Ikalawang Pahina

6 2 0
                                    

Page Two

Blackmailed by the Demon...

"Leave my girlfriend alone, or else, hindi na kayo masisikatan ng araw pa...."

WTF??! At kelan pa ako naging girlfriend ni Drake Milan Alonzo??!!

Napatigil ang lahat, maging ako, sa sinabing kasinungalingan nitong mokong na 'to. Ano na naman ba ang balak ng isang 'to sakin?!?!

I looked up at him nang may pagtataka sa aking mukha.

"W-what the--!! P-Prince Drake, are you sure?! Etong babaeng 'to?!" Wow 'te ah, makaturo sakin. Eh mukha ka ngang payaso sa kapal ng make-up mo. Bwiset! -____-

Pero oo nga. Ako?? Seryoso?? Ano na naman bang trip ng demonyitong 'to sakin, ha?!

"Don't question my taste, barbie wannabes. She's better than all of you..."

I heard every girls growl as I saw them frown bago ako titigan ng tagos bone marrow.

"Sya?? Seriously?! Oh my gosh, ha! Nabulag na ba si Prince Drake natin??"

"I don't know. Bukod sa mukha syang suman dahil sa pagkakabalot ng damit nyang pang-manang, mukha rin syang dragonfly sa sobrang kapal ng lens ng salamin nya. This can't be true!."

"Ugh! Somebody please tell me this is not happening. She chose that ancient-like over me?! Just what the heck is happening here??!"

Iilan lang yan sa mga naririnig kong bulungan against me. Eh ako rin naman eh, sino bang may gustong maging 'boyfriend' ang isang Demon? Okay, lahat nga pala sila, pero never as in NEVAH in my concealed drop dead hot gorgeous sexy bodeyy. Hindi pa ako bulag 'no! Kaderder kaya yun. Like eeww?

Hinawakan ako ni demonyito sa may pulsuhan at saka hinila papatayo. "When I say 'run', you'll run. Understand?" bulong nito sakin

"Bitawan mo nga ako!" I shouted habang sinusubukang makawala sa pagkakahawak nya, dahilan para ang kaninang busy magchismisan na girls, eh natuon ang atensyon samin ulit.

"Oh my gee! They're gonna takas from us!"

"Great! Just great, Niqs!" singhal sakin ng katabi ko. And another minute, a wave of screaming and running insane girls are coming near us.

"Run!" Hinila na ako papalayo pa ni DM sa mga baliw nyang fangirls at saka tumakbo. Sinunod ko naman ito at hindi na nag-aksaya pa ng panahong lingunin ang mga humahabol samin.

Tumakbo kami ng tumakbo hanggang sa makarating na kami sa kabilang building. Grabe. Hindi pa ba napapagod ang mga 'to kakahabol samin?

Nagulat nalang ako matapos akong hilahin sa isang madilim na sulok pagkatapos ay takpan ang bibig ko. "Quiet, Niqs. Or they're gonna find us..."

Tanging ang marahas lang naming paghinga at ang kabog ng dibdib ko ang tanging ingay na nakapagitan saming dalawa. I don't know why, pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil sa kakatakbo namin kanina pa, sa mga humahabol saming mukhang takas sa mental, sa adrenaline rush o ano.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Painful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon