Hindi ko alam kung may mukha pa akong maihaharap sa Asuncion na yun. Di kaya ako naka tulog kagabi dahil sa kagagawan niya, Sinira niya lang ito. Mabuti nalang Martes ngayon at wala akong trabaho sa hotel dahil kapag nakita ko yun baka mabugbog ko nang wala sa oras ang pesteng lalaki na yun.
" Wala sa sarili na parang tanga. Gulo gulong buhok. Eyebags na 3 kilo plus nangingitim pa, Bale positibong naka hit hit ng katol ang loka. " Hindi na ako nag-abalang tiningnan pa ang taong nag sabi nito dahil kahit anong dilat nang mata ko kusa itong pumipikit. Wala rin akong pake kung ano ang mukha ko ngayon basta maka bawi ako ng tulog ko.
Halos wala pa sa isang oras ang tulog ko maaga naman agad akong gumising dahil may pasok pa ko. Yumuyuko lang ako sa desk ko at hindi ko na iniintindi ang pinag-uusapan nila Khala. Alam ko naman na siya yun, boses pa lang niya na parang nakalunok ng megaphone.
" Anong nangyari diyan? " Narinig ko pang tanong ni Vern kay Khala.Tinaas ko ang ulo ko mula sa pagkakayuko at sabay na tiningnan ko silang dalawa ng masama.
" Pwede bang tumahimik kayo? NAtutulog yung tao. "
"Talaga? Tao ka? Sa pagkakaalam ko mukha kang timang na zombie diyan at ang alam ko rin ang School pinag-aaralan, paaralan hindi tinutulugan. " Mahabng speech ni Khala sakin. Kasalanan to ng pesteng Asuncion na yun eh. Bumalik lang ako uli sa pag tulog at di na nag abala pang mag explain. Malapit na rin kasi ang time at kailangan ko pa ng lakas.Puyat po kasi ako.
" So, Matutulog ka nalang ba diyan? Wala kang balak mag explain kung bakit parang Zombie ka diyan? " Tinaas ko uli ang ulo ko para tignan si Khala.Nakataas pa ang kilay niya at nakahawak sa bewang ang dalawa niyang kamay.
" Puyat ako okay? Wag niyo nang itanong kung bakit. Mamaya na kayo mang-istorbo, hayaan niyo na matulog muna ako ngayon." Tumango tango na lang silang dalawa sa tabi ko.
7:00 na ngayon at isang oras nalang ang natitira sa pag tulog. Mabuti naman at hindi na ako kinulit pa nang dalawa. Hindi kasi ako pwedeng di makinig sa klase lalo't na major subject pa yun, strict pa kasi si prof. Angeles sa mga natutulog sa klase. Scholar ako kaya kailangan ko pang i maintain ang high grades ko.
Naisip ko naman ang nangyari kagabi. Bukas magtatrabaho naman ako ulit sa hotel, sana naman sa ibang room naman ako i assign o di kaya sa ibang hotel nalang mag chek-in ang Asuncion na yun. Nakarinig ako nang yabag papasok sa classroom, hudyat na yun na andiyan si prof. Agad akong umayos sa pag upo kahit labag sa loob ko at gusto ko pang matulog.
" Good morning class " Bati niya agad samin. " Ok, before we start for our new lesson, I have an announcement first. " Nagpatuloy lang si sir sa pagsasalita sa gitna. " I know that all of you already know Mr. Bridj Lance Asuncion. Am i right? " Tumango tango naman ang mga lalaki pero ang ibang babae halatang kinikilig na, parang nakaring lang ng pangalan ganyan na kaagad. Pero teka, biglang nagpantig ang tenga ko sa narinig ko kaya napa balikwas ako at napa upo ng tuwid. What the... ano naman ang problema nang lalaking yun?!
" Alam nating lahat na ang kanilang pamilya ang may ari nitong school at..... Yes Ms. Cavara? " Napatingin ako sa likod, nakita ko si Cavara na tumayo at may sinabi kay sir. Maganda naman si Cavara, sexy pano modelo at ang unique pa ng name niya.