mini play of love

10 0 0
                                    

A/N:

Pasensya na at natagalan na naman po ang aking update :(

Nawala po kasi ang aking mahiwagang cellphone >.<. Eh dun po kasi naka-save yung mga UD ko na naka-prepare na. So ito at panibagong gawa na naman. Pasensya na po talaga sa paghihintay.

Hope you like this chapter :)

VOTE AND COMMENT

   ~ KEHee13 ~

 chapter 6

[Krisha's POV]

Hindi ko na talaga maintindihan ang nangyayari sa paligid ko!! >.< na-iinis man ako pero wala naman akong nagawa kundi ang pumayag sa paki-usap ni ate Zai. Ewan ko nga ba!! Pwede ko naman sabihing hindi ko kaya, pero ewan ko kung bakit pumayag din ako sa kalokohan na toh!! >.<

Buti na lang talaga at uwian na rin kaya naman kahit papano makakapag-pahinga na ang utak ko!!

Kinabukasan maaga akong pumasok para manuod ng try out sa basketball. Kagabi kasi bago ako matulog, niyaya ako ni Yesha na manuod daw kami ngayon kasama si Cloe dahil magta-try out daw ang pinsan nya at kailangan ng suporta. So ito kami ngayon at nasa gym na.

“Yesha, asan ba yung pinsan mo dyan? Gwapo ba ha?” pangungulit ni Cloe

“Manahimik ka nga!! Nakakahiya na kay Yesha noh” pag saway ko naman sa kaniya

“Ok lang, ayun sya oh, yung naka-blue jersey na no.13” sabay turo naman ni Yesha dun daw sa pinsan nya

O___O

“Xander?” mahinang nasabi ko

“Anong sabi mo?” tanong naman ni Cloe sakin

“H-ha? W-wala” sagot ko sabay balik ng tingin dun sa lalaki na tinuro kanina ni Yesha.

Hindi ako pwedeng magka-mali. Kahit nasa malayo pa kami sigurado pa rin ako na si Xander yun. Pero bakit nandito sya?? At pinsan nya si Yesha.

“Gwapo pala yang cousin mo, pahingi naman ng number” sabi ni Cloe

“Sa kanya mo na lang kunin kung ibibigay” maka-ngiting sagot naman ni Yesha

Maya-maya lang nag-simula na rin ang try out. Hindi ko matatanggi na hanggang ngayon may space pa rin sya dito sa puso ko. Pero bakit kailangan bumalik pa sya kung kelan naman natutunan ko ng kalimutan sya.

Natapos ang try out na halos ala akong naintindihan sa pinanuod ko. Yung isip ko kasi nun gulong-gulo at yung mata ko naman sa kanya lang naka-tingin.

“Krisha!! Ano ka ba!! Kanina ka pa namin tinatawag ah!!” biglang sigaw naman sakin ni Cloe

“H-ha? Sorry, hindi ko Narinig” sabi ko lang

“Gaga! Pano mo maririnig eh lutang ka” sabi nya naman

“Maka-lutang kaa naman “ sabi ko na lang

“Asan pala si Yesha?” tanong ko

“Wala na, umalis na, kaya nga kita tinatawag kasi nandito yung pinsan nya kanina, ayun umalis na tuloy sila” sabi nya

“Talaga?!” medyo gulat naman na tanong ko

“Oo, bakit? May problema?”

“W-wala naman, yung lalaking yun, pinsan nya ba talaga si Yesha?” tanong ko

“Oo, yun ang sabi ni Yesha eh” simpleng sagot naman ni Cloe

After ng panunuod dumiretso na rin kami sa mga room namin.

Pag-upo ko sa table ko nagulat ako ng may makita akong maliit na sticky note.

-> Pumunta ka sa parking lot mamayang uwian. May pupuntahan tayo

                                                                                              Gino >.<

Si Gino?? Ano naman kaya kailangan nito??!

Hindi ko na lang pinansin ang letter na yun at tinago na sa bag. Nakinig na rin naman ako ng nagsimula na ang lesson. Medyo nasa kondisyon na ang utak ko nun kaya naman hindi na ako masyadong nawawala sa huwisyo.

Nung nag-break time na sabay-sabay kaming kumain nila Yesha at Cloe. Syempre tulad pa rin naman ng dati.

Napansin ko lang na ang lungkot ni Yesha nun. Hindi kasi sya masyadong nagsasalita.

“Yesha, okay ka lang?” worried na tanong ko

“H-ha?” parang wala naman sa sarili na sagot nya.

“Sabi ko okay ka lang ba? Mukha kasing may problema ka” sabi ko pa ulit

“A-aayos lang naman ako, Pasensya na” Malungkot pa rin na sabi nya

Hindi na rin naman ako nangulit nun kasi baka wala talaga sya sa mood para mag-kwento.

“Yesha, bakit bigla ka naman nawala kanina, hindi mo man lang kami pinakilala dun sa pinsan mo” :3 pagmamaktol naman ni Cloe

“Pasensya na, nagmamadali kasi sya kanina” sagot naman ni Yesha na parang halatang ayaw ng pagusapan ang bagay na yun

“Yesha, ibigay mo na kasi number nya, ang gwapo kaya ng pinsan mo” pangungulit naman ni Cloe. Kahit kalian talaga ang babaeng toh napaka- insensitive. Hindi ba nya napapansin na wala sa mood yung tao?! >.<

“Yesha, pakilala mo ako dun pag may time ka ha, hindi talaga ako maka-get over sa kaniya eh, ang gwapo talaga, tingin mo kaya type nya ang mga tulad ko? Ano ba ang tipo nyang babae?” sunod-sunod na sabi ni Cloe pero sa Yesha Tahimik pa rin at hindi nagsasalita

“Oy, Yesha baa-----

“PWEDE BA!! TUMIGIL KA NA NGA! XANDER IS MY FIANCEE OKAY?!! HINDI KO SYA PINSAN!!” sigaw ni Yesha sabay tayo at umalis.

O________O

Ano nga ulit yung Narinig ko?? Fiancée? Si Xander?? Pero pano??

“Krish, ano daw? Fiancée nya yung Xander? Pero ang sabi nya pinsan” pagtatanong sakin ni Cloe. Tapos na kasi kami kumain at pabalik na sa room namin. Magkaklase kami sa next subject kaya naman sabay kami.

“Ewan ko rin, pero bakit bigla na lang sya nagalit?” tanong ko rin

“Ewan, baka nagselos dahil type ko yung fiancée nya” sagot naman nya

“Fiancé? Totoo ba talaga?” mahinang sabi ka na naman

“Ano?” tanong naman ni Cloe

“W-wala, bilisan na natin” sabi ko sabay hila sa kaniya

“Bakit ba ang daming weird ngayon?” sarcastic naman na sabi nya

Nung nasa room na kami biglang wala naman pala yung prof namin kaya naman inubos na lang namin yung oras namin sa pagdadaldalan.

“Krish, may lakad ka mamayang uwian?” tanong bigla ni Cloe

“Wa-------

Sasagot na sana ako ng wala ng bigla ko namang naalala yung letter ni Gino. Pinapa-punta nya nga pala ako sa parking lot ngayong uwian. Pupunta ba ako o hind?? Hay naku!! >.< dagdag pang-gulo pa ng utak yun eh!! Kung hindi lang talaga ako nag-promise kay ate Zai hindi ko  talaga pupuntahan yun eh!! Akalain mong nag-iwan lang ng letter hindi man lang sinabi ng personal!!

“Ano na? May pupuntahan ka?” sabi ni Cloe

“Oo eh, may project pa pala kaming gagawin, sorry ha” pagdadahilan ko

“Aw, okay lang, may kasama naman ako” sabi nya

Nung nag-uwian na pumunta na rin ako agad sa parking lot. Pag sya lang talaga wala dun lagot talaga sya sakin!!

mini play of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon