Chapter 1

14 0 0
                                    


"Ma, alis na ako!" sigaw ko habang may nginunguya pa na pandesal. Kinuha ko na ang bag ko at dinoble check kung mayroon ba akong nakalimutan dalhin.


Hinalikan ko sa pisngi si mama at nagmano kay lola bago ako nagpaalam ulet. "Mag-ingat ka, Leo! Sinasabi ko sayo nako!"
Pahabol pa ni mama nang lumabas na ako sa gate namin.


Naglakad na ako sa sakayan ng jeep, patungo sa Limira High. Madaming taong nagsisiksikan kahit 6:40am palang. 6:40.. HALA! 6:40 na?! 7am ang pasok ko. Pucha naman oh, pag ako nalate pa. Hindi naman ganoong kalayo ang school pero hindi pa rin ako mapakali.


"Paabot po kuyang pogi!" May naglagay ng pera sa palad ko. Pogi pa nga, chill lang kayo ako lang toh, ah. Tinanguan ko lang silang magkaibigan bago iabot sa driver ang pamasake nila. Dapat ba binulsa ko na lang?


"Para po, boss" Tumigil na ang jeep kaya bumaba na ako. 6:55 na kaya tumakbo na ako sa loob, mamaya masulat pa sa record ko yon, ayoko nga!


Madaming estudyante sa daan, may mga narinig akong "Oy Kurt!" kaya tinanguan ko na lang sila. "Late na ko par, maya na lang," Di naman sa pagmamayabang, pero kilala ako nang lahat dito kaya madaming bumati sa akin.


"Mr. Lopez?" rinig ko bago ako pumasok sa classroom. "PRESENT, MAAM!" Sigaw ko kaagad, mayroon pang kasamang salute iyoon kaya napatingin ang lahat saakin. Hinihingal pa ako ng kaunti. Karamihan sa kanila ay napatawa.


Napatingin ako sa guro at nanlaki ang mata ko. "Sir! Sir pala hahaha!" I chuckled shortly, kinakabahan na. Tiningnan niya lang ako, grabe sir ganyan na ba kababa tingin mo saakin! "You're late, Mr. Lopez" Napaawang ang labi ko. Ano ba yan, sermon nanaman uuwian ko mamaya.


Paupo na sana ako sa upuan ko nang may mag salita. "Actually, sir, Mr. Lopez isn't late" Itinuro nya ang orasan sa pader, kakaseven pa lang, nag-celebrate ako sa utak ko ng kaunti.


"Ayos, Kurt nakalusot ah!" Siniko ako ng katabi ko habang nakangiti.


Asa tabi ng bintana ang upuan ko kaya halos buong klase ay nakatitig lang ako roon, tinatanguan ang mga dumadaan. Math ang subject namin ngayon kaya halos walang nang  nakinig sa guro.


"Uy penge ako Ela!" binulong ko sa babaeng asa harap ko, nakita ko yung Piattos na nakabukas sa bag nya, kumukuha siya roon ng pasimple. Kinalabit ko pa siya.


Hinampas niya ang kamay ko "Dun ka nga! akin toh" Ang damot naman! Kinalabit ko siya ng paulet ulet kaya wala na syang nagawa kundi bigyan ako.


Habang ngumunguya ako, nasamid ako dahil nalunok ko yung buong Piattos! di ko pa nangunguya yon ng maayos! "Tubig?" may nag-abot saakin ng water bottle kaya kinuha ko na lang iyon kesa mamatay.


"Salamat, pre" nasamid ulet ako nang tumalikod ako para pasalamatan sya, si sir ang nandoon! Narinig ko ang tawa ng iba habang andito ako, kabado. Ang sasama nyo! Parang hindi pamilya!


"Sir!" Napatawa ako ng may halong kaba, napakamot na din ako sa ulo ko. Baket? Masama na ba kumain? Ikakamatay ba nila pag kumain ako sa klase? Hindi, syempre! pero mali iyon, Kurt!


Tinawanan ako ng iba kong tropa galing sa ibang section, nakatayo ako ngayon sa labas ng classroom dahil nagalet ata si sir. Pasensya ka na sir, eto lang ako, sowwy na.


"Elysiana!" Umakbay ako sa kaniya, "uy penge, salamat!" Kumuha ako ng stick kay manong, vendor ng fishballs, bago tusukin yung asa baso ni Elyse. Mayroong lamang squidballs, fishballs at kikiam yon.


"Wala ka magawa, ha?" Pabara boses niya kaya napangisi ako. "Luh, nagpasalamat na nga ako eh" Nagsensyas ako kay manong para bigyan ako ng dalawang gulaman.


Ako'y Alipin MoWhere stories live. Discover now