Chapter 8
[She’s back]
[Krisha’s POV]
Hindi ko alam kung bakit nandito kami ngayon sa bahay nila. At tama nga sya. Nakarating kami dito na hindi nahuhuli ng police o mga traffic enforcer.
“Hoy! Bakit tayo nandito??” bulong ko
“Basta. Maghintay ka lang dyan” sabi nya sabay tayo
“Saan ka pupunta?” sabi ko at hinila sya pabalik sa sofa para ma-upo
“Kukuha lang ako ng pagkain” sabi nya
“Wag na, hindi naman ako gutom kaya dito ka lang” sabi ko naman
“Eh gutom ako eh kaya kukuha ako ng pagkain, sino bang nag sabi para sayo yun? At isa pa malapit lang naman ang kusina hindi naman ako magtatagal para naman hindi mo ako ma miss kaagad diba” mapanlokong sabi nya sabay kindat
Kahit kalian talaga ang mokong na toh!! Kanina lang maayos na ang takbo ng utak ngayon naman naaabnormal na naman.
“Alam mo ikaw? Hindi na talaga siguro mawawala sayo ang pagiging feeler mo noh?!!” sabi ko sabay tulak sa kaniya.
Naiisip ko tuloy kung may pag-asa pa kaya na mapatino ko ang tulad nya na parang dinaig pa ang climate change sa pagbabago ng ugali!! >.<
“Tsk, dyan ka lang kukuha lang ako ng pagkain” sabi nya sabay tayo
Bwiset! Bakit nya ba ako dinala dito?! >.<.
Maya-maya lang nagulat ako ng may narinig akong bumababa sa hagdanan.
Kung kelan naman may tao tsaka pa umalis si Gino!! >.<
“Excuse me” sabi nung kung sino na bumaba sa hagdan. Syempre lumingon naman ako nun.
“Krisha!!” sabay takbo palapit at yakap sakin ni ate Zai.
“Ate Zai, akala ko po kung sino na”
“Buti nakapunta ka” sabi nya bigla
“Oo nga po eh, si Gino ang nagdala sakin dito, ano po bang meron?” tanong ko naman
“Ngayon kasi ang dating ng parents namin galing States,syempre maganda kung makikila ka nila diba” sabi nya
“Ano po? Makikila ako?! Bakit naman?” O_O gulat na tanong ko
“As what I have said before alam kong Matagal na ring gusto nila mommy na bumalik si Gino sa dating sya, kaya naman kung malalaman nila na may bago ng babae sa buhay ni Gino I’m sure they’ll be glad” :) naka-ngiting sabi naman nya. Hay naku!! Ito na naman sya sa pangunguna sa feelings ni Gino eh!! >.< eh kahit katiting nga ata walang pag-asa na magustuhan ako ni Gino eh!!
“Krisha nandito-----oh, ate, magkakilala na kayo?” sabi naman ni Gino na may hawak pang pagkain.
“Ah oo, ngayon ngayon lang din” sabi naman ni ate Zai sabay kindat sakin
~_^ ok?? Para saan naman yun??
Maya-mkaya lang haang nagkukuwentuhan pa kami ni Ate Zai bigla na lang may bumusina sa labas ng bahay nila
“OW, baka sina mommy na yan” sabi ni ate Zai sabay takbo agad sa may pinto, sumunod din naman si Gino nun:
“Dito ka lang” sabi nya sabay alis
GULP! Lalo naman tuloy akong kinabahan!! >.< ano ba naman kasi tong kalokohan na pinasok ko!!
Maya-maya lang narinig ko na ang boses ni ate Zai na masayang masaya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko nun. Parang gusto ko na ngang tumakas at dumaan sa bintana nila eh!! >.<
“Mom, we have a visitor, and you know what she’s Gino’s girl” narinig kong sabi ni ate Zai
“Ate! Kaibigan ko lang sya ok!!” rinig ko naman na sabi ni Gino. Oo na !! kaibigan mo lang naman talaga ako!!
Base sa boses nila alam kong malapit na silang pumasok nun sa pinto. And maya-maya pa
EEEEEEEECK!! [sound of the door opening]
BINABASA MO ANG
mini play of love
Teen Fictionpaano kung gumaganap ka sa isang role ng hindi mo namamalayan ? yung tipong out of your consent ?? magiging maganda kaya ang kalalabasan ng story paras sayo ? well let's see :)