Prologue

87 13 2
                                    


"Alam mong hindi pwede ang gusto mong mangyari Khalil, maling-mali ang gusto mo." Malamig na sambit ni Orion.

Tila ba binuhusan ng malamig na tubig si Khalil ng marinig ang mga salitang iyon, hindi niya ito inaasahan lalo na at galing pa ito sa taong kaniyang pinakamamahal.

"Sabihin mo sa akin Orion. Mali ba ako? Mali bang magmahal ako sa isang lobo, mali bang mahalin kita?!" Galit at halos pasigaw na sabi ni Khalil ngunit tinitigan lamang siya ng malamig ni Orion at tinalikuran siya nito.

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Mayroon kang pack na dapat mong pangunahan, kailangan ka nila." Malamig na saad nito at tuluyan nang naglakad paalis. Wala nang nagawa pa si Khalil kung hindi malungkot na tignan ang kanyang mahal na paunti-unti nang lumalayo sa kanya.

"Ngunit paano naman ako? Kailangan rin kita, mahal ko." Gustong-gusto niyang sabihin ang mga salitang ito sa kanya ngunit alam niyang wala itong mababago, alam niyang sa huli ay iiwan at hindi pa rin siya pipiliin ni Orion.

"Siguro nga ay mas mahalaga para sayo ang iyong kinagisnang pamilya at ang mga nakakasuklam na mga batas ng ating lahi." Bulong ni Khalil sa kanyang sarili habang nakatanaw sa direksyon kung nasaan ang taong kanyang minamahal. Pinanood niya lamang ito hanggang sa tuluyan na itong maglaho, kasabay rin ng paglaho nito ay ang tuluyang pagpatak ng kaniyang mga luha.

Sunod-sunod at tila ba walang balak ito sa pagtigil, kasabay ng pagbagsak ng kaniyang luha ay ang pagbagsak rin ng ulan na tila nakikisabay at nakikidalamhati sa kanyang nagdurugo na puso.

Napapikit si Khalil at muling bumalik sa kanya ang mga matatamis na alaala at mga pinagsamahan nilang dalawa.
Hindi niya mapigilang mapait na mapatawa habang inaalala ang mga ito, ilang sandali pa ay idinilat niya na ang kanyang mga mata.

Tila ba nawalan na ng buhay ang kanyang mga mata at ang paraan ng kaniyang pagtingin ay mas nakakatakot na. Muli siyang tumingin sa huling pagkakataon sa direksyon kung nasaan ang kaniyang minamahal.

"Sisiguraduhin ko na magbabayad silang lahat at hindi ka na makakawala pa sa akin sa susunod na tayo'y magkita muli." Pangako niya bago tuluyang tumalikod at naglakad papalayo.

***

"Mabuti naman at sinunod mo ang payo ko." Isang pamilyar boses ang narinig ni Orion dahilan para siya ay matigil sa paglalakad.

"Nagawa ko na ang gusto ninyo. Siguraduhin niyo lang na susunod kayo sa pinagkasunduan." Malamig at iritadong sabi ni Orion. Nagpatuloy siya sa paglalakad ng hindi man lang nililingon ang pinanggalingan ng boses.

Nang tuluyang makalayo si Orion ay tsaka lang lumabas sa dilim ang isang misteryosong lalaki na nakasuot ng balabal. Tinatakpan nito ang mukha at buong katawan ng lalaki, ngunit kapansin-pansin ang maputi at sobrang putla nitong balat.

Pinanood niya ang pag-alis ni Orion at nang tuluyan itong makaalis sa kanyang paningin ay malakas siyang tumawa, tawang tila ba nanunuya at talaga namang nakakatakot kapag iyong napakinggan.

Sa isang iglap ay bigla itong nawala at agad na bumalik sa katahimikan ang buong lugar.

***

©RUSSENCE

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 14 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BS 1: My Rival Alpha | MPREG Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon