Bonak ang Bobong Anak.
Hi, ako nga pala si Thea, ang bobong anak ng magulang ko. May mga kapatid ako. Isang kuya, at kambal na ate. Ako ang bunso. Bukod sa isa na nga akong bobo, mapangit pa ako at maitim.
Hindi katulad ng mga kapatid kong hindi na magkanda-ugaga magpabalik-balik sa stage dahil sa mga award nila. Samantala ako, ito kulilat.
Hindi lang sila matatalino, magaganda't gwapo rin. Samantalang ako, hindi.
Aswang, chanak, shokoy 'yan ang mga kantyaw ng mga nakakakita sa 'kin.
Hindi ko na lang sila iniintindi, bakit 'di ba? Saka, maganda ako on may on ways. Bahala sila mag-think ng kung ano-ano, pang-aasar at kung ano pa. Basta, masaya na ako na may isa akong kaibigan, si Trio.
Si Trio ay isang campus crush dito sa school, varsity player, at band member ng sikat na bandang X-boys dito sa school.
Nakaka-pagtaka 'di ba? Kung bakit ko s'ya bestfriend? Well, gan'to kasi 'yun.
***
"Asan na ba 'tong.. monggo na 'to? Repolyo? Saka, paminta?"
Busy ako kaka-tingin sa mabahang listahan ni Inang na mas mahaba pa sa sinasagot ko sa mga essay. Ang hirap talagang maging matalino- bobo. Okay, fine.
Lumapit ako sa isang matabang babaeng tindera.
"Ate, may monggo po ba kayo?"
Tiningnan ako nito. Nakaka-offend naman ang tingin nito. Oo na, alam ko namang pangit ako eh! 'Tong si ate eh!
"D'yan. Hanapin mo." sabi nito ng bawat sinasabi ay naka-nguso sabay paypay.
Napalaki ako ng mata at umirap. Siya 'tong tindera- tapos, napaka-sungit!
Habang nagtitingin ako ng monggong naka-balot sa mga plastik, may sumangga sa 'kin dahilan para malaglag ang mga napamili kong naka-lagay sa plastic bag. Natapakan ang mga ito at ang iba ay gumulong-gulong.
Nakakangang-napatulala ako. Hala! Pa'no na ako nito kay Inang! Sasabunutan ako no'n panigurado.
Lumapit ako sa mga gumulong na nga pinamili ko at binalik iyon sa lalagyan, 'yun na lang ang mapapakinabangan ko dahil naapakan na 'yung iba at buong lakas na hinabol 'yung lalaki.
Runner kaya ako noong elementary. Pang-laban 'to!
Nahabol ko ang lalaki at binato sa kanya ang plastic bag. Sapol s'ya sa batok at sumubsob sa lupa.
Kala mo ah!
Kinuha ko ang kamay n'ya at inalagay sa likod nito. May hawak itong wallet. Sosyalin ang itsura ng wallet at maumbok rin 'yon. Halatang maraming laman.
"Magnanakaw!" may sumigaw sa likod ko nakakilala ko. Si...
"Oh, thank god!" sabi nito't lumapit sa lalaki at kinuha ang wallet. Agad nitong chineck ang loob at naka-hingang maluwag.
S-si..Napatulala lang ako sa kan'ya. Sana hindi n'ya ako makilala. Ako kasi, kilalang-kilala s'ya. Ang dugyut-dugyut ko, shems!
"Thank you!" naka-ngiting sabi na parang buhay ang nasa loob ng wallet na 'yun.
May mga pulis na ring dumating at hinuli 'yung mamang magnanakaw. Sayang pogi sana, moreno at halatang yumm-
"Thank you again. What's your name btw?"
"H-huh?" naku! Ngayon pa gumagana ang kabobohan ko!
"Your name?"
"A-ah, haha. Ako nga pala si Thea." kinakabahang pakilala ko.
Si Trio 'to!
"I'm Trio, thanks for getting back my wallet." ano daw?
