Unang Pahina

30 4 3
                                    

Page One

Simula...

"Baka naman magkapalit na kayo ng mukha nyang librong binabasa mo, ha, Alys?"

"Niqs!"

Kakatapos pa lang ng sembreak naming mga 3rd Year. Pero itong kulot ang buhok sa dulo, sikat at magandang geek na kausap ko, eh nakikipag-close na agad sa hard-bounded Encyclopedia.

Sya si Allysa Lux Aldana, kilala bilang 'Alys' ng karamihan. Sya ang down-to-earth, mapagmahal, matulungin, palakaibigan, sikat at napaka-ganda kong best friend since birth.

Yun nga lang minsan nakakawalang-gana syang kausap kasi sa sobrang talino nya, turn off ang humor nya.

You know, talagang slow sya pagdating sa jokes, lalo na pag masyadong mamais. Aabutin ng light years bago nya ma-gets.

Naramdaman ko ang pagbagsak ng mabigat na bagay sa kaliwang braso ko. At pagkakita ko, isang nakalabing Alys ang nakatingin sakin, habang hawak-hawak nya yung hard-bounded nyang Encyclopedia na nakataas sa ere.

"What?!?!" I asked innocently.

Nag-puff ang cheeks nya. "Mean ka! Ano yung narinig kong talagang slow sya?? Ako ba yun, ha, Niqs?!"

Hindi ko napigilang hindi matawa sa inaasal nya. "Feeler ka din eh no?! Bakit natatamaan ka, Alys?" I smirked.

Nakita kong bumuka ang bibig nya ulit, pero bago pa sya magsalita, may isang halimaw, no scratch that-- may isang demonyito-- ang pumasok sa kanina'y sagrado naming silid-aralan.

"Hi girls, hi Alys! Good Morning."

Tinanguan lang sya ni Alys pagkatapos ngitian atsaka bumalik ulit sa pagbabasa sa Encyclopedia nya.

Ako naman hindi ko na naman napigilan, I rolled my eyes at him. Atsaka inilapag na ang bag ko sa may desk ko.

He's the kind of man I never go for it...

Ako nga pala si Monique Angela Ferrell. Isang average 17 year-old girl na pumapasok at nagpapakasakit araw-araw dito sa Nobel High. Hindi ako yung tipo ng babaeng conyo at masyadong girly. I'm just simple, carefree and normal girl na hindi mahilig mag-ayos, walang sense of fashion at mas gusto pang naka sneakers o rubber shoes imbis na mag sandals or heels.

At yung lalaking demonyong kararating lang. Demon sya. At malandi pa. Joke. Pero half-truth yun ah? Pero anyways sideways milky way, sya si Drake Milan Alonzo. Sikat din lalo na sa mga babae, dito sa Blind, este-- Nobel High.

Ewan ko ba naman dito sa mga kababaihan sa Nobel High. Naturingang may mga mata, hindi ginagamit. Bakit hindi na lang kaya nila ibigay sa cyclops at minions na iisa lang yung mga mata para may silbi naman, hindi yung ginagawa lang pang-display.

Seryoso, hindi ko talaga sila maintindihan. Oo nga at gwapo ang damuhong yun, messy lagi ang brown nyang buhok, maganda ang emerald green eyes nya at may pinkish lips na kissable naman, (Yuck! Pwe! I can't believe na sinasabi ko 'to) pero hindi ba nila nakikitang bukod sa mahangin eh napakaangas nya pa at masyadong bilib sa sarili?!?! Ugh! Stupid people.

Pagkatapos naming kumain ng recess ni Alys. Nagpaalam muna ako sa kanya na may pupuntahan lang sandali. Kaya ngayon, eto ako at naglalakad papuntang literature club para ipasa ang report ko na ginawa ko nung sembreak namin.

Pero napatigil ako sa paglalakad nang may marinig akong impit na umiiyak sa may di-kalayuan. Kaya naman sinundan ko ito, at laking gulat ko nalang nang makita ko si demonyito A.K.A Drake Milan at ang kaharap nitong girlaloo na nakasubsob ang mukha sa dalawa nitong kamay.

Painful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon