Chapter 2
PILIT sumigaw ng malakas si Krizza, ngunit alam niyang parang ungol lang ang lumabas sa kanyang bibig. Hinihingal na nilingon niya ang paligid. Walang tao roon, lalo na at pagabi na. Nahuhuli lang sila sa eleksiyon kaya sila na lamang yata ang naroroon sa eskuwelahan. At hindi siya magtatakang walang pupunta roon dahil siya lang yata ang may paboritong lugar doon.
“Huwag!” si Lisa na pilit pinipigilan si Gina.
“Akala ko ba ay kakampi ka namin? Kung kakampi ka namin ay hayaan mong pagbayaran ng babaeng ito ang pagka-bitchy niya.” singhal dito ni Bianca.
Nagmamakaawa ang tinging ipinukol niya rito. Parang nanghina siya nang bigla na lamang itong tumakbo palayo. Hindi na niya maaasahan ito. Takot din ito kay nila Bianca at Gina. At hindi rin niya maiwasang matakot nang makitang tila demonyitang nakangisi ang dalawa. Hawak ni Bianca ang kamera niya.
Nanigas siya nang mapagtanto ang gagawin ng mga ito, dumaloy ang mga luha sa kanyang mata sa panlulumo. Nalaglag na ang kanyang palda at tanging cycling niyang maikli ang suot niya. Mukhang gaganti ang mga ito sa paraang nakapagpa-kick out sa mga kaibigan nito, sa kanyang pagkuha ng litrato na siyang naging ebidensiya sa pambu-bully ng mga kaibigan nito. Naramdaman niya ang kamay ni Gina sa butones ng blusa niya -
“Anong ginagawa n’yo?” kalmado ang boses nang nagsalita ngunit naroroon din ang panganib at banta sa boses nito. Nang lingunin niya sa nanlalabong mga mata ang nagsalita ay nakita niya si Train na papalapit sa kanila. Nakaramdam siya ng relief na dumating ito bago pa man siya makuhanan ng litrato ni Bianca.
At bago pa man niya mapigilan ang sarili ay nawalan na siya ng malay. Tila hinintay lang niyang may magligtas sa kanya bago siya tuluyang gapiin ng takot.
HINDI pumayag ang magulang niya na hindi sabihin sa principal ang nangyaring pambu-bully sa kanya dahil na rin sa sirang uniform at mga sugat na natamo niya. Kinailangan din niyang idawit si Train dahil ito ang witness sa pangyayari.
Kaya naman suspended sila Bianca at Gina, dahil maimpluwensiya ang mga magulang ng mga ito ay hindi tuluyang na-kick out ang mga ito. Hindi nadawit si Lisa dahil hindi naman talaga ito nanakit sa kanya. At hindi rin naman ito nakita ni Train.
Si Train na ngayon ay hindi pa niya muling nakakausap. Hindi na niya malaman ang mga nangyari pagkatapos niyang mahimatay ngunit ang alam lamang niya ay dinala siya ni Train sa clinic nila.
Napabuntong-hininga siya. Gusto niyang tanungin ito kung ano ang sumunod na nangyari ngunit nahihiya talaga siya. “Penny for your thought?”
Gulat na nilingon niya si Train. “A-anong ginagawa mo rito?” Bigla ay tila binibingi siya ng kabog ng puso niya.
Bahagyang ngumiti ito. “Bakit kaya ang mga tao, kapag tinanong ay sasagotin din ng tanong?” tila natigilan ito. “Oh, wait, parang sinagot ko ulit ng tanong ang tanong mo.” Natatawang wika nito.
Hindi tuloy niya maiwasang matawa na rin. “Iniisip ko lang ang mga nangyari. Hindi pa kasi kita nakakausap at natanong tungkol sa nangyari.” Napakunot-noo siya nang mapansing namula ito at dumako sa may binti niya ang tingin nito. Pinaningkitan niya ito ng mga mata. Naramdaman niya ang pamumula ng mukha sa naisip.
Nagtaas ito ng mga kamay na tila nabasa ang nasa mga mata at isip niya. “H-hinahanap talaga kita noon. I didn’t do anything. Umm… h-hindi ko naman sinasadyang… na-nakita ko ang binti mo. A-at wala rin akong magagawa kung hindi buhatin ka nang sandaling ‘yon. Amoy strawberry ka pala.” nag-iwas ito ng tingin sa kanya, tila hindi sinasadyang naiwika nito ang huling salita. Mas namumula rin ang mukha nito.
BINABASA MO ANG
Heritage Book 1 - Spellbound
RomanceAng istoryang nagsimula sa nakaraan....... naitanong mo na ba sa sarili mo kung ano ang ugat mo? kung sino ang mga ninuno mo? baka panahon na para alamin mo.... baka hindi mo pa alam na ang ugat mo ang nag-uunggay sa iyong hinaharap...