CHAPTER 3

1 0 0
                                    

Mabilis na nag asikaso ng gamit si charles.muling binuksan ang kanyang  celphone at tiningnan ang larawan ni jean.
"Haiisstt,ngayong wala ka dito magagawa ko nga ang lahat ng naisin ko."bulong niya sa sarili.
((Pre ano ba ang bagal mo naman))sigaw ni delfin
((Oo,sandali palabas na ako)) sagot ni charles.
Pag labas ni charles,nasalubong niya ang kanyang ina.
"Ma...labas muna kami ng kaibigan ko ha..night swimming yun wag niyo na akong intayin dahil bukas pa ako uuwi.babye na muna,pag tumawag si jean wag mong sasabihin na nasa gala ako ma ha? Sabihin mo nalang na natutulog na.i love you ma dito na kami"pamamaalam ni charles habang mabilis na naglakad papalayo sa pintuan.
Lulan ng kotseng luma mabilis na pinaandar ni delfin para hindi na mapigil pa ng nanay ni charles.
((Aalis na po kami tita byeeee))sigaw ni delfin sa ina ni charles.
Isang metro ang layo ay agad  na nag palit sina pwesto si delfin at charles.
"O ikaw na ang mag maneho,kailangan ko matulog at magkikita pa kami mamaya ni pauleen."anas ni delfin
"Bahala ka ha sagot mo ako,wala akong lisensiya"sagot naman ni charles.
"Gehhhhhhh.....".
Habang nag mamaneho si charles ay nag message si pauleen sa messenger.
"Kitakits mamaya?"
Kinuha ni charles ang celphone at agad na dinelete ang message,Napangiti ng bahagya at muling itinuon ang mga mata sa kalsada habang nag mamaneho.
"Pre,pag pinansin ako si pauleen mamaya talagang didiskartehan ko na ng todo yun."anas ni delfin.
Tumingin sa back mirror si charles.
"Paano pre kung di ikaw ang type?iba pala anong gagawin mo?."tanong kay delfin.
"Edi wala.maghanap ng bago.i enjoy ang swimming habang nagiinuman,ganun lang!? Bakit sino ba sa tingin mo ang type ni pauleen?".
"Wala naman pre,tatanong lang ako."sagot ni charles.
"Naku kung ikaw ang type ni pauleen,isusumbong kita kay jean...sasabihin ko may babaeng aaligid aligid saiyo para umuwi na si jean dito at mag rumble kayo hahahahha."sabi ni delfin
"Naku!, ikaw talaga."anas ni charles
Napaisip si charles.marahil kung nandito nga si jean ay di niya magagawang sumama kau delfin dahil magiging masalimuot ang pag aaway nila ni jean,mabuti ng umiwas siya sa gulo kaysa pagtalunan ang mga ganung bagay,.peto dahil wala nga sa pinas si jean ay magagawa na nito ang nais niyang gawin.lumiko pa sa isang kanto at dumiretsong iskinita sa highway sina charles.madlim sa kantong bahagi kaya marahan siya sa pag mamaneho.
"O pre malapit na tayo,pauleen here we comes."anas ni delfin
Isang liko pa kanan ang ginawa ni charles at natunton na nila ang private resort na sinani nina pauleen.
"Yahoooo....pre andito na tayo...teka teka asan na ba ang pabango ko...oi pre bago tayo pumasok magpalit na tayo ng pwesto dali."anas ni delfin.
iiling iling si charles pero sinunod niya ang nais ni delfin.agad na lumabas ng kotse at lumipat sa backseat.bumusina si delfin at pinapasok ng bantay ng gate.pagpasok nila ay kumakaway sa malayo si pauleen.lumapit ito sa kanila.
"Atlast nakarating na kayo.....hi charles."anas ni pauleen.
"Hi pau....minadali ko pagmamaneho para matunton agad ito."sabat ni delfin.
Tumingin lang si charles kay pauleen at simpleng ngiti ang igonanti sa babae.
"O ano pang ginagawa niyo dyan tara na kanina pa nag wawalwal ang mga tropa e."anas ni pauleen habang nakatingin kay charles.sige i ppart lang namin ito.susunod na kami cutie."sagot ni delfin.nang maayos ni delfin ang kotse ay agad na bumaba ito at nakiusap kay charles na bitbiyin ang mga naiwang bagahe para sa okasyong iyon.
"O pre ikaw na ang bahala dyan ha puntahan ko muna ang mga tropa,kanina pa daw sila dito eh.bahala kana dyan...o ito na ang susi i lock mo kotse pagkatapos ha."sabay baba ni delfin at nag tungo agad sa kubong pwesto kasama si pauleen.
Maayos na pinarke ni charles ang kotse,pagbaba niya ay sumalubong uli sa kanya si pauleen.
"Okey na ba? Tara na!." Anyaya ni pauleen.
Tumango lang si charles at sumabay kay pauleen pabalik sa kubo,inangkla ni pauleen ang kanyang braso sa braso ni charles.nahiya naman si charles na tanggalin ang pagkakaangkla ng braso ng dalaga.
"Bakit parang nanginginig ka takot ka ba sa akin?." Tanong ng dalaga.
"Ah...hindi a.kinakabahan lang ako at nahihiya lang kasi baka tuksuin tayo pag dating natin duon."paliwanag naman ni charles
"Hayaan mo nga sila.okey lang naman sakin na tuksuin tayo."anas ng dalaga.
Hindi na nakaimik si charles hanggang makarating sila sa kubo.naghiyawan ang mga iilan ng sila ay makita.
((Oiiii.... parang ikakasal na o.)) Hiyaw ng isa.
((Wow bagay ahhhh...wiwiittt))buska naman ng isa pa
((Pre sama ako lima hahahaha))
Dahan dahang lumayo si charles para mawala sa pag kaka angkla ni pauleen subalit hinatak siya pabalik ni pauleen sa bisig nito.
"Hayaan mo lang sila ano ka ba mga palabiro lang ang mga iyan."anas ni pauleen.
((Hey guyz bagay ba kami??.))tanong ni pauleen sa nakakarami.
((Pau....mas bagay ka sa akin)) hiyaw ni delfin
((Utot mo.dito nalang ako kay charles kaysa mapunta saiyo))bawi ni pauleen
Nagtawanan ang grupo at napakamot nalang ng ulo si delfin.nang makaupo na sina charles at pauleen ay agad na nag tanong si delfin.
"Pau....ano bang meron tong kaibigan ko na wala sakin ha? Di hamak naman na torpe ito kaysa sa akin?."
"Exactly delfin,yun ang wala saiyo.may kahihiyan itong si charles ikaw wala na hmf!."sagot ni pauleen
"Arayyy...ansakit ha.basted agad ako wala pang ligaw.di ba pwede paligaw ka muna bago ako bastedin?saka may jowa na yan pau habang ako single and ready to mingle o."anas ni delfin
"Mabuti ng ngayon palang mabasted kana para di kana umasa delfin,di ba pau?."sagot naman ni yuan,kaibigan ni pau.
"Tama.korek.ayos."sabay apir ni pauleen kay yuan.
Sumimangot si delfin,habang si charles ay patay malisya lang sa naririnig
"Pwede po paabot ng baso na may coke nauuhaw na kasi ako"anas ni charles

I Cant Tell You GoodbyeWhere stories live. Discover now