NEVER BY THE SAME FLAME 4
Author's POV
Oo. POV ko. Tinatamad talaga akong magtype at pagsunod-sunurin yung mga pangyayari. Kaya ilalagay ko na lahat ng mga nangyari dito.
Ang not-so-kwento ng buhay nina Sabrina Needan B. Fernandez at Jericho E. Mercado.
Monday. Alam na ng lahat. Oo ulit, yung tungkol sa crush ni Needan.
Medyo parang umiiwas si Jericho, pero inaasar niya pa rin si Needan.
Magulo. Pero natapos ang school year, walang pag-iibigang nangyari at palaging sinasabi ni Needan na wala na siyang feelings kay J.
Grade 8 life. Etong school year na 'to, nag-evolve si Needan. Hindi na siya araw-araw umiiyak, straight na rin ang buhok niya at MEDYO nabawasan ang pagkachildish.
Adviser nila si Ma'am Jenny at alam niya yung kina Needan at Jeko. Inaasar pa rin sila. Pero parang diring diri si Jeko kay Needan.
Nung minsan, PE day. Lunch. Binuhat ni Angge si Needan ng pa bridal style, (normal lang yun sakanila) tapos sumigaw ang Dominicans (section nila st dominic) na ipasa kay Jeko. Naglakad ng konti si Angge tapos nagulat siya nung biglang pumunta si Jeko sakanya at kinuha si Needan. Bale bridal style rin ang pagkakabuhat ni J kay N.
Akala nila ibabagsak niya lang si Needan pero nagulat ulit sila nang dahan dahan binaba ni Jeko si Needan. Kilig pwet naman si Needan. Pwe. HAHAHAHA JOKE LABYE BEH.
Nagiging close na rin silang dalawa.
One time, inayos ni Ma'am Jen ang seating arrangement ng dominicans. Magkatabi si Jeko at Needan. Sweet sila. Hindi naman totally pero maharot kasi si Jeko. Hinahawakan niya kamay ni Needan, tinatawag na babe and the like. Aakbayan, ganun. Pero ganun talaga. Maharot nga kasi.
Hanggang sa point na parang GF and BF duties ba. Yung pera ni Jeko, sa wallet ni Needan nakatago. Yung ID nila nagswap sila. Physically, yep bagay sila.
Hanggang sa nag iIloveyou si J sa text tapos makikiride si N. I love you too ganun. Minsan nga I love you more pa. Nagtatawagan ng babe. Pero parang biruan lang. Si Sabrina Needan, may feelings pa rin kay Jericho. Ineenjoy niya nalang yung nangyayari kasi pwedeng mawala lahat ng 'yun.Para na silang mag MU. Mutual Understanding? Magulong Usapan? Malanding Ugnayan? Mukhang Unggoy. Hahahahahahaha okay.
Merong parang dance party ang Highschool, which is hanggang hatinggabi. Sumayaw sila. Slow dance. Kiliiiiiiiiiig!
Nung araw ng fieldtrip, January 22, hindi natuloy. Kasi hindi dumating yung bus ng HS. Nauwi sa swimming ang highschool students.
Doon nangyari ang makasaysayang pagtatanong ni J.
Merong dinikit si J na papel sa may uupuan ni N nakalagay, "Can I court you?"
Daming keber diba. Kilig pwet naman 'yan si Needan. After thinking, pumayag rin siya.
Pero ako, bilang author, nasaksihan ko yung ka-ekekan nila. Hindi naman talaga ma-effort si boy. Pero ayaw naming pangunahan sila. Edi go. Minsan nga gusto nalang ng mga kaibigan nila na sabihin, "Ano bang effort ang nagawa niya para sa'yo? Magpaload sa kanto para magkatext kayo?" Unti unti nang narealize ng friends ni girl na kapag naging sila, first yun ni girl. At sigurado silang masasaktan 'to.
January 29. Natuloy na yung fieldtrip. Kanya-kanyang pili ng seatmate. At syemrpe, magkatabi ang dalawa. Nung nakakatulog na si Needan, sinandal ni Jeko yung ulo niya sa balikat niya. Habang nakapila sila sa Enchanted Kingdom, sabi ni Jeko kay Needan,
"Kita mo yun? Yung nakasulat dun?" tinuro niya yung nakasabit sa may anchor's away.
Tumango si girl.
"Nakalagay don't leave your things unattended. Ganun rin ako. Hindi kita iiwan."
Valentine's day. May dance party. Cold na sila sa isa't isa. Naghihintayan.
Umasa si girl. Sobrang umasa.
Never get burnt twice by the same flame.
Dun napagdesisyunan ni girl na hindi na magbibigay ng second chance.
Okay na rin. At least may natutunan siya. At least sumaya siya kahit kaunti.
Cliche? Yes. Sort of. Yung ibang stories, nagkakatuluyan.
Pero ito, dun nasabi ni Sabrina Needan na..
I won't let him hurt me again... Never. Never by the same flame.
A/N: Ayun. Pasensya na. Tamad talaga akong magtype. Daming naiisip pero tamad. Sorry K Tnx Bye.
BINABASA MO ANG
Never by the same flame
Ficção AdolescenteHindi 'to totoong mga pangyayari. Imahinasyon ko lang po ito. Twitter account: @dominicans1415