2nd:)#Life is My family.

36 0 0
                                    

We all know that family is the basic unit of a society traditionally consisting of two parents rearing their children..

Ganyan naman talaga dapat ang isang pamilya diba? Pero ewan ko kung ganyan ba talaga kami sa pamilya ko.

Wasak na wasak ang pamilya namin at hindi ko alam kung bakit ganito kami. Bakit hindi namin magawang maging masaya kahit sa isang araw man lang, kahit isang minuto man lang bakit? Bakit? Bakit?.

Ako si Sheila ang bunso sa napakagulong pamilya. Nakatira kami sa isang squaters area. Galit na galit ako sa mundo. Palagi kong tinatanong ang panginoon kung bakit araw-araw niyang pinapamukha saken, sa'min ng pamilya ko na malas kami, na wala kaming kakayahang mamuhay ng matiwasay, na kung bakit mahirap kami tapos hindi pa nagkakaroon ng matiwasay na pamumuhay. Hindi na bale  kasi na mahirap kami kung sana nagkakasundo lang.

Kasi sa pagkakaalam ko walang problema na hindi malalampasan basta't nagkakaisa lang kayo sa paggawa ng sulosyun nito pero parang binuhay talaga kami ng Diyos dito sa mundo na mas mahirap pa sa daga. Magulo na mahirap na mahirap pa.

Si mama walang ibang gustong gawin kundi mag-inom, magsugal at ang bunganga-an kami sa lahat ng kamalasang nangyayari sa buhay namin ngayon.

Lumaki nalang ako pero hindi ko naranasan kung papaano ako alagaan ng isang ina. Kung pa'no nya suklayan ang buhok ko. Lagyang ng bimpo ang likod ko pag pawis na pawis na ako.

Nagsimulang maging ganyan si mama nang iwan kami ni papa dahil sa kabit nya. Sabi ni kuya nung naka inom siya 3 yrs. Old pa lang daw ako nun ng umalis si papa sa bahay dahil sumama ito sa kerida nya. So, ngayon hindi ko na naaalala pa ang mukha ni papa. Hindi na din ako nagkaroon pa ng pagkakataon na makita ang mukha nya sa litrato kasi simula nung umalis si papa binasura na ni kuya ang lahat ng gamit nito para na din mas madali na siyang makalimutan ni mama.

Pero nagkamali si kuya. Sa katunayan nga galit na galit na galit si mama kay kuya dahil sa pag basura nito sa lahat ng mga natitirang gamit ni papa kasali na dun ang mga litrato nila kaya hanggang ngayon magkagalit sila. Hindi sila kailanman nagkikibuan pa.

Si kuya naman pinapansin lang ako pag may iuutos ito saken. Kaya himala na nung nagkuwento sya saken nung gabing naka inom siya. Nagpapasalamat na lang din ako sa pagkakataong yun kasi ngayon may ideya na ako kahit kunti kung anong nangyayari sa pamilya ko nun. Naaawa ako kay kuya kasi hindi man lang siya nakapagtapos ng elementarya at tumigil na siya. Nagtrabaho siya bilang isang construction worker. Siya ang nag sisilbing haligi ng pamilya namin na sana ito dapat ang responsibilidad ng walang kwenta kong tatay. Kung may isang tao man ang dapat sisihin kung bakit kami nagka ganto ay walang iba kundi ang buwisit na lalaking yon. Wala siyang kuwenta. Napakahina nyang lalaki.

Pero ang kita ni kuya sa walang kuwentang bagay lang din napupunta. Kinukuha kasi 'to ni mama para ibili nya ng alak at pangsusugal nya. Hindi makapalag si kuya kasi sa kabila ng lahat nagsisisi rin siya kung bakit binasura nya pa mga gamit ni papa. Nasabi rin yan ni kuya saken nung lasing siya na tinatanong nya sarili nya na kung sana hindi nalang kaya niya tinapon ang mga gamit ni papa, edi kaya ganto ang kahahantungan ni mama?. Alam niyo bang Nandidiri at naririndi akong tawagin syang papa habang sinasalaysay ko sa inyo ang buhay ko. 

Dalawa lang kaming magkapatid si kuya at ako. Si kuya ay dalawampung gulang tapos ako labing-walong gulang. Nag-aaral pa naman ako. 4th yr. High school pa ako ngayon na sana ay mag thi-third yr. College na sana pero dahil sa kawalan ng pang gastos lagi akong tumitigil sa pag-aaral peri ngayon sinumpa ko sa sarili ko na hindi na titigil sa pag-aral kahit anong mangyayari kaya pag araw nagtitinda ako ng basahan at dyaryo tapos pag gabi nag-aaral ako. Night High student ako at hindi naging madali saken ang lahat-lahat minsan hinihiling ko na lang sa Diyos na sana kunin na nya lang ako. Minsan kasi napaghihinaan ako ng loob kasi kahit pamilya ko hindi ko masasandalan sa kahirapang natatamasa ko ngayon.

Ang sakit-sakit lang isipin na sana sa panahon na naghihirap ako,kami dapat sana nagdadamayan kami sa isa't-isa

Naiinggit ako sa ibang pamilya na gaya namin na mahirap din pero masaya. Masaya sila kasi nagkakaintindihan at nagmamahalan sila. Iyan naman talaga ang importante sa lahat ang pagmamahalan natin sa isa't-isa.

"Hoy Sheila halika na nagsisimula na ang first subj. natin. Terror pa naman ng teacher natin ngayon" Si Megan ang best friend ko. Siya lang ang naging kaibigan ko dito sa school. Hindi ko kasi naka-ugaliang magkaroon ng maraming kaibigan kasi alam ko naman na hindi nila ako magugustuhan. Magulo at mahirap na pamilya ang kinaroroonan ko. Mahirap na makipag plastikan diba?.

"Sige Megs tayo na.." Nagmamadali kaming tumungo sa classroom namin..
Nang naka sulobong namin ang mga lalaking papansin na naman.. Halos araw-araw nila akong ginugulo at sinusundan. Mga sira ulo kasi naghahanap ng magpapalibangan.

"Hello Shiela ganda mo ngayon ha?" Sabi nung mukhang lider nila.

"Oo nga master Carl noh? Hindi siya mukhang basahan" sabi nung isa yong pinaka matangkad sa kanila. Tapos sabay silang nagtawanan..

Lumapit saken yong mukhang lider nila tapos hinaplos-haplos ang mukha ko... Hinayaan ko siya sa ginagawa kasi may naisip akong plano ngayon..

"Shielaaa.. Pagkatapos ng klase. Sabay tayo uwi ha? Punta tayo sa langit kung saan matitikman mo ang sarap ng buhay" Sabi nung Master Carl nila.. Na medyo may pang-aakit pang mukha sabay halik sa pisngi ko..

Tumitili at nagsisigawan na ang mga kasamahan niya. Tuwang-tuwa sila sa ginagawa nitong Carl. Si Megan naman nanginginig na sa takot kasi sa pagkaka-alam namin mga siga daw to sa school nato. Pwes!! Hindi ako natatakot sa inyo. Hinding-hindi ko hahayaan na mananalo sila saken sa pagkakataon na'to. Hindi ko hahayaang basta-basta lang nilang bastusin ang pagkatao ko, mahirap lang kami pero may yaman ako ang dignidad ko.

"Ohh.. Talaga?" sabi ko din sa pang-aakit na tono. 'kala mo ha.. Tingnan natin kung sino ang masasarapan ngayon.. Kung sino ang makakatikim ng langit ngayon.. Hayopp ka!

"Oo.. Sure na sure ako. Ano? alam kong papayag ka Shiela. Kasi alam ko buong buhay mo hindi ka pa nakatikim ng sarap." "Alam niyo ba mga pre?" Sabay tingin sa mga kasamahan nya habang hinahawakan parin ang kabilang pisngi ko. "Na si Shiela bagoong at gulay lang ang kinakain araw-araw at minsan hindi nakakain araw-araw eh..." Nasasaktan na ako sa sinabi nya kasi naaalala ko sina Mama at kuya. Kasi totoo naman talaga ang sinasabi nya pero hindi.. Hindi ako magpapatalo. Hindi ko ipapakita sa kanila na mahina ako... Lalabanan ko kayo mga walang pusong lalaki kayo.

Nagsimula ng dumami ang mga taong nakapalibot sa'min. Ang iba naaawa saken pero karamihan sa kanila tuwang-tuwa na nakikisali sa pangtutukso saken.. Ganito ba talaga sila!? Hindi ba nila alam na nakakasakit na sila ng tao. Masuwerte sila at hindi nila napagdadaanan ang sakit at paghihirap ko sa buhay. Ang sarap-sarap ng umiyak at talikuran silang lahat.
Pero kailangan maging matatag ako. Ngayon ang tamang pagkakataon na harapin ko silang mapangkutya sa pagkatao ng iba.

"Oo naman.. Sasama ako sa'yo. Siguraduhin mong masarap na masarap ang madadatnan ko sa langit na sinasabi mo ha?" Consistent pa rin ang tono ko sa pang-aakit. Kaya mo to Shiela labanan mo sila...

Naghiyawan ang lahat pagkatapos kung sabihin yon at ang Carl abot hanggang tenga ang ngiti nung gago.

"Sabi ko sa inyo mga brad eh.. Papayag talaga itong si Shiela kapus sa sarap ng buhay eh"
Pagyayabang nya pa sa mga kasamahan nya at sa mga taong nakapaligid sa'min...

"Pero.. May isang magandang kundisyon ako sayo .." Sabi ko sa kanya sabay kindat pa.

"Kahit anong Kundisyon my dear .. So ano yan?"

"Pumikit ka tapos hahalikan kita..." Binulong ko sa kanya para mas bongga ang kalalabasan at convincing para sa lahat. Makikita mo kung sino ang kinakalaban mo ngayon hayop ka.


"Are u sure hindi ka gagawa ng kabaliwan ha?" Ngiti-ngiti pa nyang tugon saken.

"Hindi ahhh... Sige na pikit ka na kasi.."

Pumikit siya lahat ng mga taong nakapalibot samin kasali mga barkada nya manghang-mangha sa eksenang ginagawa namin ngayon.


WHAT IS LIFE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon