NEVER BY THE SAME FLAME 2
Needan’s POV
Nandito kami ngayon sa canteen. Kasama ko pa rin sila Angge.
“Aray naman!” sabi ko dun sa lalaking nakabunggo ko. Kaklase ko yata ‘to eh. Nakalimutan ko lang yung pangalan. Nagsorry lang siya tapos dumiretso sa table nila. Kasama niya sa table yung pinsan kong si Kevin. Kaklase rin namin siya. Si Kevin lang yung kilala ko dun sa group of boys. ‘Di naman kami super close. Psh. Epal yun ah.
“Tara naaa!” sabi sa akin ni Nini.
“Girls! Dun nalang tayo sa boys. Wala ng space eh. Dun nalang may konti.” sabi ni Angge.
Naglakad na kami papunta dun sa table ng boys--- aba kung minamalas ka nga naman oh! Nandito yung lalaking nakabunggo ko! Grrrr! Kaasar. Tahimik nalang akong kumain habang sila nagdadaldalan. Katapat ko sa upuan si Rian, tapos katabi niya yung epal na lalaki. Napapansin kong tumitingin siya sa akin. Aish!! Epal talaga.
“Hoy Jericho easyhan mo lang pinsan ko!” sabi ni Kevin dun sa epal. Nagtawanan sila pati yung girls.
“Pancit cantooooon bwahahahahaha!” sabi nung Jericho. Bakit biglang nawala yung inis ko? Parang bigla akong kumalma. Hmp! Pero epal pa rin siya.
Asarin ba naman akong pancit canton? Pero okay na rin yun, kasi sa dati kong school, pugad tawag nila sakin.
Fast Fooooorward....
Haaay, nakasurvive ng first day kahapon. Second day naaaa! Ngayon inayos ni Ma’am Carillo yung pwesto na uupuan namin. Sa first row ako, second to the last sa right side. Gets niyo? Sa likod ko, Janna yata pangalan nito at saka si Kevin, katabi niya. Katabi ko sa right ko, si David. Sa left, si Jamil tapos sa gilid ni Jamil si Rian. Sa likod nila Rian si Melany saka Angge magkatabi. Si Lykka, nasa kabilang side ni Rian. Gets? Bale first row din si Lykka. Nahagip nung mata ko si Jericho, nasa second row siya, dulo sa left side. Ayun, nagpakilala lang yung ibang subject teachers tapos konting free time, wala pa naman kasing lessons.
-After 2 weeks....
Masaya naman, close na ‘ko sa magkakaibigang Angie, Nini, Kaykay at Rian. Kaming lima ang palaging magkakasama. Pinakilala na rin nila ako kila Jules and Clarisse, friends nila from 7-St. Theresse. May iba rin akong kaibigan sa section namin, sila Alexia, Janna, Daniela, Ana, Maureen, Sophia, actually halos lahat sila. Pati boys. Masaya silang kasama.
Habang nag lelesson si Ms. Jenny, naisipan kong mag-ayos ng konti ng buhok. Nakasabit yung bag ko sa upuan ko kaya tumalikod ako para kunin yung salamin at suklay. Napatingin ako kila Nini tapos ngumiti siya. Ngumiti rin ako. Tapos napatingin ako kay Jeko, oo, Jeko na tawag ko sakanya. Nickname niya yun eh. Suot niya yung sky blue na salamin ni Janna. Nakatingin rin siya sa akin tapos kumindat siya. Medyo nailing ako kaya humarap na ulit ako. Binaba ko nalang muna yung salamin at suklay sa desk ko then tumingin kay Ma’am.
Na-lutang ako bigla. Ano yun? Bakit ganito yung feeling? Pinagpapawisan ako dahil sa kaba. Teka, bakit nga ba ako kinakabahan? May quiz ba kami mamaya? May recitation ba? Wala naman akong naalalang ganun.
“Ay wow! Famous! Hindi namamansin ang loka!” nagulat ako sa pagsigaw ni Angge sa tenga ko. Hindi ko napansin na nakalabas na pala si Ma’am Jen ng classroom namin.
“Nakakagulat ka naman!” sabi ko sakanya.
“Pano ka nagulat?” sabi niya.
“Ganto oh. 0_0” pagpipilit kong gawing nakakagulat yung expression ng mukha ko.
“’Wag mo nang ipilit babe, mukha namang laging gulat yung mukha mo.” sabi ni... O_O JEKO?! A-ano daw? Babe? H-hala. Eh d-iba hindi n-aman...---
BINABASA MO ANG
Never by the same flame
Teen FictionHindi 'to totoong mga pangyayari. Imahinasyon ko lang po ito. Twitter account: @dominicans1415