Someone knows who killed my sister. Pero imbes na tuwa ang maramdaman ko dahil sa mayro'n pang pag-asa, takot ang nanaig sa'kin.
I'm afraid that I might fail. I might break down instead of standing for justice of my sister's death.
"Ayos ka lang?" Moriah asked but I didn't respond. I was just staring at somewhere while the scene kept repeating on my mind.
I felt an embrace coming from someone but it did not even made me flinch or anything. I was like a statue.
Hanggang sa hindi ko namalayan na gabi na ay nanatili pa rin akong tulala.
"I know you're not alright but remember, I'm always here, hmm?" Moriah hummed. I showed her a little smile as she caressed my shoulders.
Umuwi akong gulong-gulo ang isipan. Pinaghalong tuwa, kaba, takot at kalungkutan ang nararamdaman ko.
"You're a tough girl, Brielle. It's time." I patted my self trying to calm my heartbeat.
I opened my laptop and went to an encrypted folder that I never let anyone touch. Maraming sumubok, lalo na ang mga kaibigan ko pero hindi ko sila hinayaang mabuksan 'yon.
Napagkamalan pa'kong porn watcher at baka raw porn videos ang naro'n.
I was trembling while looking for the file at muntik ko pang hindi maalala ang password no'n dahil sinusubukan kong kalimutan ang araw kung kailan nawala ang pinakamamahal kong kapatid.
A131501 052017
Pinaghalo ko ang birthday niya at ang araw ng pagkamatay niya. Para kahit papaano ay may masayang ala-ala ako sa kaniya.
When I already had unlocked it, pictures that I have collected from the internent and hacked documents from the year **05.
Tears started trolling and I had expected this coming. Every single time I remember how my sister died, tears starts to pool.
Marahas kong pinunasan ang mga luha pero patuloy pa rin itong umaagos na parang irrigasyon.
Suminghot ako at nag-scroll down pa. Inulit it kong tinignan at binasa ang mga 'yon, nagbabaka sakaling may mahanap ako but still none.
Nakarating na'ko sa isang collage na pinaggagagawa ko no'n. 'Yong mga pictures na kinukuha namin kapag naiiwan nila 'yong mga camera at cellphone nila mommy tapos tatakas kami papuntang palengke kasi ipapadevelope namin.
At kung saan kami kumukuha ng pera?
May tindahan kasi ang tita ko malapit sa'min, mga dalawang bahay lang ang layo, do'n kami pupunta kapag wala sila mommy tapos manghihingi kaming pera o pagkain kay tita. Siguro naaawa siya sa'min kaya binibigyan niya kami ng two hundred kada araw.
"H'wag niyong sasabihin na binibigyan ko kayo, ha? Naku, malalagot ako kung nagkataon." she worriedly said na tinanguan ko lang.
"Salamat, tita!" masayang pagpapaalam ko at nakita ko naman na ngumingiti ang kapatid ko nang makita ako.
Pupunta kami sa pagpri-print-an ng mga pictures at ibibigay na lang ang cellphone at bayad. Iiiling-iling na lang ang nagtitinda sa'min kasi minsan kulang ang one hundred na bayad namin.
'Yong tirang pera ang pinapambili namin ng pagkain namin kasi minsan nakakaligtaan magluto nila mommy ng pagkain namin.
Hindi kami napagalitan kasi naka-tago lang lahat 'yon sa isang box ng damit namin na hindi naman nila pinakekeelaman.
Magagalitin sila mommy at ayaw na ayaw nila 'yong mga ginagawa namin. Pero kadalasan ang galit niya ay ipinapa-baling nito sa sugal o ano pa man.
Kapag madalas na wala sila mommy, mag-iiwan ng mga bilin 'yon na kapag 'di mo nasunod, bugbog ang aabutin mo.
Akala naming pareho normal lang 'yon. Na normal lang na saktan ka ng mga magulang. Kaya hindi kami nagsusumbong kahit pinagsabi man lang na sinasaktan kami.
Kaya masunurin kaming bata sa harapan ng marami.
Natawa ako sa isipan nang may biglang pumasok sa utak kong pangyayaring lagi naming ginagawa.
Kapag aalis na sila mama, gagawin na namin lahat ng trabaho maliban sa pagwawalis sa sala.
Tatambay muna kami ro'n ng ilang minuto. Magkakantahan, sayawan, kant—cantonan at iba pa.
Minsan maglalaro pa kami ng tagu-taguan kasi alam naming gabi pa darating mga magulang namin.
Pero isang araw, pa-chill chill lang kami sa sala nang makarinig kami ng tunog ng sasakyan.
Nagkatinginan kaming pareho at naging aligaga. Dali dali kaming nag-walis at nag-ayos ng mga kalat namin, pati ang remote ay naitago dahil napagkamalang kalat.
"Dalian mo, ate! And'yan na sila mama!" sigaw ng kapatid ko. Muntik pa itong mauntog sa may ilalim ng upuan.
"Dahan dahan!" palo ko siya sa kaniyang puwet.
"Aray!" inda niya pero hindi ko na ito pinansin at nagmadaling nag-ayos.
Nang makita medyo maayos ayos na ang paligid ay dali dali kaming lumabas upang salubungin sila pero natigil kami sa nakita.
Si Aling Marites lang pala!
Nagkatinginan kami ng kapatid ko at naiiling na tumawa. Jusko! Nag-panic kami para sa wala!
Ang saya. Ang saya saya. Mapait akong napangiti habang inaalala ang mga 'yon.
How I miss those moments.
But then remembering the scene, the tricycle driver was familiar. His eyes and furrowed forehead was similar to...this can't be!
"N-no... I-it can't be! H-hindi!" I shaked my head non-chantly and it became more aggressive.
Ayaw ko maniwala, pero baka siya nga. At kung tama ang hinala ko...'Yong lalaking sumugod kanina at 'yong tricycle driver ay iisa!
I need to find him!