Prologue

12 0 0
                                    

Prologue

February 1953

LIMANG tao ang nakatanaw sa ginagawang gusali habang nakasilong sa puno ng acacia. Malapit na iyong matapos, isang lingo na lang at ganap na bubuksan na nila iyon. Labis ang kasiyahan nilang lima, lalo na siya.

Matagal na nilang pinapangarap ang pagpapatayo niyon. Masyado ng matagal na pinangarap nilang mabuo ang nasa harapan nila. Marami silang pinagdaanan at sa wakas, natagpuan na rin nila nang kaganapan ang pangarap. At malaki ang pasasalamat nila kay Kenneth Aragon na siyang nagbigay ng malaking salapi upang matupad ang kanilang pangarap. Ngunit kasabay ng ligaya ay may kalakip na lungkot sa kani-kanilang puso.

“Hindi ko akalaing matutupad na natin ang pangarap natin.” Namamangha pa ring wika ni Jacinto, naaalala niya ang anak na si Hannah. Gusto niyang pag-aralin ang anak niya rito.

“Kapag tapos nito ay mas magiging abala na tayong lahat.” Ani ni Rosa, ang tanging babae sa kanilang grupo. Magkakababata silang lahat at iisa ang edad. Iisa rin ang kanilang katayuan sa buhay, lahat sila ay isinilang na may kaya sa buhay.

“Maaari mo ng pag-aralin ang mga anak mo rito kapag lumaki na sila. At makakaasa kang libre ang kanilang pag-aaral.” Si Lucio kay Rosa. Kahit kasi lahat sila ay may kaya nang isilang, ay iba sa kanila si Rosa. Ito kasi ay isinugal ng magulang nito ang kabuhayan ng mga ito kaya naman naghirap ito, na siya ring naging dahilan ng pagkamatay ng mga ito. Hindi rin nakatulong na nagmahal ito ng mahirap. Pero dahil kaibigan nila ito ay gusto nilang tulungan ito, lagi lamang silang tinatanggihan nito.

“At anong malay mo ay mahulog ang loob ng panganay mo sa aking nag-iisang anak.” Si Leandro na gustong patawanin si Rosa.

Natatawang nagpunas ng mga mata si Rosa. “Maraming salamat. Kung puwede lang sana… L-Leandro, ayokong ipagkasundo ang ating mga anak, gusto kong magmahal sila at magpakasal nang may laya.”

“S-sana nagkaroon din kami ng kalayaang magmahal. S-sana may anak na rin ako…” si Amarillo na nang lingunin nila ay namamasa na ang mata. “S-sana… sana ay mapag-aaral ko siya rito…”

Nagkabikig ang mga lalamunan nila. At nang yakapin ito ni Rosa ay hindi na rin sila nakapagpigil na yakapin ang kaibigan. Hinihiling nilang sana ay mabawasan ang kalungkutan nito sa dibdib kapag nabuksan na ang eskuwelahang nakapangalan sa minamahal nito. Ang Paaralang Esmeralda.

Heritage Book 1 - SpellboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon