Chapter 2

8 0 0
                                    

"Pre, dito ka na!" Hinatak ako ni Wyatt sa harap ng stand ng culinary club. Kumuha ako ng pastillas na ipinapamigay nila, free taste ata.


Asa gymnasium kami dahil club day. Halos lahat ng programa ay sa gymnasium ginaganap dahil malaki ito at open. Mayroong bubong pero walang mga pader. Malalapad at makakapal na poste ang sumusuporta rito.


Mayroong ilang electric fan na nakasabet sa mga poste kaya hindi masyadong mainet.


Maraming stands ng club ang nakakalat sa gym, naghahanap sila ng mga miyembro na isasali. Culinary ang sinalihan ni Wyatt habang music club naman and pinili ni Dave.


"Tara, tol, punta na tayo sa music club!" Inakbayan ako ni Dave na kakarating pa lang, pinaplano na hatakin ako papuntang music club pero pinigilan siya ni Wyatt.


"Ako nauna, shoo!" Asar neto habang naka-ngisi, binigyan siya ni Dave ng pekeng ngiti.


"Anong club ba gusto mo, tol?" Tanong sakin ni Dave. Sa totoo lang, hindi ko rin alam, eh. Marunong naman ako magluto, gumamit ng ilang instrumento, kumanta, gumuhit, sports, at iba pa. Ngunit marunong lang naman ako, hindi ako magaling sa kahit na ano.


"Uy Elyse!" Lumapit naman sila ng tinawag ko. "Anong club kukunin mo, Adri?" Tanong ni Dave. "Pake mo?" malditang sagot neto. Tinawanan namin ni Wyatt ang itsura ni Dave.


"Grabe ka naman, miss" pinunasan pa nito ang mga pekeng luha. "Drama ka? Adri" Tanong ko, mahilig siya sa mga teleserye at acting kaya baka iyon ang napili niya. "Yes" Tinanguan ko lang siya habang naka-ngisi kay Dave, dahil sinagot ako ng maayos ni Adri.


"Ikaw, miss vice pres?" tanong naman ni Wyatt kay Elyse. "Drama na lang din siguro." Ayaw ni Elyse ng mag-isa lang siya. Gusto niya lagi may kasama na kilala niya. Iisipin mong marami siya kaibigan dahil sikat siya kaso allergic ata toh  sa ibang tao.


"Hoy gago!" Binatukan ni Wyatt si Dave dahil nakailang kain na ng samples nila. "Takaw mo,"


"Anong lalaruin mo?" Tanong ni Dave habang sinasagutan ko na yung form para sa music club. Marunong naman ako tumugtog ng ilang instrumento at kaya ko rin mag perform sa harap ng maraming tao.


"Gitara na lang siguro" Sinagutan ko na ang huling tanong bago 'yon ibigay sa officer ng music club.


"G, mamaya? gala tayo" Aya ko, friday naman kaya puwede akong gumala. Reward ko 'yon dahil hindi ako nagcut sa kahit na anong subject ngayong linggo.


"G, saan?" nagsimula na kaming maglakad sa gawi ni Wyatt. "Timezone?" suggest ko, gusto ko lang talaga gumala.


"Oy!! Wyatt, timezone daw mamaya sabi ni master" Turo niya sakin. Master, amp.


"Sama mo sila Adri" sabi ni Wyatt habang umiinom sa water bottle niya. "Baket ba pawis na pawis ka?" Inabutan ko siya ng tissue, umakyat ba toh mula impiyerno?


Pinunasan niya ang noo niya bago kumuha sa chips ni Dave. "Kase naman, inutusan ako ni ma'am kanina, pabalik balik ako." sagot niya bago kumuha ulet. Sinamaan na siya ng tingin ni Dave, "Gusto mo malamigan, pre?" tumaas ang kilay ko dahil may kasamang ngiti yon.


"Oo" sagot naman ni Wyatt, nagulat na lang kami ng biglang buhusan siya ni Dave ng malamig na tubig. Napatawa ako ng malakas kaya napatingin ang iba sa direksyon namin.


"Gago ka talaga, Daveron!" kinuha ni Wyatt ang tissue sa kamay ko, pinupunasan and buhok niya na basa. Nakahawak na ako sa tiyan ko sa sobrang sakit kakatawa. Wala ng laman iyong chips ni Dave kaya kinuha iyon ni Wyatt bago itupi at ipasok sa bunganga ni Dave. Mas lalo lang ako natawa, di na makahinga. Para silang aso't pusa.


Ako'y Alipin MoWhere stories live. Discover now