1. DONUT

146 1 0
                                    

Chapter 1

DONUT




"Miley, nandyan na ang school bus mo. Hurry up!"


Argh! Here we go again. Why do I need to go to school in this early?! It's just 7:00am! Then they tell me to pay attention in class? How would I do that if it's soooo boring there and I am soooo sleepy!


"Miley, bitawan mo na 'yang PSP na 'yan. You need to go to school."


Binitawan ko nga ang PSP ko at hinarap sya.


"Mommy, can I absent? Just for this day, please?"


"No, you can't. First day of class ngayon. Hindi ka na bibigyan ni teacher Aya ng star kapag hindi ka na naman pumasok, sige ka." Banta pa nya sakin.


"What will I do with those stars? Nabubura lang din naman 'pag naliligo ako!" Padabog kong sabi.


"MILLICENT!" Pinandilatan nya ako. Naku pag buo na ang pangalan ko, isa lang ang ibig sabihin nyan. No choice na ako.


"Okay Mom. Whatever." Tumayo naman ako at iniwan ang mga nilaruan ko. Nakabihis na ako at nakaayos kanina pa. Na-late lang ang school bus kaya ayan, naglaro nalang tuloy ako.


"Miley!"


"Yes, Mom?" Nilingon ko sya nung palabas na ako ng pinto.


"Pay attention in class, okay? And don't do nasty things again."


I rolled my eyes. Araw-araw nalang 'yan ang sinasabi nya. Blah blah.


"Okay, Mom." Kiniss ko sya sa cheeks at pumasok na sa school bus.


"Hello classmates, my name is..." Blah blah blah. Nakaka-bored naman. Bakit kasi  kailangan pa ng introduction na ganito isa-isa tuwing first day of school? Eh grade school palang naman kami! Grade two to be exact. We have a lot of years to get to know everyone in this room, right? So, bakit kailangan pa ng formalities?


"Miley?" Nilingon ako ni teacher Aya. Oo, kilala na nya ako kahit first day palang. Pangalawang balik ko na kasi ng grade two kaya ganun. Kung bakit? Alam nyo na siguro ang sagot kaya 'wag nyo nang itanong.


"I'm Millicent Dela Rosa. Call me Miley. I'm 9 years old, so I'm a year older than all of you. I hope I get the respect I deserve. That's all." Nginitian ko sila. 'Yung iba parang nagdadalawang-isip pa kung papalakpak. 'Yung iba naman sumama lalo 'yung mukha sa narinig nila.


Nilingon ko si Teacher Aya at umiling-iling sya. "Miley honey, we'll talk later, okay?"


"Are we not talking now, teacher Aya?"


Nagkamot ng batok si teacher. May kuto ba sya?

The Casanova's Sassy Sweetheart.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon