Luisa Guadalupe
Padabog na ibinaling muli ang sarili sa kabilang gilid ng higaan. Sa pagpikit ng mga mata ay pilit kong huwag hayaang bumuka itong muli
Nagdaan ang ilang segundo, minuto? Baka umabot na naman ng ilang oras? Ay hindi ko parin magawang makatulog. Hinayaan ko lang namang maglaro sa aking isipan ang mga pantasyang gawa-gawa ng aking utak. Hindi ko na tuloy namalayang napasarap ang pagday-dreaming.
Napag-isipang ibuka ang mga mata, agad na dumapo ang tingin sa nakabukas na bintana. Ang malikot na kurtina na nahahawi sa tuwing umiihip ang hangin
Sa labas, nakikita ko ang kalangitan. May pagkamadilim pa ang kalangitan ngunit masasabi mong paparating na naman ang araw. Nag-uunahang nagkikislap ang mga bituin na animoy binibigyang liwanag ang buong kalangitan
Pagod ko na namang pinagmasdan ang pagsikat ng araw.
Another different day, same bullshit
Tumama ang liwanag sa aking pagmumukha na siyang aking mas kinainis kaya napagpilian nalang na bumangon. Para na namang inikot ang buong mundo sa aking pagtayo kaya kinalma ko ang sarili ko bago lumabas ng kwarto
Nasa hagdan palang ay naamoy ko na ang masasarap na putahe na niluto ni Mommy. Focus she really is, she didn't seem to notice my presence
Napangiti ako sa aking nakita. Kahit bad trip ay nawala dahil sa mga pagkain na nasa hapag. "Oh ang aga mo namang gumising." My mom commented
I fake my smile. And she immediately got my point. She heavily sigh before she turn her back to me "I told you already to start taking sleeping peels Lui."
"Ayaw ko pang maging adik"
"Di ka naman magiging adik pag dinisiplina mo ang sarili mo"
Napailing-iling nalang ako. "We can't exclude the fact of getting addicted to that drug my. Baka magustuhan ko at di ko na mapigilan ang sarili kong maadik"
"You're overthinking again baby" she giggled
"My naman! I'm 18 already! Not a baby anymore!"
"Baby ka parin namin kahit may baby Luicia na kami." Sumingit si Daddy habang karga ang bunso kong kapatid. Pababa na sila ngayon sa hagdan. Inupo si Luicia sa tabi ko at hinagkan ang noo ng kapatid ko. He did the same to me at dumiretso naman agad ang Daddy kay Mommy na ngayo'y ginawaran ng halik sa pisngi
Kinda sweet.
Usual morning routine for the family. Usapan bago kumain. Usapan parin kahit kumakain. Except for me. Nanatiling tahimik lamang sa hapag na syang hindi naman ikinagulat ng pamilya.
Luicia keeps the atmosphere alive. She keeps on talking about how ready and excited she is today. Meeting new people, seeing the new environment, learning new for this day. She keeps on babbling nonsense things yet adored by my parents.
"Tas maganda kaya ang room namin sa school Mommy?" Luicia asked in delight
"Di ko alam baby ih. Hmm, maybe. Let's say maybe lang muna okay?"
"Ikaw ate? Excited-"
"I'm not. Finish your food Luicia. Ang ingay mo, kanina ka pa." I uttered without raising my head to face the family. Biglang tumahimik ang bahay pero ipinagpatuloy ko parin ang pagkain
I heard my dad sighed. "Luisa, I don't like that attitude. She's your sister! Stop being rude acting like a brat!"
"Tama na. Nasa harap ng pagkain nag-aaway. Kaunting respeto naman." My mom calmly said