FOUR

12 2 0
                                    

FIRST MET

»Patricia's POV«

Kanina pa tong ingay nila kaya di ko na sila pinapansin..

Sa totoo lang, etong kasama kung lalaki, umiiba ang pakiramdam ko. Di ako komportable. Parang umiiba ang atmosphere ko sa kanya. Dahil siguro sa naninibago ako. First time kung makipag-kaibigan sa isang katulad niya.

Andito na kami sa canteen. At di na nila inaasahan na nandito na kami dahil sa kanina pa sila nag-iingay. Nagpipila na sila sa counter ngayon, ako naman naghihintay sa kanila. Wala kasi akong ganang kumain. Pero di naman sa nag-dadiet ako. Wala lang talaga akong gana.

Sa kakahintay sa kanila nang matagal, naalala ko yung mga bestfriend ko sa dating paaralan. Tatlo silang mga bestfriends ko sina Gina, Nikki at Mariel. Wala kaming tawagan gaya ng bhestie o best. Wala. Pangalan lang pero sila ang mga nakilala kung makukulit at medyo seryoso. Pero ang mas seryoso saamin ay si Mariel. Ang ayaw lang nila sa'kin ay ang pagiging OA ko. Kaya iniiwasan ko na lang ipakita yun. Masaya na sana kami noon kung di lang sa section namin na nagpababa ng mga grado ko. Sinabi ko rin sa kanila at tanggap din nila. Sabi nila para din ito sa pangarap ko at sa suportang binibigay ng tita ko sa'kin. Miss ko na ang lahat sa kanila.Yung mga tawa nila na ako na ang kawawa sa kakatukso nila sa'kin. Yung araw na naghiwalay ako sa kanila dahil sa naiinis na talaga ako. Pero ang nakakatawa sa kanila ay ang pagmamakaawa nila sa'kin. Yung lagi nila ako hinihingian ng papel kahit limang piraso na lang. Yung tinutukso nila sa'kin sa crush ko o sa manliligaw ko at ganun sa kanila. Yung pang-aagaw ko kay Mariel ng kulay skyblue na keychain. Yung nanghihingi si Nikki ng pang-pera kasi naubos niya na daw sa kakabili nila ng pagkain. At si Gina na nagchichika sa'min ng mga tungkol sa crush niya. Miss ko na talaga sila. Ano na kaya ang ginagawa nila dun? Masaya ba sila? Miss na din ba nila ako? Kasi ako miss na miss ko na sila eh. Di ako masaya kasi wala sila.

Paalis na sana kami nang....

"Aray" napahawak ako sa ulo at naka-upo sa sahig dahil sa nabangga ako.

"Sorry" malamig niyang sabi at pumila nasa counter.

Teka! Siya din yung lalaking nag-sigaw kila Gayle ah.

Tumayo ako at nag-ayos.

"Tara na nga" malamig na sabi dahil sa inis.

Matapos nilang kumain ay ilang sandali, dumating ang English teacher namin. Pinasulat kami ng guro namin ng pangalan, edad, b-day at favorite hobby.

"Class are you finish?"

"Yes, mam!"

"Which one of you will introduce itself?"

Tumingin ako sa likod, gilid at harap kung sino ang mauuna sa kanila. Sa tingin ko wala naman interesado dahil halatang nahihiya pa sila. Ako na lang kaya. Tatayo na sana ako sa armchair ko pero may nauna sa'kin na pumunta sa harap.

Pero nanlaki ang mata ko...

"Good morning guys, my name is Dexter John Bartolome. I'm 14 y/o. I'm from ****** St. ****** City, and my favorite hobby is drawing."

Mabilis siyang nagsalita at ako namang nakatunganga na nakikinig sa kanya. Pero infairness, maganda siya mag-english.

"Another else?" tanong ng guro namin na wala nang pumunta sa harap.

Ako sana kaso nang pumunta yung Dexter na yun. Lumabas ang kaba sa sarili ko. Sa wakas, may pumunta na sa harap. Dahil sa naboring ako tumahimik sa kanila ay nagawa kung magpatawa habang nagsasalita ang isa naming classmate.

"Wala akong marinig. Volume pls?" habang nag-aact na kunwaring nilalakasan ang tuno ng kaklase namin.

Tumawa ang mga kaklase ko sa ginawa ko kaya napatawa na rin ako. Di ko inexpect na magagawa ko dahil sa di naman ako napapatawa sa mga dati kung kaklase nung nakaraang taon.

"Ba't ganun parin? Siguro sira 'to? Remote na nga lang.." habang kunwaring namang pinipindot ang imaginary remote.

Gumaya na rin ang isa kung seatmate sa ginawa ko. At nang nawala ang kaba ko. Ako naman ang tumayo sa harap ng klase. Inakbayan ako ng guro ko. :-)

"Good morning everyone! My name is Patricia Jane Madrigal, I'm 14 y/o. I'm from Brgy. ******, **** City, and my favorite hobbies are reading ebooks or wattpad and surf the net." habang nakangiti sa kanila.

"Aba! Confident." -Lawrence

Ngumiti na lang ako.

*FF

(A/N: Boring na kasi ang iba kaya FF)

Natapos ang klase namin. Kumain na rin ako nang lunch sa school kasi may dala akong lunchbox. First time ko din kumain ng lunch kasama ang mga kaklase ko. Masaya. 30 mins. dumating si Dexter. Umingay din sya sa loob ng room pero di ako namamansin sa kanya. Tinukso niya yung babaeng kaklase din namin. Tinignan ko lang naman sila at ngumisi. Eto ako ngayon, umuupo sa kinauupuan ko at tumitingin sa kanila. Si Dexter ay nasa bintana sa labas habang ang kaklase naming tinutukso nya kanina pa ay nasa loob ng room sa tabi ko. Maya-maya ay may kinuha yung kaklase ko sa upuan na libro kaya umupo ako sa upuang kinauupuan nya din kanina. Hindi ako sa labas tumingin dahil alam kung nasa tabi ko sa labas yung Dexter na yun. Nang may kinuha naman yung kaklase ko ay tinignan ko kung ano ang kinuha niya nang may sumabing...

"Christine, virgin ka noh?" sabi ng katabi kung maingay. =_=

"Ano yung virgin?" -Christine

Napatawa silang lahat kaya napatawa na rin ako maliban kay Christine na parang inosente.

"Virgin lang di mo alam?" -ako

"Ano ba yun Patricia?"

"HAHAHA! Basta. ;-)"

Nang ramdam ko na wala na yung sa tabi ko. Nakita ko siya pati ang ibang lalaking kasama ng 1-feet sa'kin. Nagbabading-badingan sila pero nang si Dexter na mas lalong nakakatawa dahil sa bagay sa kanya ang pagpapanggap nya.

"Buti na lang puro babae ang mga pinsan ko." -Dexter

"Pareho pala tayo." nang tumingin din sya sa'kin.

Dudugtungan ko pa sana kaso umiba ang pakiramdam ko nang tumingin ako sa mga mata ni Dexter. Parang kami lang dalawa. Nagtitigan kaming dalawa. Ewan ko nga lang kung ano ang nangyayari sa sarili ko. Nang matauhan ako, umiwas ako ng tingin. Gosh! Ano 'to?

Crazy To Fall In Love With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon