Chapter 30

8 0 0
                                    

Tinatawanan ako ni Reza at Erica ng naikwento ko sakanila ang nangyare kahapon. Galing sa duty ang dalawa at agad na dumiretso dito. Ngumuso ako, ano ba ang nakakatawa dun? eh muntik na ako kahapon!

"Dapat, Engineer Pascua!" Ani ni Erica.

"Skye, ka dyan! ayaw nga niyang patawag ng ganun kila Doc eh, dapat daw Justine o kaya Engineer Pascua, choosy choosy buti nalang gwapo." Saad naman ni Reza.

"Taray mo sis! Engineer yun, Skye ang itinawag mo." Ani ni Erica bago sila nagtawanan ulit.

"Buti nga hindi Adi." Singit naman ni David na galing sa kusina.

Napasungo nanaman ako ng nagtawanan na ang tatlo kung kaibigan, buti nalang at wala si Zack ngayon dito dahil nasa Singapore siya, dahil kung meron mas matatalo pa ako dito.

"Skye," Ani ni Reza at kunware ginaya ako.

"My Savior, my hero, my love," Ani naman ni Erica.

"Mali! pakitaan mo Reza." Saad naman ni David.

"My savior, my hero, my Adi, the father of my children." Ani ni Reza na agad kung binato ng unan para manahimik.

Ang mga baliw kung kaibigan tinawanan lang ako! Mga baliw talaga. Nanahimik din kami ng lumapit si Kailani sa akin.

"Mommy, I'm so hungry." She said and pouted.

"What do you want baby?" I asked to my daughter.

"Baby," Sabay na saad nila Reza at David. Napairap ako, alam ko kung ano ang ibig sabihin nila duon.

"Rain, baby." Ani ni David kaya binato ko na siya ng unan para manahimik.

"Rice and asin." Sagot ni Kailani kaya tumayo na ako para makapunta sa kusina at ipaghanda ang gusto ng anak ko.

Sumunod si Asher sa amin, alam kung gusto niya ring kumain kaya ipinaghanda ko rin siya. Sumunod rin ang tatlo kung kaibigan sa amin na may mga ngiti sa labi, ngunit para sa akin ang ngiti nila ay nang-aasar.

"Ano?!" Sabay na saad nila David at Reza ng makitang binudburan ko ng asin ang kanin.

"Anak ng- Lyn! kay dami mong pera, asin ang ipinapaulam mo sa mga pamangkin ko!" Madramang saad ni David na ikinatawa lang ni Erica.

Natural si Erica ang nagturo nito sakanila eh.

"Sasabihin ko na kay Skye, na may mga anak siya sayo, Engineer yun, maraming pangbibili ng maayos na ulam!" Ani naman ni Reza na nagpabilog ng mata ko.

Tawang tawa na si Erica kaya umalis na siya sa kusina at pumunta sa sala para duon ilabas ang tawa niya. Napabaling ako sa mga anak ko, buti nalang at hindi sila masyadong nakakaintindi ng Tagalog! gaga kasi yung bibig ni Reza.

"Yan ang gusto nila, anong magagawa ko?" Tanggol ko sa sarili ko.

Napa-iling nalang si Reza bago sinubuan nalang si Kailani dahil ang tagal na gumalaw ni Kailani. Si David naman ay pinipilit si Asher na kumain nalang ng dala niyang kakanin.

"I don't want Tito, I want rice and asin!" Asher said in his mad tone.

"Kingina, mag-ama nga talaga kayo, parehas na mainit ang ulo niyo sa akin, eh nuh?" Saad pa ni David na animoy naiintindihan siya ni Asher.

Napa-iling ako, "Bumalik siya sa dati?" Wala sa sariling tanong ko.

"Oo, magmula ng nilayasan mo siya." Sagot naman ni David na nagpakaba sa akin.

Huh? tama ba yung narinig ko?
"Huh?" takang saad ko nalang.

"Kilig to the bone yarn!" Ani ni Reza bago turo sa muka ko.

Love Will RememberWhere stories live. Discover now