2ndContinuation#LifeisMyFamily

40 1 0
                                    


"Shiela, ba't ka umiiyak diyan?" Alam kong wala ng ibang taong nagtatanong saken ngayon kundi si kuya kasi ang tono palang nito na hindi nag-aalala yung natural lang na nagtatanong kung bakit?.

Patuloy parin akong humaguhol sa pag-iyak at si kuya ay lumakad na patungo sa loob ng bahay.

"Kuya?" Napatigil si kuya sa paghakbang ng sinabi ko pangalan niya.

"Huwag kang magsasayang ng oras sa pag-iyak diyan walang magbabago kahit ibuhos mo pa lahat ng luha mo ngayon" Sabi niya ng hindi parin nakatingin saken..

"Kuya puwede ba damayan mo muna ako ngayon? Kahit ngayon lang kuya?.. Iparamdam mo saken na makakahanap ako ng kakampi sa'yo..." Patuloy pa rin ako sa pag-iiyak habang sinasabi ko kay kuya ang lahat ng yun pero hindi niya pa rin ako nilapitan man lang, alo-in man lang sa hinanakit ko ngayon.

"Kasi kuya ang sakit sakit na sakit na... buong buhay ko hindi ko naranasan na magkaroon ng kakampi kasi sarili kong pamilya baliwala lang ako.. Mabuti ka pa eh.. Mabuti ka pa kasi naranasan mo kung papa'no ka mahalin, arugain at alagaan nina mama.. Eh ako? Kuya... Alam mo yan.. Alam mo yan na mula pagkabata ko hindi ko naranasan kay mama yan lalong-lalo na sa buwisit na Bertong yun.." Unti-unti kong nararamdaman na lumalapit na si kuya patungo saken...

"Tama na...tama na.. Shiela. Tahan na.." Tuluyan na akong napahagulhol ng marinig ko kay kuya ang mga katagang yun kasi sa kauna-unahang pagkakataon ay naramdaman kong may kasama ako, may kakampi sa laban na to...

"Kuya ba't kasi ang unfair-unfair ni mama andito pa naman tayo diba? Ang mga anak niya bakit parang wala lang tayo sa kanya? Ang gusto lang nyang makasama ay yung Bertong nang-iwan sa kanya. Bakit niya pinagkakait sa atin ang pagiging ina niya.. Alam mo ba kuya minsan naisip ko pa'no kaya kung mawala ako hahanapin kaya ako ni mama? Mag-aalala ba siya saken? Alam kong hindi.. Alam ko malabo niyang gagawin yon kasi sa palagay ko isa lang ang mahal ni mama at yun pa ang taong iniwan lang siya basta-basta... Naisip ko kasi kuya ang sarap kaya magkaroon ng ina. Kasi ako kuya inggit na inggit ako sa iba diyan na mahal na mahal ng kanilang mga ina. Inggit na inggit ako kuya gustong-gusto ko maramdaman ang nararamdan ng isang anak na may nagmamahal at nag-aalagang ina" Habang sinasabi ko kay kuya ang lahat ng mga hinanakit ko unti-unting humihigpit ang yakap niya saken at tuluyan na din siyang napahagulhol sa pag-iyak.

"Tama na Shiela ha? Tama na.. Malalampasan din natin to..Palagi mo lang tatandaan na mahal tayo ni mama.. Walang ina ang makakatiis sa kanyang mga anak. Mahal tayo ni mama manalig lang tayo.. Simula ngayon magdadamayan na tayo sa isa't-isa. Ipakita natin kay mama na hindi siya nag-iisa na andito tayong mga anak niya. Andito tayo at buong nagmamahal sa kanya..."

Kinabukasan nun masaya akong gumising kasi alam ko may karamay na ako at yun ay ang kuya ko. Parang nawalan ako ng isang tinik at gumaan ang kalooban ko sa pag-iisip ko nun..

"Oh bunso good morning!" bati ni kuya saken..

Si mama tulala lang habang kumakain ganito parati si mama kung lumabas man siya sa kuwarto niya tulala at pag tanghali nagsusugal, pag sumapit na naman ang gabi mag-iinom na naman ng alak..

"Goodmorning din kuya.. Kumain ka na ba?"

"Oo.. Kaya ikaw kumain ka na din diyan..Ipagsalin mo na lang din si mama at ako'y papasok na sa trabaho ko ha?" Pagbibilin ni kuya.

"O sige ingat ka kuya ha?"

"Mag-iingat ako parati bunso.. Tutuparin pa natin ang pangarap nating dalawa na magkaroon ng isang buo at masayang pamilya kasama si mama diba?" Naiiyak ako sa sinasabi ngayon ni kuya... Ang sarap-sarap isipin na may karamay na ako sa mga pangarap ko para sa pamilya namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WHAT IS LIFE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon