"Congrats! Ate Nina, Kuya Brylle" we said in chorus bago kami lumakad papunta sa sarili naming lamesa to have our seat.
"Finally our matchmaking scheme is succesful...." Ivylane stated as we took our own seats.
Napatango nalang kami Colette atsaka binalingan ang sweet na newlyweds.
"See what I meant guys? Sabi na nga ba at babagay si Kuya Brylle ko sa ate ni Reesang si Ate Monina e." pare-parehas kaming napahagikhik nina Ivy at Collette. We're doing this matchmaking scheme last month and sadly to say, lahat yun ay palpak. We started by setting our targets on a blind date pero lahat sila kung hindi nagrarambulan habang naka-set ang in-arrange na blind date namin, nagpapalitan naman sila ng maaanghang na salita sa isa't-isa. That made the three of us aware... We set our blind dates in a fancy restaurant or in a five-star hotel. Compatible naman para sa isa't-isa ang mga napili naming imamatch, yet pumapalpak pa rin kami. Then, that's when we realized our big mistake. Walang mali sa setting ng date, or sa mismong target namin. Ang mali ay yung mismong paraan kung paano magkikita ang targets namin. Dahil hindi naman lahat ng lovestory ay nagsisimula sa blind date, diba? So Collete suggested why don't we do the opposite... Imbis na kami ang mismong maglapit sa imamatch-make, bakit hindi sila mismo ang lalapit at makakakilala sa isa't-isa unknowingly that it is all behind our pretty minds, diba?
So we tested it sa Kuya Brylle ni Collete at Ate Monina ko. Luckily, the two seems comfortable and happy with each other. Na-inlove di katagalan at kinalaunan, eto na nga... kinasal na sila. I'm sooo proud of ourselves :'D
"I think this serves for the three of us a celebration?!!"I asked habang nakataas ang baso ko na naglalaman ng pineapple juice.
Tumango naman silang dalawa pero maya-maya ay napa-pout si Colette "Nakaka-sad naman, tapos na ang matchmake natin mga Sismars" >3
"Ano ka ba, tamo ngang masaya na yung dalawang lovey-dovey saka ka malulungkot. Pero nung puro palpak tayo, nakangiting-aso ka pa?" sabi ni Ivylane atsaka umirap.
I chuckled "Don't worry girls, for sure makakahanap tayo ng bagong prospect para imatch-make" I raised my glass "Cheers for the success!"
"Cheers!!"
"Sorry Ate Nina, I'm late! By the way, congrats sainyong dalawa ni Brylle..." pare-parehas kaming tatlo na napatingin sa kakadating lang. Palibhasa, malapit lang kami sa main door kung saan pumapasok at lumalabas ang bawat bisita kaya nakikita namin ang bawat dumalo. Ate Niqs kept saying her best wishes to Kuya Brylle and Ate Nina, ang taong kadadating lang.
"Reesa, diba isang freelance writer ang Ate Niqs mo sa isa sa malalaking publishing company dito sa Pinas?"
"Oo. Napupunta pa nga ang mga gawa nya sa ibang bansa kaya mas palagi pa syang busy e."
"Pero diba kahit kelan wala pang nakaka-relasyon yang si Ate Niqs? Paano kaya sya nakakagawa ng mga magagandang stories, lalo na pag love story?"
I just shrug. "Ewan ko. Malay ko din ba kay Ate, man-loather ata yang kapatid kong yan. Pero ang sabi sakin ni Ate Nina, may nagustuhan daw si Ate Niqs dati, yun nga lang di nya alam kung naging sila ba o ano" pagkwekwento ko habang nakatingin sa Ate kong mag-isa at abala sa kung anuman ang ginagawa nya.
"Argggh!!!" Ivylane growled out of nowhere kaya naman parehas kaming napatingin ni Colette sakanya.
"Bakit? Anong problema Ivylane?" nag-aalala kong tanong kay Ivy dahil mula pa kanina, she kept on checking her phone every now and then.
"E kasi tong si Kuya antagal dumating eh. Hanggang ngayon wala pa. Nakakahiya naman kina Kuya Brylle at Ate Nina."
"Yung Kuya Drake mo? Yung magaling na photographer na nagtatrabaho sa favorite kong magazine??!! Migosh. Pupunta sya dito blah blah blah" Collette kept saying habang nagtwi-twinkle ang mga mata nya. Napailing nalang ako. Idol nya kasi yung Drake Alonzo which happens na Kuya ni Ivylane.
Bago pa man ulit ako makapagsalita, napalingon agad kami sa taong kadadating lang ng reception room na cool at with confidence na naglalakad na halos lahat ng babae o binababae e napapalingon talaga sakanya- well, except kay Ate Niqs.
"O ayan na pala ang Kuya mo eh." sabi ko.
"Teka lang ah," pagpapaalam ni Ivylane atsaka tumayo para puntahan ang kuya nya na nagcocongrats sa bagong kasal. Pagkatapos nun ay nakita kong hinatak nya ang Kuya nya sa isang gilid.
"Anya Collette..." tawag ko sa nag-iisang kasama ko
"Yep, Reese?"
"I found our new prospect now..." Nginitian ko si Collette na mukhang naguguluhan nung una pero na-gets naman bandang huli. Nilingon ko yung magkapatid na nag-uusap sa kabilang gilid, at ang Ate ko sa di kalayuan. Perfect.
Maya-maya pa bumalik na rin si Ivylane kasama ang Kuya nya atsaka naupo sa tabi ko. I searched my phone from my pouch atsaka nag-type.
To: Ivylane; Collette
We have a new prospects girls :)
I'll tell the details laturr...Sent!
Pagkatapos nun ay nginitian ko silang pareho ng makahulugan bago kindatan. In my peripheral vision, nakita ko ang Drake na bahagyang nakakunot ang noo. *smirk*
I'm sooo excited for another scheme... Hihihi.
BINABASA MO ANG
Painful Love
RomanceSabi nila... Love is Unpredictable Hindi mo alam kung saan at kelan mo ito mararamdaman. Minsan pa nga, nararamdaman mo na, hindi mo pa alam. May pagkakataon na yung taong nakasalubong o nakakasabay natin sa daan, sila na pala yung para satin. M...