**Chapter 1**
--Happy Family--
Andz' POV
(Point Of View)
"Sige anak aalis na ko, kasi mag se-seven o'clock na baka malate ako sa date namin ng dad mo. Excited pa naman ako makita ulit si daddy mo. Sige bye anak." Pakatapos ay umalis na si mama. Sana dumiretso na sila ni daddy dito I missed him na eh... Gusto ko na siya mayakap ulit... Kaso baka matagalan sila ni mama mag date, hay nako mga magulang nga naman oh parang teenager.
Sa kakahintay sa pag uwi nila mama at daddy nabored agad ako sa bahay dahil walang magawa, kung andito lang sila, magbobonding kami as one big happy family, wala akong magawa kaya binuksan ko nalang ang tv at sinamahan ng pagkain na Nova at mga chocolate na Hersheys ang gusto ko yung milk chocolate.
Ng may kumatok sa pinto...
"Sino kaya yun?" Sabi ko sa sarili ko.
"Sino yan!?!" Sumigaw ako ng malakas at tumayo para buksan ang pinto.
Pagbukas ko si Mery Jane pala ang SBFF ko. 'Chos! Trip lag namin 'to. Walang magawang matino sa buhay.
"Oh Janey, anong meron at napapunta ka rito?"
"Wala lang, gusto ko sanang magbonding rin tayo pag may time."
"Janey... kilala kita alam ko ang mukha na yan, wag mo kong lokohin. Oh anong problema?"
"Ehh… kasi si…" At parang naiiyak na siya...
"Kasi ano? may nangyari ba? Sabihin mo lang sakin."
"Break na kami ni Jayron..." At ayun tuluyan na siyang umiyak.
Umupo muna kami sa sala at pinatahan ko siya. Maya-maya ay tumigil rin siya sa pag iyak. Hinahaplos-haplos ko ang likod niya.
"Sabihin mo saakin ang nangyari Janey kung bakit kayo nagbreak."
"Kasi akala niya na may iba akong lalaki, nakita niya kasi akong kayakap si Rex. Kaya ayun nagselos siya."
"Ehh bakit mo kayakap si Rex? Siyempre kung ako rin si Jayron magseselos ako."
"Kasi siya ang lumigtas kay Fifi, muntik ng masagasaan si Fifi kung hindi niligtas ni Rex. Kaya ko siya niyakap kasi sa sobrang saya na buhay si Fifi at thankful ako sakanya."
"Ehh in-explain mo na ba sa kanya ang totoong nangyari?" Mahal na mahal talaga kasi ni Janey si Fifi. Si Fifi pala yung alaga niyang aso na regalo sakaniya ni Jayron. Baby palang si Fifi alaga niya na ito. 2years na pala sila ni Jayron. Tsk tsk sayang :(
"Ayaw niyang makinig sakin :'("
Mga ilang munites tinatry ko paring patahanin si Janey... At biglang sumulpot si mama sa eksena.
"Oh Jane-Darling ba't lumuluha yang beautiful eyes mo? May nangyari bang masama?" Tanong ni mama na nakaluhod na sa harap namin para magkasing height kami naka upo kasi kami sa sala. Mga kasing level lang namin ngayon si mama.
"Ahh... ma hayaan na muna nating magpahinga si Janey, ihatid na natin siya ma." Sabi ko kay mama para makauwi at makapag pahinga na si Janey... kawawa naman siya. Alam ko kung gano niya kamahal si Jayron :( at mauuwi nalang ang mga pinagsamahan nila sa ganun? Alam kong masyadong madrama pero naaapektuhan ako sa SBFF ko ayokong malungkot at nasasaktan siya.
"Ok, si daddy mo nalang maghahatid sakanya." Sabi ni mama... Andito si daddy?! Oh my gosh... I want to hug him now... I missed him...
"Nandyan si dad!" Sigaw ko.
"Oo anak nasa labas, sa kotse niya."
^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^
BINABASA MO ANG
unLUCKY
Teen FictionFeeling unlucky...Yung ang lagi niyang sinasabi sa tuwing nakakasama niya si Mr. Gwapo. Siyempre iiwasan niya, sino ba naman ang gusto lumapit sa malas? Ngunit pano kung si Mr. Gwapo na malas sa kaniya ay ang maging pinaka swerteng nangyari sa buhay...