Kabanata 41

19.3K 580 86
                                    

Kabanata 41

Dinner

Inimbitahan ako ni Sage na mag-lunch. Pumayag ako ngunit ako ang pipili ng restaurant at hindi naman big deal sa kanya kung saan kami kakain. We're in a convoy as I lead the way. Wala naman akong gustong restaurant. Ang pinili ko na lang ay ang madadaanan ko pauwi ng condo. Ilang minuto lang sa daan ay nakapili na ako.

Ipinarada ko na ang sariling sasakyan at itinabi niya naman ang kanyang sasakyan sa akin. Kinuha ko ang handbag bago lumabas. Halos magkasabay lang ang paglabas naming dalawa.

He immediately walked towards me while holding the key to his car. Agad niya iyong ipinasok sa kanyang bulsa bago ako iginiya papasok sa restaurant. Nag-angat ako ng kilay pero hinayaan ang pag-giya niya.

"Don't bring your car next time. I will pick you up in your condo, as well as after your schedules." aniya nang papasok na kami ng resto.

He opened the door for me, and when I got in, I stopped for a moment to wait for him because of what he said. Kunot-noo ko siyang tinignan.

"What? There's no need for you to do that."

Akmang magsasalita siya nang lumapit ang isang lalaking waiter.

"Table for two, Ma'am, Sir?"

I smiled. "Yes, please."

Iginiya niya kami sa pinaka-malapit na bakanteng table. Marami ang tao sa loob ng restaurant, lalo na't lunch na ngayon. Almost all of the customers are wearing business or corporate attire. Maraming building around this restaurant, hindi na nakakapagtataka na maraming nagtatrabaho ang kumakain dito.

Mabuti na lang ay may bakante pa dahil kung wala, siguradong maghahanap kami ng ibang restaurant. Hindi naman iyon magiging mahirap dahil wala naman akong specific na gustong kainan ngayon.

Sage pulled up a seat for me. Nang makaupo ako ay nagtungo na rin siya sa tapat. The waiter gave us the menu. Hindi ako gutom kaya hindi ako mapili sa pagkain ngayon. Sinilip ko lang ang menu at agad ng nag-order. Si Sage naman ay mabilis ding nakapili.

The waiter left with our orders. Prente akong umupo at tinignan si Sage na nadatnan kong nakatingin sa akin, tila naghihintay na mailipat sa kanya ang atensyon ko.

"What's your schedule for tomorrow?"

Bumalik sa isipan ko ang sinabi niya kanina.

"You don't have to pick me up. I can manage." sabi ko.

Hindi naman ibig sabihin na nanliligaw siya ay dapat ganoon na. I'm fine with driving on my own, and it's too much hassle for him, especially since he's always busy. Hindi naman pwedeng itigil niya ang trabaho para lang maihatid at sundo ako. At mas lalong hindi naman pwede na paghihintayin niya pa ako kapag natagalan siya sa pagsundo sa akin.

I have schedules too. Paano kung hindi niya ako agad masundo at may kailangan akong daluhan na meeting o event? Hindi rin ako pwedeng umasa kay Venus, dahil may sarili rin iyong inaasikaso.

"I'm not that busy, Nathalia. Give me your schedules and I'll adjust mine." seryosong sabi niya.

I raised a brow.

"But what if you can't pick me? I don't want to depend on you because of the possibility that I will get late." katwiran ko na may punto naman.

Pero mukhang wala siyang planong tanggapin iyon. Kalmado man akong tinitignan, alam kong hindi pa rin siya sasang-ayon sa sinabi ko.

"I can adjust my schedule. I will pick you up in the morning and, while you're working, I will work too. Kapag tapos ka na, susunduin kita. Then, after driving back to your condo, I will continue doing my office works. That will be our cycle," mahinahong sabi niya.

DM #3: Sage MadriagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon