Prologue
Happy Ending?
Sa mga taong may halaga ang buhay? malamang , Oo
Sa mga taong wala nang pakialam sa mundo? Wala
Sa mga taong umaasa katulad ko?... Siguro
Sa bawat oras na dumadaan, Oras-oras rin akong umaasa . Na balang araw meron rin akong sariling storya, Sariling love story. Sariling ending
Im Lalice Thania Dela Vega. 19 years old at working student
Chapter 1
" Tok tok tok " Housekeeping!
M,W,F ang trabaho ko sa hotel nato. Mabuti nalang at mabait ang may ari nitong hotel na tina tranahuhan ko.
" Housekeeping! " Reklamo ko, kanina pako katok ng katok dito ha.. Ano ba yan!. Magpapalinis ba talaga to?. My Ghad!
" Houseke.. ahh? ehh? Hello?. " Di ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang may lumabas na lalaki na naka.. Boxer short nang Barbie?!!.
" Anong kailangan mo? " Ma awtoridad na tanong niya sakin. ang taong naka check-in sa room nato.
" Housekeeping po sir "
Tinanguan niya nalang at hinayaan pumasok.
" Hon! Sino ba yan? " Sigaw nang isang babae. Lumingon ako sa kanan at meron babaeng nakahiga sa kama na kumot lang ang takip sa katawan. Alam niyo naman.
" Wala. Housekeeper lang. Tiara Bumangon ka na diyan at umalis na, marami pa akong gagawin. " Sabi nang masungit na to. ang rude naman nang pakikitungo niya. Kawawa ang babae. " At ikaw! ano pa ang ginagawa mo diyan? wag ka ngang tanga. Binabayaran ka dito para mag linis! hindi para makinig sa usapan nang may usapan. "
" S-sorry po s-sir " Oo, nauutal ako sobrang sungit niya kasi. Pinagpatuloy ko nalang ang paglilinis ko mahirap na baka mapintasan naman ako nung lalaking yun!. Bakla!
Patuloy lang ako sa paglilinis nang..
" Hoy! Lalisa! " Ano naman ang ginagawa nang babaeng yan dito. oras ng trabaho ahh.. tsk
" Bakit ba Marie? " Tanong ko.
" Gaga! anong bakit ka diyan?. Bat di mo sinabi sakin na dito ka pala naglilinis sa Room 301? " Problema nito?.
" Bakit? Ano bang meron dito at kailangan ko pang sabihin sayo? Aber?" Napalaki ang mata niya at napalagay sa harap ng bibig niya na parang gulat na gulat. May sayad na yata ang babaeng to eh!
" Oh. My. Gosh Konting konti nalang talaga at maniniwala na akong mas mahirap pa kayo sa manok! Hoy! Lalisa, basa basa rin ng magazine at nood nood rin nang tv pag may time! " Sabi niya ng nakapamewang. Eh sa hindi ako mahilig dyan eh at saka nakaka dagdag gastos lang yan.
" Talagang mahirap naman talaga kami. nkakadagdag lang yan ng gastusin ko. " Totoo naman talaga. Halos ibenta ko na nga ang sarili ko!. Joke lng. Ano ako? kahit mahirap lang kmi may dignidad parin ako no.
" Nakikita mo to?! ito pa? Yan! Ang mga iyan. Ha? Nakikita mo? " Sabi niya na pinapakita sa akin ang mga magazine at litrato nang lalaking naka check in dito.
" Lalice Thania naman! Siya man lang kasi ang isa sa mga pinakamayaman, Matalino at drop dead gorgeous na lalaki sa buong Pilipinas! Si Bridj Lance Asuncion! " Loka loka talaga to. pano nalang kung may makarinig sa amin dito?.
" Oh tapos? " Gulat na gulat na napatingin sa akin si Marie. Eh sa hindi ko talaga kilala . Malay ko ba sa bridj na yan.
" Grabe! I can't believe you! " Napa iling iling na sabi ni Marie.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Umuwi na ako dahil tapos na ang trabaho ko. Nakatira ako sa apartment nang kakilala ni papa, pero wala sya dito ngayon kasi nasa probinsya siya. Binuksan ko ang maliit na gate at pumasok na.
" Grabe ang gwapo talaga niya!"
" Oo nga, Dadating rin ang panahon na makikilala ko siya sa personal "
Liliko na sana ako sa kwarto nang may narinig akong nag titili. Sina Vern at Khala pala.
" Ano yan? " Lumapit ako sa kanila para makita kung sino na ang tinitingnan nila sa magazine
" Uyy! Lalice andyan ka pala. Si Bridj Asuncion! Ang Gwapo niya talaga! " Nagsisigaw na sabi ni Vern.
"Sikat na sikat yan! Grabe parang hihimatayin ako! Ang.. A-ng ngiti niya parang mabubuntis ako!
" ANO?! " Sabay kamin napasigaw ni Vern dahil sa sabi ni Khala. Grabe! Baliw na yata itong si Khala!
" Hoy Khala-pati! Akin lang c bridj! ayy sya nga pala Lalice sabay nalang tayo pumasok sa school sa lunes. " Sabi sakin Vern at oo scholar ako sa Interhigh University. Kaming tatlo
" Ok. Sige Vern, Khala akyat nako! " Nagpaalam na ako sa kanilang dalawa. hanggang dito rinig ko pa rin ang bangayan nang dalawa.
Hayy.. Sino kaba Asuncion? bakit kilalang kilala ka? Nakatulog na koa sa dami nang nangyari ngayong araw.