Tumango na lang ako at ngumiti. Thanks daw saka wallet lang ang naintindihan ko. Bahala na!
"W-wala 'yun, Trio."
"Here." sabi nito at inilahad ang tatlong libo sa harapan ko.
Tatanggihan ko sana s'ya, na 'di ko naman kailangan 'yon dahil naperwisyo rin naman ako. Pero, naalala ko ang mga ipanapabili ni Inang. No choose, wala akong pera. Tinanggap ko iyon.
Nakakahiya. Baka, ipag-kwento nito na napaka-mukhang pera ako! 'Di ah! Sadyang kelangan ko lang.
"T-thank you." nahihiyang sabi ko at ipinakita ang ibinigay n'yang pera sa kaniya.
Yumuko ako at akma ng aalis ng tawagin n'ya ako. Lumingon ako sa kaniya.
"Can I be your friend?" tanong nito habang nagpapa-cute.
Well, normal na sa kan'ya ang pagiging cute. Saka, ano Thea? Nagpapa-cute? Masuka ka nga!
At aba! Sure! Sino ba naman ako para tumanggi 'di ba? Saka si Trio 'to!
Sunod-sunod akong tumango, para na nga akong tanga. Well, inborn na akong gano'n. Walang pinagbago.
Ngumiti ito sa 'kin. Para akong matutunaw sa ngiti n'ya. Nakatitig lang ako sa kan'ya.
Hay, Trio. Nakaka-inlove ka!
***
Pagka-uwi ko no'n. Syempre, napagalitan ako ni Inang, na ang bobo-bobo ko raw at kung ano-ano pa. Buti nalang talaga at hindi na gano'n kalala ang ginagawa n'yang panlalait sa 'kin.
Hanggang ngayon na sa 'kin pa rin ang tirang pera na ibinigay ni Trio no'ng mangyari ang aksideng 'yon.
Tinatabi ko 'yon at hindi ginagalaw. Galing kay Trio eh, may luvs!
"Oh, ano 'yang emo mong 'yan! Ha, babae?" sabi ng ate kong si Tara. Kumakain pa ito ng bubble gum.
Siga itong umupo at tinabig akong tahimik na naka-upo sa sofa habang nanonod ng tv.
"Baka, magkalibag 'yang unang yakap mo." pang-aasar ni kuya sa 'kin habang papakyat sa hagdanan.
Tss, bakit ba napaka-babaw ko? Naiiyak na ako!
Tumayo ako at pumunta kusina. Kumuha ako ng isang garapong ice-cream at kutsara.
Nadaan ko si Inang. Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa, husgang-husga ako.
"At saan mo dadalhin 'yan?!" sigaw nito pero hindi ko 'yun pinakinggan at nagtuloy-tuloy lang sa pagpunta sa kwarto.
Agad akong humiga pagkatapos kong ilagay sa gilid ng kama ko ang ice-cream, sa ibabaw ng desk do'n.
Bumuntong hinga ako. Ano kaya ang feeling ng maganda, maputi at matalino? Pero imposibleng mangyari 'yon sa 'kin.
Una, wala akong pera para sa mga beauty products at kung ano-ano pang ginagamit sa mukha at katawan na pang-paputi at pang-papaganda. Pangalawa, bobo ako. Walang laman ang utak, tanga.
Ako ang BONAK ng mga magulang ko. Literal na black sheep rin ako. Puro na nga malas ang dulot ko, maitim pa!
Tumayo ako ulit at tahimik na inubos ang ice-cream.
Pagkatapos maubos no'n, nag-dasal at natulog.
![](https://img.wattpad.com/cover/298711645-288-k482571.jpg)
YOU ARE READING
BONAK : The Bobong Anak
RandomBONAK : The Bobong Anak. Ang babaeng hindi na nga pinagpala sa ganda at puti. At isang BONAK. Maria Thealyn 'Thea' Dizon. Ang hinarangan bobong anak, 'di maganda at hindi pinagpala ay pagpapalain?!