Chapter 2 -Meets the Guy

3 2 0
                                    

**Chapter 2**

--Meets the Guy--

Matapos ihatid ni dad si Janey nag usap kaming tatlo nila mama.

"Ahh, so kumusta ang pag aaral mo baby?"

"Ok lang dad, alam mo po dad namiss ko po kayo ng sobra!" At bigla kong niyakap si dad ng mahigpit baka nga hindi na makahinga si dad Joke lang! :)

"Pati rin ako namiss ko si sugar pie!" Sabi ni mama at niyakap rin si papa so para kaming nag group hug. Gusto ko ganito lang kami palagi pero alam ko di pwede yun kasi kailangan ni daddy magtrabaho para samin. Akala ko kasi pakatapos ng date nila ni dad may aasikasuhin siyang trabaho kaya gusto ko kayakap ko lang siya. Matagal narin kasing hindi kami nagkikita kita ni daddy kasi nagtatrabaho si daddy sa Maynila sa isang toy company. Hindi mataas ang posisyon ni daddy dun, nagsimula na muna siya sa pinakamababang posisyon at sinabi niya na aangat siya basta daw wag tatamad tamad. May pinatatamaan ata si daddy eh. Umuuwi siya paminsan minsan lang dito pag may oras siya pero sa isang condo siya tumutuloy pag nasa Maynila siya. Condo ng Tito Luiz ko, kapatid ni daddy.

"Dad saan ka po matutulog?"

"Sa kwarto namin ni mama mo, bakit?"

"Pwede po dad tumabi po ako sainyo, please?" *with matching puppy eyes pa at pacute effect* Baka iniisip nyo na masyado akong childish, namiss ko lang talaga ng sobra si dad. Ang huli nya kasing visit dito nung October pa eh December na ngayon kaya sobra ko syang namiss. At buti umuwi sya bago mag christmas kaso... sabi niya babalik daw siya agad sa maynila :(

"Syempre naman, Pwedeng pwede." Sabi ni mama at dad.

"Thank you! I love you mama! i love you daddy!" Sabi ko.

"I love you too anak" Sabi ni mama...

"I love you din baby ko" sabi ni daddy...

------ 

Pagkagising ko may naamoy agad akong masarap. HMMMM! Ang bango! Nagugutom tuloy ako. Pagbaba ko nagluluto na si mama ng hotdog at egg.

"Ma, nasaan po si dad?" Tanung ko sakanya... Nagluluto si mama habang kinakausap ako.

"Ah, bumili ng pandesal" Sagot niya.

Matapos akong kumain ay naligo ako at nagbihis na ng pang alis. Pagbaba ko tinanung ako ni mama kung saan ako pupunta...

"San ang punta at nakabihis ka ng maayos?"

"Ah, kay Janey po, titingnan ko kung ok na po siya." Nag aalala kasi ako sakanya kung ano kalagayan niya ngayon... Sana ok lang siya.

"Osige bye anak" Sabi ni mama. At saktong kakapasok lang ni daddy...

unLUCKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon