakit.

Pero bakit ba may mga taong kahit ilang bese nang nasaktan dahil sa pagmamahal, ay magmamahal parin ulit. Hindi ba sila takot masaktan ulit? Imune naba sila sa sakit ng pagmamahal?

"Babe, sama tayo sa canteen" anyaya ni Arche habang nililigpit ang mga gamit niya. Tapos na ang apat na subject sa umaga, kaya lunch na. Hindi ko siya pinansin. Nilagay ko lahat ng notebook ko sa bag ko at umalis ng una sa kanya.

"Hoy babe sandali!" sigaw niya. Hindi ba siya kinikilabutan sa tinatawag niya sakin? Kasuka.

Nagmadali akong maglakad pababa sa hagdan. Ayoko nang makasama ang lalaking yun. Ayoko nang maramdaman ang naramdaman ko kanina. Baka ako lang din ang masasaktan sa huli.

"Hoy babe, bakit ang bilis mong maglakad? Hindi mo man lang ako hinintay" hinihingal na sabi ni Arche at hinawakan ang pulsohan ko. Naabutan niya ako sa lobby. Nasa fourth floor kasi ang room namin. Tumindig ang lahat ng balahibo ko dahil sa hawak niya. Tinanggal ko naman kaagad at naglakad ulit ng mabilis. Kagigil, bakit ba ang layo ng canteen sa room namin? Bakit din ba nasa fourth floor kami? Kapagod umakyat.

"Hoy babe, nagmamadali kaba? Madami nanag pagkain sa canteen, hindi ka mauubusan! Kaya magdahan dahan kanga" rinig kong sigaw ni Arche. Hindi ko lang siya pinansin at naglakad pa ng mabilis, para na akong nagjo-jogging. Nakakahingal.

"Hoy babe dahan dahan nga" hinihingal na sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Napatigil namam ako sa paglalakad dahil sa ginawa niya. Napatingin ako sa kamay namin. Ang lakas ng pintig ng puso ko, parang nagkakarera. Hingal lang siguro to.

Binawi ko naman ang kamay ko at sinuntok siya sa tiyan. "Aray! gagi babe ang sakit" reklamo niya habang nakahawak sa tiyan. Iniwan ko nalang siya at nagpatuloy na sa paglalakad. Hindi na malibis kasi malapit na ako sa canteen.

Pagpasok ko naman, parang gusto ko nalang bumalik ulit. Ang daming estudyante sa canteen. Ang ingay pa. Ang taas pa ng pila. Wala nang bakanteng upuan. Parang hindi na ako makaka-kain pa nito. Kapag siguro matapos na akong ma order, siya naman ang pag ring ng bell. Ang layo pa ng room namin.

Lumabas nalang ako a canteen at naglakad ulit pabalik sa room. Hindi ko din pala nadala ang wallet ko kakamadali. Kung pipila pa ako ron, wa rin namang kwenta.

Paglabas ko nakasalubong ko si Arche. "Oh babe babalik kana? Naka bili ka na ba?" tanong ni Arche. Tumigil ako. "Pwede. bang tigilan mo yang katatawag mo ng 'babe' sakin? Nakakasuka!" irita kong sabi sa kanya ang nagpatuloy na sa paglalakad.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 27, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KailanWhere stories live. Discover now