Chapter 10-**faint**

122 3 0
                                    

-UNEDITED

CHAPTER TEN

Red's POV

[From:09*********]

[Pakyu ka!putapete!kung gusto mong mamatay sa puyat wag kang mandamay!]

Napakunot yung noo ko sa reply niya.hindi pa naman masyado gabi ah.tsaka grabe naman pa lang mag mura ang babaeng to.nandito ako ngayon sa kama ko at nakadapa habang binabasa yung text niya sakin.murahin ko din kaya?

[To:babes]

[Sge sge.magpahinga kana sweety babes.dream of me *hart hart* muah muah

P.S.pakyu too ]

*Send*

Napaisip ako bigla.Ganun siguro talaga kapag saming mga kabataan. unique para samin ang nag mumurahan sa text dahil ganun kami magmahalan.

*Knock * knock*

Habang nakadapa ako sa kama may biglang kumatok.kaya bigla akong nagtalukbong at nag kunwaring natutulog.

"Sir kakausapin daw po kayo nang dad nyo"Narinig kong sabi nung maid sa labas habang kumakatok. hindi ako sumagot.

tuloy-tuloy lang ang pagkatok sa pinto.hindi naka-lock yun at bawal pumasok hanggat hindi ko pinahihintulutan kahit na nakabukas man iyon.

Maya-maya nawala na ang katok kaya nilalamon na ako ng dilim dahil sa antok.may narinig akong nagbukas nang pinto pero hindi ko na binigyan pansin.

Nagulat ako nung may biglang kumuha nung kumot ko at binato iyon kung saan pero wala akong pakielam dahil ansarap lang nang feeling matulog.

May narinig ako nag bubulungan at nagtatawan nang mahina

"Tangna,felix tingnan mo to!"

"Gago jose tigilan mo yan!"

"Hahaha"

"Araaay!!'

"Puta dun ka nga!kadiri ka eh!"

"Ice patayin mo na yan parang awa mo na!"

"Wag nga kayong maingay! nagkoconsintrate ako dito o"

"Hahaha gago!"

Habang nakapikit ako may naramdaman ako malamig na bagay ang dumadapo sa gwapo kong mukha.

hindi ko iyon pinansin at nanatiling nakapikit dahil dinadapuan na talaga ako ng antok.Pero habang tumatagal palakas ng palakas ang nariring kong tawanan.

Kumunot yung noo ko.dahan-dahan kong minulat ang mata ko.

*buggsh!*

"Putcha!ano bang problema nyo hah!"sigaw ko sakanila.binato nila ako ng unan sa mukha.ano bang ginagawa nila dito nang gantong oras ng gabi.lalo lang silang nagtawanan.

"Sinong nagbato sakin ng unan sa mukha?!"nakatingin ako kay felix dahil alam kong siya lang ang may matinong sagot.

Umiling siya habang nagpipigil ng tawa at tinuro si jose na nagaayos ng buhok.sumisipol pa ang loko.

tinignan ko ito ng masama at tumigil siya sa pagsipol tinaasan niya ako ng kilay.bigla niyang tinuro si ice na tahimik na nag babasa ng libro.tinignan ko si ice.

"hindi kita kayang hampasin ng unan.libro ang ihahampas ko sayo para mas masakit."sabi ni ice tapos pinatunog niya pa yung libro na hawak niya.binalik ko ang tingin kay jose.binato ko din siya sa mukha.yung unan na medyo matigas.sapol sa mukha. haha

"Aww..red naman.nagulo tuloy buhok ko."sabi niya.tapos inayos nanaman niya ulit yung buhok niya.napailing ako.

"ano bang ginagawa nyo dito?!" naiinis na sigaw ko.nagulat ako ng tumawa nang napakalakas si felix.
Tinignan ko siya ng masama.

The Evil Inside meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon