16th of January, 2014, 9:30PM.
Today is Saturday, kinuha ko itong phone ko on the side table of my bed. Wala lang, gusto ko lang aliwin 'tong sarili ko para makatulog narin. Pahinga bukas, then pasukan na sa Monday. Ilang months nalang 4th year high school na ko. Hays, ayoko pang iwan 'tong seatmate ko for sure baka mababago sitting arrangement. Hindi ako kumportable kung hindi sya ang katabi ko. Bukod sa magaling sa math ay may aking kagwapuhan ito no. Actually magaling rin sya sa English kaso mas mahusay ako roon. Hindi nya na kailangan mangopya sakin tutal matalino na sya. For me, He is the most considerate, reliable and trustworthy person I have met sa tanang buhay ko. Aside from that, sa sobrang gaan ng turing ko sa kanya natural nalang ang mabully at maka-experience ng mga trips nya sa buhay. Isa lang ang ayaw ko sa kaniya kapag nagkagusto siya sa isang tao. Gusto nya period, gagawin nya lahat para sa taong yun.
Dalawang taon ko na syang classmate and sana next year uli, cross finger. Masaya ako if ever na seatmate ko uli sya.
Monday
*1 Text message~
*2 Text messages~
Kinuha ko yung phone tapos binuksan 'tong text nya.
[ Hoy babae, agahan mo duon sa science bench. Tapos ko na yung akin, tulungan kita saiyo.] 7:08AM
From: 09***********
[ gelo to. ] 7:12AM
From: 09***********
Ah. Nagpalit na naman pala to ng number. Napangiti nalang ako. Hindi ko na naman kailangan aralin yung mahihirap na math problems. Hays, kailangan ko ng magasikaso. Magrereplay na sana ako..
*1 Text message~
[ Save mo ah, see you iyakin! :) ]
From: 09***********
_
To: 09***********Nandito na ko sa classroom. San ka na?
_Sent!
"Nasa likod mo, classroom ka pa ah. "
"Ay pusa!" Tarantang sabi ko. Pano ba kasi nanggugulat. "HAHAHAHAHA, Nasaan yung pusa?" lokong tanong nya sakin. Nauna na siyang naglakad at sumunod na ako papuntang science bench. Bwisit talaga ito. Nakarating na kami at sinimulan nya kong turuan. Akala ko susulatin ko nalang lahat e. Buti nalang nakakarelax dito at nakapagfocus ako kahit papaano.
Bakit iyakin? Paano ba naman yung History teacher namin last friday while I was reporting butt-in dito, butt-in duon. Ipinamumuka saking hindi ako prepared sa report even though, ginawa ko lahat. Nag-research ng topic, visual presentations, and nagkabisado ng speech and mga technical words para maideliver ko ng maayos, since most of my classmates are really good when it comes to reporting. Siguro nga nagkulang ako, pero si ma'am nalang talaga ang nagsalita the whole time. Ewan ko ba ang daming pinoint-out na mali sa report ko. At pinagalitan lang naman ako sa harap ng class kaya ako naiyak for not being prepared. Hays, kung alam mo lang ma'am napakababa ng luha ko. Iiyak at iiyak ako. At last, nung makaupo na ko sa chair ko 3rd row pinaka gilid then katabi ko si gelo, tiningnan nya lang ako then tap my shoulder then smirk at me. What? Masaya pa itong ugak na ito dahil napahiya ako. Tahimik nalang ako until our next subject which is Filipino, pagsusulatin na naman kami ng pagkahaba-haba. Gusto ko ng umuwi pero may dalawang subjects pa kami. Well, madalas nya naman akong biruin and this time kinuha nya yung notebook ko and say, "Sulat na kita.." pagkuha nya ng notebook ko, ginulo nya ng bahagya yung buhok ko.
YOU ARE READING
Let Poems Have You
Teen FictionThis is the beginning of loving him, welcome home. Dear good days, please come back.