Nafinalize na namin lahat kanina sa meeting. Board Games, Quiz Bee, Speech Choir Competitions, Poetry Competitions and yung mga inaabangan na Booth.
Finally, Natapos na rin lahat ng classes for today.
Uwian. Inaantay kami nila Jameson, Sy at Gelo. Need pa kasi namin dumaan sa English club. Nang makalapit kami sa kanila ay sila nagumpisa na kaming maglakad. Nauna na pala sila Alex at Alhi.
"Mga dre, dito na kami." si Jameson. Nilapitan ko si Misha para yumakap.
"Bukas nalang natin sabihin." bulong niya sakin. Saka nag-wave papalayo.
"Dre? Nanduon na si papa sa terme. Sasabay ba kayo sakin, maluwag pa naman." si Sy. May kalayuan kasi yung bahay nila kaya need siyang sunduin.
"Hindi na dre. Ingat" sabi ni Gelo sa kanya.
Naglakad na kami kasabay pa ng iba pang students ng school namin.
"Libre kita?" aya ko habang nakaturo duon sa McDonald's na malapit sa school namin. He just nod.
"Thindrel? Where did you steal your money?" he said while eating his fries.
"Steal your face." sabi ko. He just laughed at me and ask.
"where's your phone?" I handed him my phone. Wala naman akong tinatago kaya okay lang kahit gamitin nya.
"I got my scholarship allowance yesterday and I wanna treat you a bit hehe" sabi ko. Since lagi niya naman akong nililibre ng higit pa sa kinakain namin ngayon. Barya lang 'tong allowance ko compared sa baon niya, 'wag niyo nalang tanungin. Tumango lang siya habang may tinatype sa phone ko.
Kumain lang kami ng payapa. "May number ka na ng Crush mo?" tanong niya. Tumango lang ulit siya na parang ah, wala pa.
*cough *cough
"Ack. B-bakit mo naman natanong?" Naubong sabi ko. Mabilis niyang inabot sa' kin yung drinks niya. Kahit nasa tabi ko lang yung inumin ko. Topak talaga nito.
Napa-buntong hininga nalang ako.
"Just asking.." He monitored my reaction tapos nagpatuloy na sa pagkain.
"Wala naman akong pag-asa duon no. Crush ko lang si kuya Vesper." me.
"Kaya nga, I agree!" affirm niya. Umakto ako na parang susuntukin siya. Kaya nag-bend siya ng bahagya. "HAHAHAHAHAHA" tawa niya ng malakas.
"Agree ka diyan. Sapak you want?" nakasimangot kong lintanya.
"Maganda ka, magugustuhan ka 'non--" seryoso tono ni Gelo. "--there's a lot of good things in you."
*kilig
"Ha Ha" rinig kong tawa niya.
Kikiligin or maiinis. Tapos na rin kaming kumain. Binilisan ko nalang baka kung ano pa ang masabi nito. May nilabas siya sa bag niya habang naglalakad kami. Notebook.
"Notes kanina. Since dalawang klase ka nag-ditch."
"Meeting nga sabi e." then kinuha ko yung notes niya.
"Wala ka parin sa class, kaya ganun na rin yun."*pout *pout
Nandito na kami sa harap ng bahay. "Bye~" pagtataboy ko sa kaniya. Pabiro kong siyang tinulak ng bigla siyang humarap sakin para ilapat yung kamay niya sa palad ko. Maliit na papel na may numero at pangalang Vesper.
"Oy, Angelo Crimson ano 'to?" kunwaring tanong ko kahit nakasulat na mismo na phone number ni Kuya Ves.
"Number niya yan, see you bukas."
YOU ARE READING
Let Poems Have You
Teen FictionThis is the beginning of loving him, welcome home. Dear good days, please come back.